Chapter 39: Friendsary and friendly date

174 12 0
                                    

Jheru Pov's

"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso lagot ka na (lagot ka na, siguradong huli ka)" nandito ako sa banyo ngayon at naliligo kasi ako habang kumakanta. Ang saya-saya ko talaga ngayon, hindi pa nga ako nakakamove-on sa pagkapanalo ko kahapon kahit expected na ako naman talaga, hindi sa pagmamayabang.

Napaka espesyal ang araw na ito sa akin, sa amin ni Mary Claire kasi ngayon araw na ito ay friendsary namin, akala nyo yung may mga syota lang ang nagce-celebrate, hindi kaya pati na rin ang pagkakaibigan dapat sine-celebrate din natin.

kaya gagawin ko ang lahat para maging memorable sa amin ang araw na to' yung as in hindi niya makakalimutan? sa totoo lang ginagawa ko ito dahil mahal na mahal ko siya. ganyan siya kaimportante sa buhay ko. alam mo, kuntento ako sa pagiging matalik naming kaibigan. wag kayong magagalit kay may claire ah? kung bakit hindi nya ako sinasagot. dahil may reasonable siyang reason at naiintindihan ko yun. kung ako nga naiintindihan, what more pa kaya kong ikaw na hindi mo alam ang pinagdadaanan niya at sorry dahil hindi ko pwedeng sabihin sa inyo.

Kaya naman nagmadali na ako. Nagpa alarm clock ako ng alas syete ng umaga tapos naligo na ako hindi na ako nag-agahan kasi kakain din naman kami sa pupuntahan namin. Sympre dapat mabago, maayos at gwapo tayo ngayon para naman mapansin din ako ni Mary Claire, yung tipong makikita niya ako bioang isang lalaking nagkakagusto sa kaniya hindi bilang isang lalaking kaibigan nya.

Usapan namin susunduin ko siya sa kanila mga 9:30 at ang oras ngayon ay 8:45 na. Sympre dumaan muna ako flowershop para bumili ng kanyang paboritong bulaklak ang tulips.
Nandito na ako sa tapat ng gate nila at nag doorbell habang hawak-hawak ko yung bulaklak.

Natulala pa ako, sino ba naman ang hindi ang ganda niya ngayon. Alam kong maganda talaga sita pero mas gumanda siya sa paningin ko. Wala naman kakaiba sa suot niya kundi tattered jeans na may ternong off shoulder at pinarisan niya ito ng doll shoes na color pink. Tapis nakalugay lang yung mahaba niyang buhok hanggang sa beywang. Ganito na ba talaga ako ka inlove sa bestfriend ko? Lalong lumala. Kaya di na ako magtataka na kahit si Mark ay magkagusto sa kaniya.

"Hoy!" Sabay sampal niya sa mukha ko, ang sakit. "May sinasabi ka?" Di ko sure kung meron nga ba siyang sinasabi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngumiti at nagsalita "Ang aga natin ngayon ah, di ka naman halatang excited noh?" Kakaiba ang ngiti niya, parang may ibig siyang sabihin na hindi ko alam. "Kasi po, alam kong ayaw na ayaw ng mga babae na pinaghihintay sila ng matagal" tama naman ako di ba girls? Tumawa siya, anong nakakatawa? "Ang gwapo natin ngayon talagang pinaghandaan mo talaga?" Nang-aasar niyang sabi. "Alam kong maganda ako, kaya wag mo na akong tinititigan. Sige ka baka lalo kang ma- inlove sa akin" di ko alam anong dapat kong sabihin sa kaniya. Inayos ko muna sarili ko at ibinigay ko sa kaniya yung bulaklak, nakalimutan ko pala. Pusang gala. Tinanggap niya ito agad at inamoy-amoy. "Let's go? Para mahaba-haba ang araw natin" pumasok siya sa loob para magpaalam siguro kina tita at inilapag niya yung bulaklak sa gitna ng lamesa nila sa sala. Pagkatapos umalis na kami.

Ang una naming pinuntahan ay sa Manila Zoo, ayoko dito pero anong magagawa ko? Siya ang masusunod. Para siyang bata na ewan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay naaaliw sa mga hayop na nandito. Nakakabagot kaya alam nya yun?

"Jheru, halika dito bilisan mo?" Tumatalon-talon pa niyang tawag sa akin, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid niya. At ako naman ay lumapit sa kaniya. "Anong meron?" Gusto ko ng umalis dito. Di ko na kaya tulong! "Look oh, kamukha mo yung uranggutan na yun." napatingin ako sa tinuturo ng kamay niya. Putcha talaga, sa gwapo kung to? Uranggutan lang tingin sa akin ng babaeng pinakamamahal ko? Unfair.

Samantalagang ako dyosang-dyosa siya sa paningin ko. "Ang gwapo ko namang uranggutan kung ganun". Wala sa mood kong sabi. "Dali tumabi ka sa kaniya, kukuhanan ko kayo ng picture para mai-post ko sa facebook". Seryoso ba talaga siya? Di siya nagbibiro? Ginagawa niya akong katawa-tawa. 

Tumanggi ako sa kaniya "Ayoko nga, di kami magkamukha. Mas gwapo naman ako sa uranggutan na yan" totoo naman kasi eh. Nakita ko siyang natahimik at nalungkot. Humaba pa nga ang nguso. Halikan ko kaya siya? Hindi pwede. Umayos ka Jheru kung ayaw mong masapak ni Mary Claire sa harap ng maraming tao, paano na lang yung image na matagal mong iniingatan?

"Haaaaayst. Oo na, ito na nga lalapit na at magpapakuha na" maktol ko sa kaniya, minsan talaga ang gugulo ng mga babae. Hindi ko maintindihan ano ba ang gusto o trip nila sa buhay nila. Masyadong komplikado ang lahat sa kanila. Tapos nagpose na ako kahit ang sagwa tingnan.

Bumilang siya hanggang tatlo at narinig ko na yung click ng camera, at talagang nagdala pa siya ng camera.
"Bat ganon, ang gwapo mo pa rin kahit naka poker face at nakasimangot ka? Ang daya naman". Baliw na talaga to. "Sabi ko naman sayo eh, mas gwapo ako sa uranggutan na yan pinagpipilitan mo pa".  proud kong sabi totoo naman eh.

"Ilang semento ba ang nilagay sa pagmumukha mo? Masyadong makapal eh" tumalikod na siya sa akin para pumunta sa ibang hayop na nakikita niya. Ewaaaaaaan!























Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now