24

11 2 0
                                    

"Tabi ka na lang kasi saakin." Pangungulit ko pa kay ma'am, gusto niya kasi sa guest room.

"Baka magalit sila mama."

"Ha? Hindi 'yan ako bahala." Hinila ko naman siya para yakapin.

"Bahala ka skyleigh." Wala rin naman pala siyang magagawa eh.

"Dito ka na lang kasi, kasya naman tayo sa kama diba."

"Sige na." YES!

Alam naman na nila mama 'to, nagpaalam na rin ako sakanila. Habang si august nakikipaglaro kay seven.

"Gusto ko kiss muna bago matulog." Gusto ko kasi ng lambing ni ma'am araw-araw.

"Skyleigh matulog ka na." Ang damot naman ni ma'am, isa lang eh.

Niyakap ko naman siya para makatulog na kami.

Babangon sana ako para bumaba ito namang si ma'am nakayakap pa saakin. Hindi tuloy ako makawala. Kawawa naman kasi kapag ginising ko pa.

Dahan dahan naman akong umalis sa kama para makaligo na, pagkatapos kong maligo. Gising na si ma'am, nakaupo at nakatingin saakin ng masama.

"Goodmorning." Bati ko pa sakanya, yayakapin ko sana kaso ayaw eh. Mabaho pa raw siya.

Pumasok naman siya sa banyo tsaka ako bumaba para tignan kung may almusal na. Gising na pala silang lahat eh, kami na lang ni august ang iniintay. Si seven naman tawa nang tawa, kalaro niya si liam.

"Asaan na si august?" Tanong ni mama saakin.

"Naliligo ma, pababa na rin po ata 'yon."

"Ayan na nga oh." Sabi pa ni den.

"Goodmorning po."

Akala ko pupunta saakin, kay liam pala. Makikipag palit ng upuan, pumayag naman si liam. Kaunti na lang talaga pati pamangkin ko pag-seselosan ko na eh.

"Paano ba 'yan? Hindi ka na pinapansin. Kalaro anak ko eh." Hindi ko alam dito kay dix kung inaasar ba ako o naawa saakin eh.

Umakyat muna ulit ako para matulog, inaantok ulit ako eh. Wala naman akong gagawin sa baba, inagaw ni seven bebe ko!

"Skyleigh gising ka na." Akala ko naman si august na ang maggigising saakin. "Handa na ba lahat ng gamit? Aalis na tayo." Ngayon na rin pala 'yong alis namin. Iiyak na naman niyan si liam jusko, mas todo pa iyak niya kaysa kay seven.

Naligo ako bago bumaba, nakaayos naman na 'yong gamit namin. Maghihintay na lang talaga ng oras para makaalis.

"Liam, si mama at papa ha. Huwag papagurin, lagot ka saakin!"

"Opo ate! Ako bahala!" Buti talaga masunurin 'tong si liam. "Aalis ka na namn ate, ma mimiss kita." Sabi ko na eh.

"Ano ka ba! Babalik naman ako, kaso matagal pa. Hayaan mo 'pagbalik ko, may dala akong sapatos para sayo."

"Talaga ate?! Salamat po!" Kung makayakap naman 'to.

"Liam, aalis na ate mo. Bitawan mo na, hindi na makahinga sayo." Tatawa tawa lang 'to si mama pero iiyak din 'to.

"Mga bilin ko skyleigh ha, mag-iingat ka."

"Siyempre naman pa! Manang mana naman ako sayo, matapang!"

"Skyleigh tara na! Bye tita, tito. Nagaantay na sa sasakyan si ma'am."

Niyakap ko muna sila mama bago tuluyang umalis.

Ilang oras ang byahe pero hindi naman ako kinausap ni august, kapag may itatanong lang ako tsaka naman siya sasagot. Ano bang nangyari rito? 

"Hatid kita ma'am?"

"Huwag na, si rea na bahala." Lamig.

"Lq? Hindi nagpapansinan?" Sabi naman ni den.

"Denisse." Pumasok agad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto para makapagpahinga.

From: Bebe girl

May problema ba tayo?

Ha? Baka siya ang may problema, simula nung kalaro niya si seven. Hindi niya ako kinausap. Siya pa talaga magtatanong kung may problema kami.

To: Bebe girl

Wala ma'am, goodnight.

Rainbow Where stories live. Discover now