Chapter 3: Official friends

572 33 3
                                    

"Hi" pagtingin ko sa nagsalita nagulat ako. "Ikaw na naman?" Inis kong sabi.
"Sandali lang, andito lang naman ako kasi gusto kong humingi ng sorry sa iyo."  sincere niyang sabi.

"At paano mong nalaman na dito ang bahay namin?" Mataray ko pa ring tanong sa kaniya. "Nagtanong ako kay Anna, at sakto nakita kitang nakaupo lumapit na ako sayo". Paliwanag niya. Naku! Yung Anna na yun, malilintikan siya sa akin mamaya.

"Okay". yan na lang ang sinabi ko panira eh! Tss! nakikitang nag-eemote ako dito. 
"Ibig sabihin pwede ako makiupo?" Makakatanggi ka ba kung ganito kagwapo ang kausap mo? Hindi. Kaso gusto kong magsungit hahaha.

"Bakit, sinabi ko bang bawal kang umupo? May nakita kang nakasulat na bawal, wala di ba? tanga lang noh?" Pabara kong tanong sa kaniya, ee' sa tanga siya ee!
"Alam mo ang sungit mo sa akin. Noong nagkabanggaan tayo sinungitan mo rin." Aba't isumbat ba naman sa akin?.

"Ikaw kaya ang banggain? Sinong matutuwa di ba? Wala. Maliban na lang kung may sayad ka sa utak at okay  lang sayo na banggain ka ng kung sino-sino". Depensa ko sa sarili ko.
"Alam mo miss, maganda ka sana kung di ka lang masugit eh". reklamo niya. At sa gulat ko di agad ako nakapagsalita.

"Huh?" yan na lang ang nasabi ko.
"Anong huh? Ang sabi ko maganda ka" ngingiti-ngiti niyang sabi hahaha.    ko?
"Kanina pa tayong nag-uusap pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't isa. By the way I'm Adrian, ikaw?" Masaya niyang sabi sabay lahad ng kamay niya.

"Napansin mo rin sa wakas, masyado ka kasing madaldal at feeling close". Natatawa kong sagot.
" Hindi ah. Sadyang gwapo lang ako". Natatawa na rin niyang sabi. "Ang laki ng bilib sa sarili natin ah?" Sarkastiko kong tugon. Napangiwi na lang siya hahaha. "Wag masyadong mayabang ah? By the way I'm Mary Claire" sabay tanggap ko sa kamay niya at nag shake hands kaming dalawa.

"Dapat ganyan, nakangiti ka palagi. Ang ganda mo talaga, walang halong biro. Kasing ganda ng pangalan mo, so friends na tayo?". Hindi ako sumagot.
"Pag-iisipan ko muna. Hmmmmm, sige friends na tayo." Wala akong planong tumanggi noh. Nakikipagkaibigan lang naman siya eh.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now