Chapter 50: Knowing each other

160 13 0
                                    

Mary Claire Pov's

"Hai" binati ako ni Nicolai, yes! Alam ko yung name at pagmunukha niya pero di ko lubisang kilala.
"Hello." Alinlangang sagot ko naman sa kaniya. "Anong name mo?" Habang ngiting-ngiti siya sa akin, mukhang abnoy tsk!

"Mary claire Drilon, eh ikaw?" balik kong tanong sa kaniya ng hindi ako nakatingin sa kanya dahil pinagmamasdan ko ang paligid. "Nicolai Smith nga pala, di ba tranferee ka dito sa school?" ang daming tanong ah, akala mo naman may pakialam ako kung sino siya. Alam kaya nitong wala ako sa mood makipagkilala o makipag-usap man lang.

"Ahh, yes." siya lang naman ang nagtatanong feeling close ee noh? andito kami sa bahay ngayon ng trainor namin sa sayaw syempre ito ang hobby ko ee' ang pagsasayaw.

Ang ganda nga ng background namin isang malaking puno at ako ang unggoy kasi sa puno ako naka-upo ee' at si Nicolai ang kapre siya kasi ang nakatayo matangkad kasi siya kaya swak na swak maging kapre bwahahaha! tapos ang background music naminay BANAL NA ASO, SANTONG KABAYO NATATAWA AKO HEHEHE! pero imagination ko lang yun kasi ang background namin ay para lang sayo by: Aiza Siguerra. Nagsindi siya ng sigarilyo. nagulat ako kasi hindi ko aakalaing naninigarilyo siya tsk! Major turn off. Ee ano ba pake ko?

 "Nicolai, naninigarilyo ka pala noh? pwede paki layo yan kasi allergic ako sa usok asthmatic kasi ako" sabi ko but in a nice way. "Ayy, sorry di ko alam". Nahihiya niyang pinatay ang sigarilyo at itinapon to. Hala siya! Di ko naman sinabing patayin niya at itapon, ang sabi ko lumayo siya.

"Pwede magtanong?." Nahihiya pa niyang tanong. "Nagtatanong ka na nga di ba?" Nakangisi kong sabi. Makikita mo sa mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko. "I mea------" di ko na tinapos ang sasabihin niya, masyado na siyang nagiging bungangero tsk.
"Oh sure basta wag lang about sa math ah kasi mahina ako dun." pagbibiro ko sa kaniya. At tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Don't worry walang kinalaman sa math. Atsaka favorite subject ko yun eh" halatang pinipigilan niya ang matawa. May sapak din pala ito.
"Aahhh okey" pahiya ako dun sa kaniya, kailangan talaga ipagyabang? hindi naman diba? Ee di siya na ang matalino sa math.

"Tungkol saan pala itatanong mo?" pag-iiba ko ng usapan mahirap na mapahiya pa ako ulit. "Hmm, galing ka ba sa manila? matagal ka na ba dito sa probinsya o hindi?" Ano ba kasing paki niya kung saang lupalop ako galing. Hindi agad ako nakasagot at tinitigan ko siya sa mata "P-pwede m-mo namang hi-hindi sagutin y-yung ta-nong ko" iniwas niya yung tingin niya sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita ulit. "Hindi ako kagandahan para di ko sagutin yang tanong mo atsaka baka masabihan mo pa akong feeling" nakangisi kong sabi "Oo, sa maynila ako galing." Pagsagot ko sa mga tanong niya. Siguro naman mananahimik na siya. Close ba kami para magtanong ng ganyan sa akin.

 "Ahhh, kaya pala ang galing mong magtagalog noh, ilan taon kana doon at saan kayo dun nakatira?" Di talaga marunong makiramdam tong gago na to. Kaya naman no choice ako kundi ang sagutin siya, magiging bastos ako kung aawayin ko siya, samantalang maayos siyang nagtanong.

"Mahigit 12 years ako dun, actually dun na ako nakagraduate sa elementary at nag 1st year naman sa Sta. Lucia, bago kami napadpad sa pasig taga alabang muntinlupa kami 10 years at 2 years sa pasig." Mahabang-haba kong sagot, okay lang din naman palang kausap siya, di na masama at least siya ang unang lumapit sa akin at hindi ako, may maipapaliwanag ako kay Hazel kapag nagkataong makita kaming magkasama at magkausap ng lalaking gusto niya.

"So, kung papipiliin kita saan mo gusto dito sa mindanao o sa maynila?" Ano bang klaseng tanong yan duh? "Syempre maynila, halos dun na ako lumaki eh atsaka adun na yung buhay ko." proud kong sagot habang nakatingala sa langit. Naalala ko tuloy si Jheru, musta na kaya siya don?

"May naging boyfriend ka na ba doon?." Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya, tumagal pa ng ilang segundo bago ako lumingon sa kanya.
"Hahaha! boyfriend? Wala. Boy best friend meron pa. Wala akong naging boypreeeeen kasi boyish kaya to' joke lang, pero totoo wala akong boyfriend NBSB kaya ako, pero may minahal ako nag-iisang lalaki sa loob na 4 na taon pero never naging kami kasi friends lang talaga kami." Ngiting-ngiti kong sabi habang inaalala si Jheru. Arrrrrgggghhh! Gustong-gusto ko na siyang makita.

"Apat na taon, isang lalaki lang? imposible." aba't nagtaka pa siya kasasabi nga lang NBSB ako eh. Hindi ba talaga kapani-paniwala ang mga sinabi ko? wala to! "Ee bakit mas nagmamagaling ka pa sa akin?" Naiinis kong tanong sa kaniya, nagulat siya sa naging asal ko kaya naman nagsalita ulit ako "Oo, kasi mas pinili namin kong saan mas tatagal ang relasyon namin at yun ay sa pagkakaibigan. Kaya nga miss na miss ko na siya ee! malamang sa oras na to' galit na galit na siya sa akin." malungkot kong paliwanag, at naramdaman kong namamasa ang mga gilid ng mata ko kaya naman tumingala ulit ako sa langit.

"Ano pala pangalan niya at bakit naman siya magagalit sayo?" tanong pa rin siya ng tanong at ako parang tanga lang na sagot na sagot, ano to oral and recitation lang ang datingan? Hanep! Siguro perfect na ako nito kung nagkataon.

"Jheru Galvez, ang pangalan niya. Tatanungin kita, kung ikaw ang nasa sitwasyon niya. Halimbawa ikaw siya ang boy bestfriend ko sa loob na 4 na taon, tapos iiwan kita or aalis ako na walang paalam sayo? hindi ka ba magagalit sa akin?" makahulugan kong tanong sa kaniya. Sa pagkakataon na to' ako naman ang nagtanong sa kaniya, hindi lang siya. At ayun na naman yung pagmumukha niyang parang gulat na gulat.

"Kung ako siya? syempre magagalit talaga, kasi iniwan mo ko ng walang paalam ee." yan ang sagot niya sa tanong ko. "Oh ee di nasagot mo na yung sarili mong katanungan. Ikaw na nga ang nagsabi ngayon-ngayon lang sa harapan ko na magagalit ka kapag ganun ang ginawa ko sayo what more pa kaya siya na siya ang nasa sitwasyon na yon at hindi inaasahang magagawa ko yun sa kanya." Hay nako! Anong utak ang meron siya?

"Ee' ano palang reason ba't mo siya iniwan?" Ang tibay ng apog nito hahaha. "Kasi bumagsak yung bussiness ng parents ko, di ko na sasabihin ah? masyado na siya private ee. Kaya umuwi kami dito kasi dito nakahanap ng trabaho si papa." paliwanag ko ulit sa kanya.

"Ahhh, okay so friends?" Sabay abot ng kamay niya, psh! Alangan naman tabigin ko di ba? Ee di wala akong modo kung ganun. "Oo naman halos alam mo na nga lahat sa akin di ba hahahaha." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now