Chapter 13: I hate him

245 16 1
                                    

(Ring!)

Tunog yan ng bell ng school namin. Ibig sabihin, uwian na hahahaha.
Napipikon na si Jheru hahaha. "Ikaw Mary Claire ah, ang lakas mong mantrip. Ayos ka rin noh?". Sabi ni Jheru. "Ang sarap mong pagtripan eh hahahaha" natatawa ko pa ring sabi habang hawak ko yung tyan ko hahaha.

"Tara na nga, ihahatid na kita sa inyo". Sabay akbay niya sa akin. Hala! Gentleman ang gago hahaha. Ang swerte ko. "Sigurado ka na ihahatid mo ko sa amin?" Paninigurado kong tanong, baka mamaya bumabawi lang tong loko.

"Ayyy hindi, hindi nagbibiro lang ako. Wag na nga lang". Pamimilosopo niya sa akin. Dahil madali lang akong mapikon nabadtrip agad ako sa kaniya. Asar talo talaga ako sa kaniya palagi. Tumakbo ako ng mabilis pababa ng hagdan. Nakakapagod, malapit na ako sa gate ng tinawag niya ako. Humarap ako sa kaniya, nakita ko siyang hingal na hingal. Tumakbo rin siya mula sa 5th floor? Buti nga sa kaniya.

"Hooy! Tumigil ka muna, napapagod na ako kakahabol sayo". Reklamo niya. "So, kasalanan ko pa ngayon? Bakit sinabi ko bang habulin mo ko?" Taray kong sagot.

"Sige na, talo na ako. Tara". Una na siyang lumakad, pero di ako umalis sa kinatatayuan ako. "Hoooy! Ano pa bang hinihintay mo?" Sigaw niya sa akin. "Ayokong magpahatid sayo, bwesit ka". Sigaw ko rin sa kanya.

"Aysus! Gusto ko pang lambingin kita eh". Ang yabang talaga ng kumag na to kahit kailan. "Wag na, kaya kong umuwi mag-isa". Pagalit kong sabi sa kaniya. "Aysus! Asar talo ka lang talaga hahahahaha". Dahil bina-badtrip talaga niya ako, nilapitan ko siya at sinuntok sa tyan. Napasigaw siya sa sakit. Buti nga sa kaniya. "Mary Claire ang sakit". At ako naman ang tumawa ng malakas. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Yung iba nagbubulungan, yung iba kinikilig. Ewan kung bakit.

Dahil wala ako sa mood, nagpatuloy ako sa paglalakad ko. "Mary claire, sige na ihahatid na kita". Habol niya sa akin. "Ayoko! Umuwi ka mag-isa mo!" Pagmamatigas ko at patuloy ako sa paglalakad ko.

"Kapag nagpahatid ka, ililibre kita". Imbis malapit na ako sa gate napahinto ako dahil sa sigaw niya. Alam na alam ng gagong to kung paano ako paaamuhin. Dahil mabait ako, humarap ako sa kaniya at lumapit, sabay hila ko sa kaniya. Libre na nga eh, tatanggihan ko pa ba? Tamang-tama nagugutom ako hahahaha. Nag bye-bye na ako kay manong guard habang hila-hila si Jheru na sapo-sapo pa niya yung tyan niyang sinuntok ko. Kawawa naman.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon