Chapter 33: Ex girlfriend

168 11 0
                                    

Jheru Pov's

Kaninang umaga pa may natatanggap na regalo si Mary Claire. Lagpas sampu na siguro. Hinayaan ko muna sila, mamaya na ako magbibigay.
Habang tinitingnan ko siyang masaya, nasabi ko na lang na napaka swerte ko talaga sa kanya. Ang daming nagkakagusto sa kanya dito sa campus pero wala siyang pinapansin. Yung iba ngang kalalakihan sa amin naiinggit sa akin. Kaya sobrang proud ako na ako ang bestfriend niya.

Nakangiting humarap siya sa akin. At tinawag niya ako kaya lumapit naman ako. Makikita mo sa mukha niya kung gaano siya kasaya. Pinapakita niya sa akin lahat ng natanggap niya, bigla na lang siya tumigil at humarap sa akin. Inilahad niya yung isang kamay niya sa akin na gets ko naman kung ano yung gusto niya hahaha.

"Pwede mag exchange gift tayo?" Tanong ko sa kanya. "Huh?" nalilitong rekasyon niya. "Pwede bang sa akin ka na lang at ako na lang sayo? Boom panes!" Sigaw ko hahaha. Natawa na lang siya sa kakornihan ko. Tumayo ako at pumunta ako malapit sa lamesa ng adviser namin, para kunin yumg regalo ko sa kaniya.

Naglalakad ako palapit sa kaniya, habang nakanganga. Di pa siya nakakabawi inabot ko na sa kaniya yung regalo ko na teddy bear na may hugis puso sa gitna at kapag pinindot mo biglang magsasalita ng I love you Mary Claire. Pinagawa ko talaga yun, Hindi lang yun may kasamang maliit na boquet. Nakikita kong naiiyak siya kaya naman hinawaka ko siya sa mukha at sinabing hindi lang yun ang ibibigay ko sa kaniya.

Mary Claire Pov's

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Ang dami kong natanggap na regalo, nakakataba ng puso. Okay lang naman sa akin kung binati lang nila ako kaso nag effort pa sila. Sa lahat ng natanggap ko yung kay Jheru ang pinaka nagustuhan ko. Sa tingin ko pinagawa niya pa talaga niya ito. Nagtaka ako dahil mabilis siyamg lumabas ng classroom. May kukunin pa daw siya na kasama sa regalong ibinigay niya.

Jheru Pov's

Pabalik na sana ako ng classrom para ibigay itong portrait ng picture niya. Pinasadya kong ipagawa ito. Nang biglang may tumawag sa akin.

"Jheru?" Paglingon ko, si Elizabeth pala. Hinawakan ko ng mabuti yung picture frame muntik ko ng mabitawan. "Ikaw pala yan, kamusta na?" Pinagmasdan ko siya, lalo siyang pumayat. Ano kaya pinaggagawa ng isang to. "Okey, lang naman ako. May kailangan ka?" Kasi kung wala aalis na ako baka naghihintay si Mary Claire, pero sa isip ko lang sinabi sympre ayoko naman siyang saktan. Huling nakausap ko iti noong pinapili niya ako sa kanila ni Mary Claire, matagal na din yun.

"Ahhh-ehh kasi, may gusto sana akong sabihin at ibigay sayo" sabay abot niya sa akin ng bracelet, ito yung gusto kong bilhin dati kaso nagmamadali kaming umalis. Tinitigan ko lang yun, nang bigla siyang nagsalita.

"Sige na kunin mo na, sana kahit ito man lang wag mo ng tanggihan." nakangiti niyang sabi, pero halata sa mga mata niya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya. Hindi umabot sa tenga yung ngiting pinakawalan niya. Kahit papaano kabisado ko nan rin si Elizabeth.

Kaya naman tinanggap ko na. Peace offering niya daw ito. Hindi ko matanggihan ang babaeng ito kasi pabalik-baliktarin man ang mundo. Hindi ko maikakaila na minahal ko din siya ng mahabang panahon. Nakita ko siyang umiiyak, lalapitan ko sana siya ng bigla niya akong, niyakap.

"Shhhhh! Wag ka ng umiyak, hindi ka naman nagkulang, nasa akin lang talaga ang problema. Pero thank you kasi dumating ka sa buhay ko". pag-aalo ko sa kaniya, ayoko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan lalo na kung ako ang dahilan

"Kasi naman ikaw eh' iniwan mo ko" paninisi niya, alam ko naman yun eh. 

"Sorry talaga Elizabeth pero mas masasaktan kita." yun na lang nasabi ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap niya. Alam kong nasaktan ko yung babaeng minsan kong pinangako sa sarili ko na hindi ko na siya sasaktan.

"Naiintindihan ko naman eh,  paano na yan pwede naman siguro tayong magin magkaibigan di ba?" tanong niya.

"Syempre, bakit naman hindi. Panigurado ako mas magiging masaya si Mary Claire kapag nalaman niyang okay na tayo". Ang swerte ng lalaking mamahalin ulit ni Elizabeth, kung sino man yun sana ingatan at wag niyang sasaktan si Elizabeth, wag niya akong tutularan hindi kasi niya deserve masaktan.

"Pakisabi din kay Mary Claire na sorry sa mga nagawa ko sa kaniya, sa panunumbat at sa paninisi sa kanya di ko talaga sinasadya yun." Kahit di siya humingi ng tawad alam kong napatawag na siya nito.

"Oh sige, ako na ang magsasabi sa kaniya." Pagkatapos nagpaalam na siya

"Aalis na ako, pakisabi kay Mary Claire happy birthday.  Basta ingatan mo yan ah?" Ang tinutukoy niya yung bracelet na binigay niya sa akin. Hindi ko to isusuot pero itatago ko to.

Pagbalik ko sa classroom wala na si Mary Claire pati yung mga regalo niya. Nasaan kaya yun?

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now