07

17 2 0
                                    

"Leigh." Tawag saakin ni rea.

"Bakit?"

"Okay ka na?" Wow pati sakanya nakarating na nagkasakit ako. Sabagay dixie nga naman.

"Oo rea, buti na lang masamang damo ako."

Narito kami sa room habang hinahantay si Ms. sungit. Siyempre chikahan muna habang wala pang prof.

"Tusok tusok tayo later?" Aya niya saakin.

"Sige, sama ko si dix ha." Nag agree naman siya agad.

"Hoy paalala lang pala, sa sat ha. Miss ko na kayo ni dix."

"Goodmorning." Ayan na ayan na si sungit.

Alam naman niya na nagkasakit ako! Nag pa quiz pa, hindi ako ready ha. Siyempre sino pa ba aasahan, edi si rea.

Pagkatapos naming lahat mag quiz, may mga sinabi pa si ma'am. Tulad na lang nito.

"Ms. Garcia, pumunta ka sa office ko mamaya." Tsaka umalis.

Pinagdarasal ko na sana matapos na si sir sa harap! Gutom na ako. Pinakikiramdaman ko na lang chan ko.

"Class dismiss." YES! PARA AKONG NANALO NG LOTTO.

"Ano tara?" Aya naman agad saakin ni rea.

"Saglit lang, pinapapunta ako ni ma'am eh."

Pumunta agad ako sa office niya, kumatok muna bago pumasok. Baka magalit.

"Okay ka na ba Ms. Garcia?" Diba ganito siya, ang hirap niya basahin kung nag-aalala siya.

"Yes po, pwede na po bang umalis?" Nagmamadali ako baka libre kasi ni rea.

"No." HA?

"Pero ma'am nagugutom na kasi ako." Reklamo ko sakanya.

"Ito may pagkain ako, sabay na tayo." ANG WEIRD NI MA'AM SA TOTOO LANG.

"Huwag na po ma'am, may naghihintay pa po kasi saakin hehehe sorry."

"Sino ba ang kasama mo at kating kati kang umalis?"

"Ma'am wala ka na po ron, bye po." Umalis na agad ako sa office ni ma'am, hindi ako makahinga sa loob. Weird ni ma'am eh.

"REA!" Malakas na tawag ko kay rea.

"Anong sabi ni ma'am?" Huwag mo na alamin.

"Wala."

Hindi raw makakasama si dix saamin, kaya kaming dalawa na lang ang kumain. Siyempre bago makakain may picture pa siya. Si Aurea 'yan eh.

"Diba rea, reyes apelyido mo?" Tanong ko sakanya, nagtataka pa rin kasi ako.

"Oo bakit?"

"Kaano-ano mo si prof reyes?"

"Kapatid ko." Ano? Totoo ba 'to?

"Ngayon ko lang nalaman 'yan."

"Hindi ka naman nagtanong." Tignan mo ang isang 'to.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa univ at pumunta na kami sa next sub namin. Nakakawalang gana naman ngayong ara, kung pwede lang matulog sa last sub na 'to eh. Baka mahuli pa ako 'wag na. Hinihintay ko na lang 'yong magandang salita na maririnig ko.

"CLASS DISMISS."

Agad agad akong lumabas at pumunta sa parking lot para hintayin si dix. Bigla ko naman nakita si Ms. sungit.

"Hi ma'am!" Ay, problema non? Dinaanan lang ako? Invisible na ba ako ngayon. Suplada naman non. Hayaan mo na nga, hintayin ko na lang si dix.

"Leigh!"

Sumakay agad siya sa sasakyan, siyempre kailangan niya malaman ang nalaman ko kanina.

"Kapatid ni aurea si ma'am august." Siyempre nagulat din siya at hindi makapaniwala sa narinig. Ewan ko ba kay rea, hindi niya sinabi.

"Kilala mo ba si ma'am valerie?"

"Nope!"

"Sabagay, kagagaling lang ni ma'am eh. Kaibigan siya ni Ms. sungit mo." Nugagawen? Bagay naman sila eh.

"Maganda si ma'am! Feel ko nga crush ko na 'yon eh. What if sila pala ni ma'am august edi iiyak ka na niyan." Bakit naman iiyak pwede naman mag drop out eh.

"Nako! Sana makita mo si ma'am val. Hoy! Magsalita ka nga."

"Narito na tayo."

Pagbaba namin agad akong pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto ko, para matulog. Nakakapagod na mag-aral. Inopen ko na lang ig ko. Pinost pala ni rea pics namin, buti naman maganda ako rito. Baka makita ni ma'am august.

Rainbow Where stories live. Discover now