Chapter 47: I hate goodbye

168 12 0
                                    

Mary Claire Pov's

Pinuntahan ko si Eloisam sa room nila at inaynla kong pumunta sa oval ng school. Yes may sariling oval ang school namin dahil sa sobrang laki nito. "Eloisam, pwede ba tayo mag-usap?."- tanong ko kay Eloisam.

"Sige wait lang, ilalagay ko muna tong notebook ko sa bag baka mawala" bumalik siya sa upuan niya, alam nyo kong bakit siya ang nilapitan ko? kasi isa siya sa nakakaalam kung anong meron sa amin ni Jheru, since grade five pa kami. Nakatayo ako sa labas ng pintuan nila at dito ko siya hihitayin. Di ko namalayan "Mary Claire, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Eloisam. Nagbuntong hininga na lang ako. Di ako sumagot hanggang sa nakarating kami sa oval at parehas kaming nakaupo ngayon malapit sa flag fole.

"Alam kong hindi ka okay, kanina pa ako nagkukwento dito parang nililipad yang utak mo. Siguro si Jheru na naman yan noh?" Sabi sa inyo eh kilala niya ako at alan nya kung sino nagpapagulo ng isipan ko.
Tumango naman ako.

"Eh bat di mo pa sagutin? bulag ka ba? kaay---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya nagsalita na ako.

"Alam mo namang hindi pwede di ba? Kung pwede lang matagal ko na sana siya sinagot nung grade five pa tayo eh di sana kami na hanggang ngayon, eh di sana masaya na kami ngayon. Kaso hindi pwede. Lalo na may mas malalim akong dahilan." Depensa ko sa sarili ko. "Anong dahilan na naman yan at hindi mo siya masagot-sagot?" Kapag ganito na yung tono ng pananalita niya, naiinis na to. Kung hindi niya lang ako kaibiga siguro nasapak na niya ako sa mukha.

"Aalis na kasi ako, uuwi na kami sa probinsya" sabay yuko ko ng ulo. Napatayo siya sa gulat at malakas siyang nagsalita "Anooooo?! Anong aalis ka? Bakit? Kailan?" gulat na gulat at sunod-sunod niyang tanong.
"Oo! uuwi na kasi kami sa cebu." malungkot kong sabi.

"So, iiwan mo siya.  Mary Claire isipin mo muna lahat ng mga nagawa niya for you! wag mo lang itatapon ng ganon-ganon lang. Unang-una sa lahat baka nakakalimutan mo mas pinili ka niya, iniwan niya si Elizabeth just for you. Nasira ang friendship nila nina Nikki at Janiel kasi mas pinili kaniya. 5 years na din siya nagpaparamdam sayo, iniwasan niya lahat ng mga babaeng nagpapapansin sa kaniya. Siya rin ang kasama mo sa lahat sa kulitan, tawanan, iyakan pati nga sa problema mo hinahatian kaniya wag ka lang mahirapan. Naaalala mo pa nga sabi mo dati siya ang taga sulat mo? siya ang taga drawing mo? siya ang sumasagot sa lahat ng mga assignment nyo at sa mga quiz pinagpapalit pa nga niya papel nyo para lang wag kang bumagsak? At saksi kami doon lahat. Lagi ka niya pinagtatanggol pag may naninira sayo o umaaway? Ipaalala ko lang sayo kamuntikan na siyang mamatay dahil sa pagtatanggol sayo nong binastos ka. Di ba nga siya rin yung dahilan kung bakit sa loob ng 5 years libre ka sa recess pati tuwing uwian nililibre ka rin nya. Siya pa nga ang taga hatid mo, hindi pa ba sapat ang lahat ng yun Mary Claire? hindi pa ba sapat na sa loob ng limang taon wala siyang minahal na iba kundi ikaw! mas inuuna kanya kaysa sa sarili niya. Ito pa ang nakaka-proud sa kaniya, pinagmamalaki ka niya sa lahat, kinakalat niya na naging kayo kahit hindi naman para lang walang manligaw sayo na iba. Nagseselos siya pag may gustong makipag- close sayong ibang lalaki, ang gusto kasi niya siya lang ang lagi mong napapansin, na sa kaniya lang yung atensyon mo palagi. Nagtatampo siya pag may tinatago ka sa kaniya. Lahat ng gusto mo o iutos mo ginagawa niya kahit ayaw niya, never mo siyang narinig na nagreklamo at nagalit sayo.
Di ba tuwing friendsary nyo lagi siyang may suprise sayo. Kaya matanong nga kita kailan ka niya pinabayaan, kailan ka niya iniwan, kailan ka niya pinagpalit sa iba, kailan ka niya pinaiyak, at higit sa lahat kailan ka niya sinaktan? Di ba ni minsan hindi niya ginawa sayo yun. Ang swerte mo sa part na yun, ang swerte mo sa kaniya. Kung alam mo lang na maraming babae ang gustong ganyan ang trato ng mga lalaki sa kanila. Mismo nga ako naiingit eh kasi kahit hindi kayo magkaklase never niyang nakalimutan na dalawin ka sa room nyo makita lang niyang okay ka. Halos kayo na nga nagsasabay magrecess. Tinuring ka niyang prinsesa, tandaan mo itong sasabihin ko sayo, may oras na mapapagod din sayo si Jheru yung tipong mahahanap niya sa iba yung pagmamahal na matagal niyang hinihintay na ibigay mo sa kaniya. Pero kung kailan, yan ang hindi natin alam. Nakakalungkot lang kasing isipin na masasaktan siya dahil sayo. Kaya naman please! bilang kaibigan nyong dalawa, ako na ang nakikiusap sayo wag mong gagawin yan, wag mong iiwan si Jheru" narining ko na lang humahagolgol si Eloisam pagkatapos ng lahat ng sinabi niya. Alam kong nasasaktan din siya para kay Jheru, parang kapatid na rin kasi ang turing nila sa isa't isa. Dalawa na kaming umiiyak ngayon.

Pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan. Idagdag mo pang wala akong kwentang, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon galit, sakit at panghihinayang. Di naman kailangan isumbat at sabihin sa akin kung ano ang nagawa ni Jheru para mapasaya at maprotektahan ako. Alan na alam ko yun, kaya nga ako nahihirapan ngayon eh. Lord pwede po ba masagasaan ng sasakyan tapos magka-amnesia?

"Alam ko na-naman yun eh hi-hindi mo kai-kailangan isumbat la-lahat. Bakit, sa tingin mo gusto ko siyang iwan? halos magmakaawa ako sa parents ko na wag na lang kami umalis o iwan na lang nila ako dito.
Alam nating dalawa na maswerte talaga kami sa isa't isa, kung proud siya mas proud ako sa kaniya. God knows kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako masasaktan kapag nalayo ako sa kaniya, lalo na kapag iniwan ko siya. Pero hindi ko na mababago ang desisyon nina papa alam mo yan. Nalugi ang negosyo namin kaya naghanap ng ibang trabaho si papa doon at natanggap siya" Mahaba kong paliwanag para maintindihan niya. Matapos kung sabihin yun,  humagolgol ulit ako, naramdaman kong niyakap na ako ni Eloisam.

"Shhhhh, sorry Mary Claire. Sa lahat ng sinabi ko, gusto lang kasing hindi mo siya iwan pati na rin kami kasi kung masasaktan kaming mga frenny mo alam nating pareho na mas higit na masasaktan dito ay si Jheru" may punto rin naman siya.
"A-alam ko na-naman y-yun ee." Habang pinupunasan ko yung luha kong walang tigil sa kaaagos.

"So ano na plano mo ngayon, magpapaalam ka ba sa kaniya?" Tumayo siya para pagpagan yung palda niya. "Ayoko siyang iwan, ayoko rin magpaalam baka di ko kayanin na sa unang pagkakataon makita ko siyang umiyak at baka di ko kayanin" ano ba naman tong mata na to walang pagod kakaiyak. Bwesit!

"Eh ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong ulit niya sa akin na ngayon nakaupo na ulit sa tabi ko habang namimitas ng damo.

"Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang at least may napagsabihan na ako at nakakaalam kong bakit ko siya iiwan reasonable naman eh" pati ako nagpipitas ng damo, lagot kami sa hardinero dito. "Kailan ang alis nyo?" Tanong pa rin niya. "Hindi ko pa alam, wala pa naman sinasabi si papa" hindi na siya nagsalita kaya inaya ko na siyang umalis sa oval. Tamang-tama ng makarating kami tumunog yung bell. Nagpaalam na kami sa isa't isa kasi may kanya-kanya pa kaming papasukan for the next subject.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora