05

21 2 0
                                    

Pagtapos ng klase ko, dumiretso ako sa cafeteria. Kasama ko ngayon si aurea, sasabay daw siya eh.

"Kapag wala ako, sino kasabay mong kumain?" Tanong ni rea.

Minsan lang kasi talagang sumabay saakin si rea, miss ko na nga 'to eh. Dami niya kasing ginagawa, siyempre ako chill lang.

"Pinsan ko, si dixie."

"Pinsan mo 'yon? Akala ko kaibigan mo."

Kaunti lang ang nakakaalam na pinsan ko su dix, hindi ko naman ipinagkakalat eh. Kaya nga napapaisip ako, parehas kaming epelyido, pero hindi nila alam? Tanga ba sila? Maliban kay rea siyempre, utol ko 'to eh.

Pagdating namin nag order agad kami, hahaba na kasi pila mamaya. Masaklap non mataray rin ang tindera! Parang bundok pa ang kilay sa sobrang taas. Hinanap namin si dix, hindi naman mahirap hanapin 'yon. Sa sobrang daming fans makikita agad namin. Minsan kahit hindi na 'yan umorder, may pagkain na agad. Iba talaga nagagawa ng kagandahan.

"Hi leigh!" Parang ang amo ng mukha diba.

"Si rea kasama ko." Sabi ko sakanya.

"Hello! Ngayon ka na lang ulit sumabay saamin ah. Kamusta? Stress ba?"

"Oo eh, pero hayaan niyo babawi ako sainyo. Free kayo sa saturday? Sa house, inom tayo. Pampatanggal stress.

"Sasama ako kapag sasama si dix." Agad naman na sabi ko kay rea.

"Siyempre sasama ko, ako pa ba?" Si dix, hindi tatanggi? Nako baka nga siya pa ang nag-aya kung hindi si rea.

Pagkatapos naming kumain, nahiwalay na saamin si dix. Hindi ko siya kasama sa susunod na klase ko. Halos lahat ng sub ko si rea ang kasama ko, buti nga 'yon eh.

Tapos na ang klase, nagpaalam muna ako kay rea at lumabas. Hinihintay ko si dix pero biglang umulan. Biglaan talaga? Akala ko hindi na uulan eh, puro init na lang ganon.

DIXIE: LEIGH HINDI AKO SASABAY NGAYON, MAY BIGLAANG LAKAD. SORRY.

ME: INGAT.

Aalis na sana ako ng biglang nakita ko si ma'am reyes, mukhang sira ang sasakyan.

"Sira?" Tanong  ko kay Ms. Reyes, kawawa naman basa na.

"Hindi ba obvious?" Ay galit? Tinanong lang eh.

"Sabay ka na saakin ma'am, paalis na rin naman ako."

"Ayoko, baka makaabala ako sa girlfriend mo." diniinan talaga ang girlfriend ha. Nagmamagandang loob na nga eh.

"Ma'am 'wag ka na po mag-inarte, wala ho akong girlfriend tsaka basang basa ka na po."

Hindi ko na siya hinayaan makapag salita pa, hinila ko siya at pinasakay sa sasakyan.

"Towel o, mukha kang basang sisiw."

"Ms. Garcia, wala ka ba talagang ipapakitang respeto?"

"Bawal bumoses ma'am, na sa sasakyan kita."

FUCK BAHA! Paano ko na siya ihahatid sa bahay niya? Bahala na si batman.

"Ms. Garcia! Hindi ito ang bahay ko!"

"Bahay mo 'to ma'am, bahay NATIN." sarap asarin eh.

"MS. GARCIA!" Galit na nga.

"Ma'am alam ko pong hindi niyo 'to bahay, baha kasi sa daraanan natin. Kawawa naman ang sasakyan ko. Dito ka na lang muna magpalipas ng gabi. May guest room naman po kami. Don't worry."

Hinatid ko muna si ma'am sa guest room at pumunta sa kwarto ko para maligo. Magkakasakit ako nito eh. Pagkatapos ko maligo bumaba ako para magluto. Siyempre 'yong alam ko lang. Ang hotdog.

"Sorry ma'am wala si dix, ayan lang ang alam kong lutuin."

"Girlfriend mo?" Nakailan na siyang "girlfriend mo?" minsan iisipin ko na lang nagseselos siya eh. 

"Pinsan ko po, hindi mo alam?"

"No." Super lamig.

"Alam mo ma'am, iniisip ko kung bakit ka laging galit eh. Kasi araw-araw, full attendance ha."

"Alam mo skyleigh, kumain ka na lang. Hindi ko alam na ganito ka kadaldal."

SKYLEIGH DAW? WAIT KINIKILIG AKO! PUSO KO!

"I'M BACK!!!" Bigla namang sumulpot si dix, at nagulat na makita si Ms. Reyes. "Date? I'm sorry istorbo, wait! HOTDOG? Angas naman ng date niyo. Sweet."

Bigla na lang ako nakaramdam ng kaba sa pinagsasabi niya.

"Dixie, hindi ito date. Magpapalipas ng gabi rito si ma'am, malakas ang ulan. Ikaw? Bakit hindi ka pa magpalit? Basang basa ka! Sino naghatid sayo? Umakyat ka na ron at magpalit! Baka magkasakit ka."

Umakyat siya at parang walang narinig.

"Strict ha." Tumayo siya bigla at umakyat na rin.

Anong meron sa mga tao ngayon? Mga babae talaga. Hindi maintindihan.

Naghugas muna ako ng pinagkainan namin at umakyat na rin para matulog. Nakakapagod ngayong araw.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon