Chapter 14: Introduce

234 15 1
                                    

Kinabukasan

Nasa classroom kami nina jheru, biglang may tumawag sa pangalan niya. Sabay kaming napatingin ni Jheru sa tumawag sa kaniya.

Biglang tumayo si Jheru at pumunta sa pintuan. Di ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila, kaya naman tinitingnan ko na lang sila.

Biglang pumasok sa room yung kausap ni Jheru. At yung mga kaklase kong mga babae, halatang kinikilig sila. Ano yan, heartrob ng school?.

Umupo si Jheru sa upuan niya, habang yung mga kasama niya nakaupi rin sa mga bakanteng upuan.
Ang iingay naman nila. Inisa-isa ko silang tiningnan. Yung isa sa kanila matangkad, maputi, matangos yung ilong, payat pero kapag ngumiti pamatay ang puputi ng mga ngipin at pantay-pantay parang model ang datingan. Ilang babae na kaya ang niloko at pinaasa nito? Siguro madami. Yung isa naman ang pandak pero ang cute, ito yung tipo ko sa lalaki hahahaha.

"Tara Jheru canteen tayo, nagugutom ako". Aya nong tisoy kay jheru. Lumingon sa akin si Jheru kaya naman napansin nila ako.

"Baka naman may plano kang ipakilala siya sa amin?" Turo sa akin nong tisoy. Ngumiti naman si Jheru at ipinakilala ako sa mga kaibigan niya "Janiel, Nikki si Mary Claire nga pala" at lumingon sa akin si Jheru "Mary Claire, si Janie at Nikki nga pala" Nag-hi lang ako sa kanila at nginitian din nila ako. Ang gwa-gwapo naman hahaha.

"Tara na nagugutom na ako eh. Sumama ka na rin sa amin Claire, ililibre ka namin". Aya sa akin ni Janiel. Kinikilig aki hahaha. Pero dahil kailangan munang magpakipot ng konti "Wag na, kayo na lang" tanggi ko. "Sus! Wag ka ng mahiya sa amin mababait din naman kami". Sabi naman ni Nikki. "Sigurado kayo?" Paninigurado ko. At sabay-sabay silang nag yes. Ano pa ba magagawa ko? Hahaha.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now