20

20 2 0
                                    

"Marcus! Pahiram gitara."

Nagdadalawang isip pa siya, akala mo naman itutuloy ko 'yong sinabi ko kahapon. Tanga tanga. Ibinigay niya naman agad saakin, na pa bahala na si batman ata siya eh.

"Alam mo 'yong, Simula pa nung una by Patch Quiwa?"

"Siyempre naman! Ikaw kakanta?" Sino ba ang kakanta?

Sinimulan ko na ang pag-strumming atsaka nagsimula.

Simula pa nung una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun noon kampante na ganun na lang
Sapat na nakasama kita kahit hanggang dun na lang

'Di na lang ako lalapit
'Di na lang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sa'yong mga mata

Feel na feel ko talaga 'yong kantang 'to, sorry relate lang. Pati 'yong ibang classmates ko napatingin saakin, para namang tanga si marcus. Gulat na gulat?

Siguro nga napamahal na ko sayo oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito na lang
Lilimutin ang damdamin
Sisigaw na lang sa hangin
Mahal kita
Mahal kita

"Grabe 'yon skyleigh!"

"Maganda ka na nga, magaling pang kumanta!"

"Magaling ka rin bang sumayaw? Sayawan mo ako!"

"Straight ako pero crush na kita!"

"Skyleigh marunong ka palang magdala sa heaven, gamit boses mo!"

"Skyleigh pa pic!"

"Garcia! Sama ka sa banda namin, vocalist ka!"

Sinubukan ko naman na pigilan ang
nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Pano ba naman
Isang ngiti isang tingin kahit boses mo na ring nakakatunaw
'Wag ng pansinin
Delikado na delikado na

"Delikado na rin nararamdaman konpara sayo leigh!"

"Ako na lang kasi!"

"Leigh kapag naging tayo, bibilhan kita lagi ng hotdog!"

"How to be you po!"

"MS. GARCIA KUNG BALAK MONG KUMANTA SA KLASE KO, UMALIS KA NA RITO!" Sa lahat ng sumigaw, siya lang ako pinag-tuonan ko ng pansin. Agad ko namang binigay 'yong gitara ni marcus. Akala ko may sasabihin pa 'tong si ma'am eh, nagsimula naman agad siyang magturo.

"Balita ko ginalit mo na naman." Hindi niya pa sinasabing si ma'am 'yon, alam ko na agad kung sino. Teka nga! Naka abot na agad sakanila?

"Nag-kasiyahan lang naman kami." Paliwanag ko pa sakanila.

"ANG INGAY NIYO RAW KAYA!" Sino nag-sabi uupakan namin ni marcus. "Hindi pa nga kayo okay, nagdagdag ka na naman" Sorry. "Marunong ka pala mag gitara, wow guitarist." Ngayon niya lang pala nalaman 'yon, hindi naman niya kasi tinatanong.

"Magaling talaga 'yan! Kasama dati 'yan sa banda eh, umalis na lang siya bigla. Malakas topak niyan eh"

"Grabe ka naman! Hindi ba pwede focus muna sa pag-aaral?"

"Anong focus? Panay tulog ka naman sa klase!" Nakuha mo rin, rea.

"Marunong ka palang mag gitara, napabilib mo ako ron." Sabi ni marcus sa tabi ko.

Magkasama kami ngayon papunta sa parking lot. Nag text ako kay den na hihintayin ko siya pero sabi niya kila rea muna raw siya matutulog.

"Hindi naman ako masyadong nag-gigitara, may banda ako noon pero vocalist ako." Sabi ko pa sakanya.

"Bakit ka naman umalis?" Kailangan pa bang itanong?

"Nag-focus muna ako sa studies ko, medyo bumababa kasi noon. Ayoko naman magalit mga magulang ko." Napa "ahh" naman siya sa sinabi ko.

"Sinong kasabay mong umuwi, 'yong den ba? O 'yong kapatid ni ma'am august na si aurea?" Lahat na lang talaga ng mga kaibigan ko mga madadaldal.

"Wala, may lakad silang dalawa ngayon eh. Ikaw hindi ka pa ba uuwi?" Sabi ko sakanya.

"Aalis na nga eh, parang tinataboy mo naman ako." Kung ano ano namang pumapasok sa isip nito. Pumasok naman siya sa sasakyan niya at kumaway muna bago umalis. Sasakay na sana ako kaso nakita ko si ma'am, kaya lumapjt ako. Kapag nakikita ko 'to laging umiiyak.

"Anong nangyari ma'am? Bakit ka umiiyak? Anong problema natin?" Pinupunasan ko naman 'yong mga luhang pumapatak galing sa mga mata niya.

"Ikaw ang problema!" Ha? Ako? Kailan pa?

"Umaakto ka na parang wala kang ginawa! Palibhasa napaka selfish mo! Hindi mo iniisip 'yong mga taong na sa paligid mo! Bakit ka pa bumalik? Inaasan mo bang may babalikan ka pa? Wala! Wala ka ng babalikan! Ginawa mo akong tanga skyleigh! Nag-antay ako sayo, pero ano? Wala ka diba? Miski ata kapatid ko walang alam! Hindi mo pa ako nirereplayan! Ang sama sama mo skyleigh."

"Bakit august, akala mo ba madali lang para sayong iwan ka? Hindi, dahil nasasaktan ako kasi wala akong magawa! Ako pa ang masama? Ako ang naipit dito august, ang tanga tanga ko kasi iniwan kita! Hindi nawala sa isipan ko na ang pangit ng desisyon ko! Oo na! Kasalanan ko na! Hindi ko nama maitatanggi 'yon, pero masakit kasi kapag nanggaling pa sayo. Walang araw na minura ko sarili dahil sa ginawa ko! Hindi madali august."

"Tangina skyleigh! Pagod na pagod na akong intindihin ka! Nagpapakita ka ng motibo pero may kausap ka namang iba! Gago ka pala eh! Una pa lang, alam ko ng ginagago mo ako! Ayaw mo saakin diba? Kasi nga MATARAY ako! NAPIPILITAN KA LANG KASI AKO ANG NAGPAPASAYA SAYO! KAILANGAN MO LANG AKO KAPAG WALA ANG IBA! GINAWA MO AKONG OPTION SKYLEIGH! HINDI AKO HAYOP, TAO AKO TAO! Tapos ngayon babalik ka? Para ano? GULUHIN ULIT 'YONG BUHAY KO? Dapat hindi ka na bumalik pa, dahil sa tuwing nakikita kita. NAIISIP KO LANG 'YONG MGA KATANGAHANG GINAWA KO! EDI SANA NOON PA, HINDI KITA GINUSTO!"

"AUGUST! SUMOSOBRA KA NAMAN NA! MINUMURA MO AKO? TANGINA! HINDI KITA KAYANG MURAHIN KASI NIRERESPETO KITA! MASAKIT PARA SAAKIN 'YONG MGA NANGYARI, KASI NAPAKA WALANG KWENTA KO! PATI ANG TAONG MAHAL KO INIWAN KO. BAKIT IKAW RIN NAMAN AH! TUMUTUPAD KA SA PANGAKO, PERO HINDI MO NAMANG KAYANG PANINDIGAN. TANGINANG ICE CREAM 'YAN, BUHAY PA RIN HANGGANG NGAYON. Parehas lang tayong nasasaktan ma'am, kaya 'wag mo akong murahin na parang ako lang ang may maling ginawa rito."

"Siguro nga, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Sinusubok ba naman tayo ng tadhana eh. Hindi ko na kaya leigh, kung gusto mong lumaban. Aatras na ako."

Naiwan na lang ako rito mag-isa, ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Ayaw niya na saakin, ayaw na saakin ng taong mahal ko. Nakisabay naman 'yong ulan saakin.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon