Chapter 22: Bestfriend vs Girlfriend

199 14 0
                                    

Habang naglalakad kami ni Elvira, Shiryl at nagtatawanan papuntang classroom, biglang humarang sa akin si Elizabeth, girlfriend ito ni Jheru kaya kilala ko. "Ang kapal naman ng mukha mong agawin sa akin si Jheru" galit na utro niya sa akin. " Anong ikinagagalit mo, atsaka anong pinagsasabi mo inagaw ko sayo si Jheru" nalilito talaga ako. Akala ko matatapos na ang lahat kay Abigail, hindi pa pala. 

"Hindi mo talaga alam ang dahilan o nagpapanggap ka lang na wala kang alam! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nag-aaway ni Jheru ngayon."  bakit parang ako ang sinisisi niya? "Huh, sandali lang. Anong pinagsasabi mo dyan Elizabeth? Eh hindi ko nga alam ang rason mo kung bakit mo ko sinugod ngayon." Praning na siguro tong babae na to. "Sigurado kang wala?" nanlilisik ang mata niya sa akin, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako dito pinaglalamayan sa kinatatauyan ko. 

''Meron Mary Claire, meron! nang dahil sayo wala ng oras si Jheru sa akin, nang dahil sayo di ko na siya nakakasama kasi ikaw na palagi niyang kasama. Nang dahil din sayo, nag-aaway kami kasi pinagtatanggol ka niya sa akin. Higit sa lahat nang dahil sayo, nagbago si Jheru di na siya tulad ng dati na kilala kong Jheru na malambing. Ang lamig na ng pakikitungo niya sa akin, parang di na nga girlfriend ang turing niya sa akin." naiiyak niyang sabi, pero pinipigilan niyang maiyak

''Sorry, di ko naman kasi alam atsaka bestfriend lang ang turing ko kay Jheru at hanggang doon lang yun." Alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman niya, kahit sino naman ganon magiging reaksyon eh.

''Ayun na nga eh! bestfriend ka lang niya at ako ang girlfriend niya pero, bakit mas pinaglalaanan ka pa niya ng oras? bakit lagi kayong magkasama kahit saan? bakit close na close kayo sa isa't isa? bakit ang sweet nyo na halos akalain ng iba kayo na? Kaibigan ang turing mo sa kaniya, pero siya natanong mo ba na kaibigan lang din ang turing niya sayo?" nasasaktan talaga si Elizabeth. Natahimik ako, di ko alam kung ano ang sasabihin ko para di na siya masaktan.

"Akala mo ba, hindi ko alam na sinusundo ka niya tuwing umaga sa gate at hinahatid ka niya kapag uwian sa inyo. Parang ikaw na nga ang girlfriend ngayon kung umasta ka.At ao pa yung mga nalaman ko na araw-araw ka niya nililibre kapag recess at uwian, way mo ba yan ng pagiging malandi mo?" pati ba naman siya tingin sa akin malandi. 

"Natahimik ka kasi totoong malandi ka?" ganito pala ang ugali ng girlfriend ni Jheru, seryoso pinatulan niya to? "Manahimik ka na Elizabeth, di na ako natutuwa sayo. Dahan-dahan ka sa pananalita mo dahil kung hindi baka di ko mapigilang masapak kita kahit girlfriend ka pa ni Jheru wala akong pakialam" mahina pero matigas kong sabi. Ayokong magalit sa akin si Jheru dahil kahit papaano girlfriend niya pa rin itong babaeng nasa harapan ko at kapag nasaktan ko ito, alam kong masasaktan din si Jheru.

''Oo, alam ko ikaw ang girlfriend at ako ang bestfriend, kaya anong laban ko sayo. For your more information lang, I repeat what I said to Abigail, you both seem to be ignorant. I'm not as flirty as you say. And I never flirted with Jheru, I knew how to respect someone who had a girlfriend. You know if I was really flirty, Jheru would have left you a long time ago. I'm sure he's my boyfriend now" ewan ko na lang kung hindi pa niya maintindihan ang paliwanag ko.

