Chapter 6: Goodbye

345 28 6
                                    

A few weeks ago, when we last saw Adrian. So far I haven't seen him, is he avoiding me? If so, what is the reason? I have no idea. Because I was worried about him, I went to his house. I was near their house when I saw him. I really miss him. Lalapitan ko na siya ng napansin kong namamaga yung mga mata niya. Umiyak ba siya? Bakit?

"Adrian?" Tawag ko sa kaniya. At gulat na gulat siyang nakita niya ako. Tama nga ako, umiyak siya kasi halata sa mga mata niya.

"Anong drama natin ngayon Adrian? Di naman kita binastes ah?" Biro ko sa kaniya. Alam kong mabigat yung problemang dala-dala niya, di naman siya iiyak kung hindi di ba? Pero bakit may pakiramdam akong masasaktan ako. Praning lang siguro ako. Naghihintay ako sa sagot niya pero wala pa rin, nakatulala lang sa mukha ko kaya naman pinitik ko yung kamay ko sa harapan niya.

"Huh, may sinasabi ka ba?" Inosenteng tanong niya. "Hoy! Adrian di na ako natutuwa. Tinatanong kita kung ano ang problema mo? Pero hindi mo ako sinagot at natulala ka?" Naiinis kong sabi. "Sorry, may iniisip lang ako" sabay iwas niya ng mata niya sa akin. Tinitigan ko muna siya bago ulit ako nagsalita. "Halata nga" at nagbuntong hininga ako.

Umupo siya sa ika-tatlong baitang ng hagdan nila at ginaya ko din siya.

"You know Adrian, you can tell me your problem. Don't be shy, for what else and am I your friend? Huwag mong susubukang magsisinungaling sa akin, kung ayaw mong sapakin kita sa mukha mo. pangit na nga pagmumukha mo, baka lalo pa pumangit kapag nasapak kita" pagbibiro ko para naman ngumiti siya. Kaso wala eh, seryoso talaga siya kaya naman nanahimik na ako. Limang minuto ang nagdaan, bago siya nagsalita.

"Mary Claire, lilipat na kami ng bahay". At dahil sa narinig ko, lumingon ako sa kaniya. Parang bombang sumabog sa tainga ko yung sinabi niya. Di ko alam ano ang dapat kong maging reaksyon ko. Halos natameme ako at nahihirapan akong huminga. Mas lalo akong nahihirapan dahil nakikita ko siyang umiiyak. Umiiyak siya sa mismong harapan ko.
Umiiyak na pala kaming dalawa.

Nanghihina pa rin ako at pilit kong iniintindi kung ano ang sinabi niya pero ang gulo talaga. "Sorry, di ko naman gusto umalis eh" umiiyak pa rin niyang sabi. At tulala lang ako sa kaniya. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Alam mo kung ano yung mas masakit? Yung mawalan ka ng isang taong tinuring mong matalik na kaibigan at taong kaisa-isa mong minahal.

"Hindi mo man lang ba itatanong sa akin kung anong dahilan?" Nahihirapan niyang sabi. "Dapat ko pa bang malaman?" Mahina kong sabi at tumango siya. "Naghiwalay na sina mama at papa" at nagulat ako sa narinig ko. Kamusta na kaya si tita?

"Aalis ka? Iiwan mo ko? Pero di ba nangako tayo sa isa't isa?" Humahagolgol kong sabi sa kaniya, ang hirap tanggapin. Mas matatanggap ko pa siguro na makita siyang masaya sa iba at least nakikita ko siya, hindi tulad nito na aalis na siya.

"Oo, tutuparin ko pa rin naman yung pangako ko sayo eh. Sa ngayon, mas kailangan ako ni mama. Kaya kailangan ko siyang samahan" naiintindihan ko naman paliwanag niya eh. Acceptable reason naman yung sinasabi niya, kasi kung ako amg nasa kalagayan niya ganon din gagawin ko.

"Promise I'll be back. I'll come back to you, just wait for me. Please! don't fall for anyone else, I might be crazy." He was still crying.
"But you promised that you wouldn't leave me alone, would you?" Pero hindi siya nagsalita.

Tumayo ako at tinalikuran ko siya, ayokong makitang umiiyak siya. "You know what, don't make promises if you can't keep up". Yun lang ang sinabi ko tapos tumakbo na ako, wala akong pakialam kung anong iisipin ng ibang tao sa akin. Ang alam ko lang nasasaktan ako. I hate him.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon