Chapter 35: Mary Claire's mansion

161 10 0
                                    

Jheru Pov's

"Jared? nakita mo ba si Mary Claire?"
Tanong ko sa kaniya "Wala pare, di ko siya napansin" tumango na lang ako at sa iba ako nagtanong.

"Roger, nakita mo si Mary Claire?" Ang alam ko crush nito si Mary Claire di lang niya masabi at maamin. Wala rin daw niya nakita kaya sa mga girls na ako lumapit.

"Elvira, nakita nyo ba si Mary Claire?" Total, kaibigan naman niya ito, magbabakasakali ako.
"Wala di ba kayo ang magkasama?" si Shiryl ang sumagot.

"Saan ka pala galing at di mo alam na kung nasaan siya baka nasa canteen?" Posible yun, di yun pupunta ng canteen na di ako kasama. "May kinuha lang ako, kasama sa regalo ko sa kanya, kaso pagbalik ko dito wala na siya" sana naman walang masamang mangyari sa kaniya.
"Subukan mo kayang tawagan?" Sabi ni Elvira, okay sana kung may cellphone yun. "Wala namang cellphone yung isang iyon ee." Nasaan na kaya yun.

"Omg!" Sabay kaming napatingin ni Elvira kay Shiryl dahil sa sigaw niya "Baka namang nakidnap siya o di kaya pinatay siya o baka naman na-rape?" Haynako! Ang taba ng utak ng babaeng to. Siraulo ata to.

"Ang O.A mo ah, hindi lang nakita kinidnap, pinatay o ni-rape agad-agad? Epekto yan ng pagbabasa mo ng pocketbook, di ba pwedeng baka umuwi na siya?" Paliwanag ni Elvira.

Lumapit sa amin si Choi, dahil siguro narinig niya pinag-uusapan namin.
"Oy! anong problem natin?" tanong ni Choi sa amin ng makalapit na siya.
"Hinahanap ko kasi si Mary Claire nawala eh" sagot ko.

Kumunot ang noo ni Choi dahil sa sinabi ko "Huh, nawala? Ang pagkakaalam ko umuwi na siya kanina. Hinatid ko pa nga sa gate at pinasakay ng tricycle, kasi masama daw ang pakiramdam niya, ihahatid ko pa nga sana siya kaso, di siya pumayag kasi kaya naman daw niya." Paglilinaw sa amin ni Choi, salamat kung ganon, kahit papano nabawasan yung pag-alala ko sa kaniya.

"Oh kitams mo na Shiry. Umuwi lang naman ang tao ee." Pagtataray ni Elvira. Nagpasalamat naman ako kay Choi at umalis na ito. "Pupuntahan ko na siya sa bahay nila, gusto nyo sumama?" Ayaw ko kina Elvira at Shiryl. At tumanggi na silang dalawa.
Kaya naman nagpaalam na rin ako sa kanila. "Sige, ingat ikamusta mo na rin kami sa kaniya. Sabihin mo bukas na namin siya dadalawin, pagaling kamo". pahabol pa ni Elvira, ang swerte ni Mary Claire kasi may totoo siyang kaibigan.

Hindi na ako pumasok sa last subject namin. Naisip ko siyang puntahan at dalawin, bumili muna ako ng paborito niyang pagkain, chocolate cake.

Pagdating ko sa bahay nila, huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell. Narinig kong may sumagot sa loob na familiar ang boses si tita yun. Strikto ang parents ni Mary Claire sa kanila, kasi dadalawa lang silang magkapatid ni Dralia at puro babae pa kaya hindi basta-bastang nakakapunta ang mga lalaki at ealang nanliligaw sa kanila kasi kilala si tito bilang engineer, at kilala na ako ng mga magulang niya dahil ipinakilala niya ako sa mga ito last, last year sa mismong araw ng kaarawan ni Dralia.

"Goodafternoon po tita" sabay mano ko sa kanya. "Ikaw pala yan iho, anong masamang hangin ang sumapi sayo at naisipan mong mapasyal dito sa bahay. Ngayon ka lang bumalik dito ah. Pinatuloy niya ako sa loob ng bahay nila "Maupo ka muna, ikukuha lang kita ng maiinom at makakain mo". Alam na tita kung ano ang gusto ko, palagi kasi ako tumatambay dito sa bahay nila lalo na kapag may mga projects at groupings kami.

Pagbalik ni tita maydala na siyang Iced tea at Cookies. "Nasa kwarto si Mary Claire, masama daw pakiramdam niya" sabi ni tita habang nagliligpit ng mga magazines. "Kaya nga po nung nalaman ko agad akong pumunta dito, ito po yung cake tita". At tinanggap naman ni tita at nilagay sa refrigerator.

"Ang aga nga niyang umuwi kanina, nagulat nga ako, ang sabi niya masama daw pakiramdam niya kaya hinayaan ko siya. Nagpapahinga siya ngayon sa taas". Nagwawalis naman si tita ngayon, grabe ang sipag talaga ni tita bakit hindi ito nagmana sa mama niya na walang pagod sa kalilinis ng bahay nila. Malaki-laki rin ang bahay nila at may sariling negosyo ang pamilya ni Mary Claire, kayang-kaya nilang kumuha ng yaya pero hindi ginawa ni tita kasi ang dahilan niya ayaw niyang humilata sa kama buong araw at walang gagawin.

"Pagkatapos mo dyan, puntahan mo na lang siya sa taas at ako'y pupunta ng kusina para magluto" at iniwan na niya ako. Hindi mo aakalaing 30 plus na ang edad ni tita, kasi maganda, makinis ang balat at sexy pa itong tingnan. Paniguradong alagang-alaga ni tito.

Paakyat na ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Dralia "Hi kuya Jheru namiss kita" habang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. Bihis na bihis yun, baka may lakad. Pumasok ito sa kusina at muling lumabas sa kusina. Tumingin siya sa akin at nagpaalam na aalis na kaya naman sinabi kong mag-iingat siya.

Nasa harap na ako ng kwarto ni Mary Claire, bago ako kumatok huminga ako ng malalim. Kinabahan ako bigla.
Nagdadalawang-isip ako kung kakatok ako o aalis na lang, pero mas nanaig ang una. Di ko naman kasi siya kayang tiisin, mahal ko siya.

"Eheem, Mary Claire. Gising ka pa ba si Jheru ito, kamusta na pakiramdam mo. May probema ba, kausapin mo naman ako please!" Pagmamakaawa ko. Dumaan pa ang dalawang minuto at wala pa rin akong naririnig na sumagot at yabag ng mga paa. Kaya bumaba ako at pinuntahan si tita sa kusina para hiramin ko yung duplicate ng mga susi nila.

Maybe Not Now, But Someday by: nikayzxs (COMPLETED)Where stories live. Discover now