"Shuuuuut uuuuup!" nanggigigil niyang sigaw sa pagmukuha ko. Nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito. "Ano bang pinagpuputok ng buchi mo dyan ah? pwede ba, hinaan mo yang boses mo nasa lobby tayo baka nakakalimutan mo. Nakakahiya na kasi pinagtitinginan na tayo ng iba" saway ko sa kanya. "Ikaw ang tumahimik! layuan mo si Jheru, layuan at wag mong lalandiin ang boyfriend ko" despensa niya, "Boyfriend mo na bestfriend ko!" oh natahimik siya? nakatingin siya sa akin ng masama kaya naman nakipagtitigan din ako sa kaniya. 

Akmang sasampalin niya ako nang may biglang humarang sa kamay niya, pagtingin ko si Jheru na nanlilinsik ang mata sa galit. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang nagalit. "Why would you slap Mary Claire? I can't believe you can do this to her Elizabeth". namumula sa galit si Jheru. "Bakit mo siya pinagtatanggol Jheru? ako ang girlfriend mo kaya dapat ako ang pinagtatagol mo hindi siya". galit na rin si Elizabeth.

''Oo, girlfriend kita pero hindi ko kukunsentihin ang mga mali mo."  Mahina pero matigas na pagkakasabi niya. "Ako na naman mali sa paningin mo ah Jheru? bakit si Mary Claire na lang ang laging tama sa paningin mo tapos ngayon kinakampihan mo pa siya!" umiiyak na sabi ni Elizabeth, gusto ko sanang makisali sa usapan nila pero wala akong karapatan, away nilang dalawa ito. "Enough!" Nagulat kami sa lakas ng pagsigaw ni Jheru.

"Alam mo Elizabeth, ang kitid ng utak mo, bakit ka nagkakaganyan? di ka ba nakakaintindi?" nahilamos ni Jheru ang kamay niya sa mukha niya sa sobrang pagtitimpi ng galit. "Ayaw mo kasing ipaintindi sa akin Jheru!" mahinang sabi ni Elizabeth. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng ito?

''So, mas kakampihan mo talaga siya Jheru kaysa sa akin? paano naman ako.  I mean, paano yung relasyon natin? sisirain mo at itatapon mo na lang ba yung mahigit apat taon natin dahil lang kay Mary Claire?" hindi makapaniwalang sabi ni Elizabeth.

''Hindi ako ang sumisira, alam mo yan." Kampanteng sagot ni Jheru.''Ganun na lang yun, mamili ka sa amin. Ako na girlfriend mo or siya na bestfriend mo?" sabay turo naman sa akin ni Elizabeth. Nakaramdam ako ng takot. Bakit umabot pa sa puntong pinapili ni Elizabeth si Jheru. Pigil ko ang hininga ko habang hinihintay yung sagot ni Jheru.

"Sumagot ka Jheru". sabi na naman ni Elizabeth. Narinig kong napabuntong hininga si Jheru.''Mahal kita Elizabeth". Sagot ni Jheru, at nakita kong nakangiti na si Elizabeth. Habang paulit-ulit sa isip ko ang sagot ni Jheru, ang sakit lang kasi eh alam ko naman na mas pipiliin niya ito kasi girlfriend niya ito pero bakit ang sakit pa rin. Yayakapin na sana ni Elizabeth si Jheru ng biglang umiwas ito sa kaniya. 

''Sorry pero, mas mahal ko na si Mary Claire." malungkot na sabi ni Jheru, iniwas ang tingin niya dito at humarap sa akin. Lahat ng tao na nasa paligid nakatingin sa amin, samantalang ako nakatulala. Pilit kong iniintindi ang sinabi ni Jheru. "I hate you Jheru! pagsisisihan mo ang araw na ito na hindi ako ang pinili mo. Magsama kayo ng malandi mong bestfriend" at nag walk out siya. Nakakalungkot kasi naghiwalay na sila dahil sa akin, pero masaya ako dahil ako ang pinili niya.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant