11

16 2 0
                                    

Pagkatapos namin mag swimming, hindi muna namin niligpit. Napagod din kasi kami, asaran ba naman. Edi ngayon ang magkambal, bagsak! Buti na lang may kwarto rito si den.

May number ako ni sungit diba, sinave ko kasi nung nag chat siya.

To: Sungit

Hi ma'am! Miss you po.

Bilis magreply ha

From: Sungit

Sabado ngayon garcia, patahimikin mo ako.

To: Sungit

May araw po ba na dapat kitang ma miss?

Sungit: Wala.

Me: Grabe ka naman ma'am, winarak mo ang buo kong puso.

Sungit: Meron akong tape, idikit mo na lang.

Me: Nagbibiro ka po ba?

Sungit: Hindi.

Me: Ikaw ha! Hindi mo akong pinansin! Anong problema natin ma'am?

Sungit: Alam mo garcia, imbis na natutulog ako. Iniistorbo mo ako. Bye.

Ay pati sa chat may sama ng loob? Umaapoy siguro 'yong keyboard niya. Kakamustahin ko pa naman sana, kaso galit agad. Buti nga pinansin na ako.

Pagkatapos kong kulitin si ma'am, natulog agad ako. Gigisingin naman nila ako.

"Sky! Gising, hoy!"

Nagising na lang ako sa tapik saakin ni den, madilim na ah. Mukhang kagigising lang din nito.

"Kakain na, hintayin ka na lang namin sa baba." Pagkalabas na, naligo agad ako at bumaba.

Ang dami nilang plano, pero ang mangyayari ay ang manonood kami ng movie ngayon. Pagkatapos namin kumain, pupunta raw kami sa malapit na grocery store. Onti na lang daw kasi ang chips namin sa ref. Mareklamo pa 'to si den.

"Ano tara na?" Aya ko agad sakanila. Lumabas ako para iready ang sasakyan. Gabi na kasi, madalim. Nakakatakot na maglakad. Mga kapitbahay ko pa naman dito mga 8:00pm tulog na at patay na ilaw.

Sumunod naman agad sila, nagtutulakan pa nga eh. Nagtatakutan pa.

"Onti lang bilhin niyo ha! Huwag abuso." Sabi ni den habang nagmamaneho ako.

"Wala, ginusto mo 'to eh." Asar naman sakanya ng kambal niya. Hindi sila matapos, hanggang sa makarating na lang kami ganon pa rin ang sitwasyon nilang dalawa. Pagbaba namin ng kotse, tumabi na saakin si den. Para pang batang nagsusumbong kasi inaasar.

Pagpasok namin sa loob, buti na lang tumigil na sila. Nagkanya kanya na kaming kuha, ako naman kumuha ng ice cream. Ayos na saakin 'to, makakahingi naman ako ng chips sakanila.

"Skyleigh!" Nakakagulat naman 'to, si rea lang pala. Kasama niya pa ate niya.

"Tapos na kami." Bigla namang sulpot ni den at dix sa gilid ko.

"Nandito ka rin pala dix!"

"Ay hindi! Multo lang ako." Pilosopo niyang sabi kay rea.

Si ma'am august naman parang si wednesday, walang imik. Nakakatakot pa ang tingin. Lalo na sa hairstyle niya.

"Pagpasensyahan niyo na ate ko, baliw kasi 'to eh." Agad siyang tinignan ni ma'am.

"Una na kami ha." Paalam ni rea kaya nagpaalam na rin kami.

Pagtapos namin mamili, umuwi agad kami at inayos ang tv. Hindi ko nga alam kung anong papanoorin namin, basta kung anong gusto nila. Ang kaso nag-aaway pa ang dalawa. Buti na lang talaga natapos ang bulyawan nila at nakanood na kami.

Wala akong naiintindihan sa story nito, kain lang kasi ako nang kain dito. Inaantok na rin ako. Kailangan ko na umakyat.

"Akyat na ako, inaantok na ako."

"Nangangalahati pa nga lang tayo! Mamaya na!" Sabi saakin ni dix, umiling ako sakanya. 'Yong ice cream na kinakain ko, nilagay ko muna sa freezer para makain ko ulit kapag pagod ako.

"Huwag niyo kalimutan bukas ha! Ice cream tayo!"

"Ice cream ka na naman?" Wow sabay pa sila. Nginitian ko na lang sila at umakyat. Gusto ko pa ngang asarin si ma'am eh. Gising pa naman ata.

To: Sungit

Hi ma'am! Isang goodnight mo lang, matutulog agad ako.

Bilis mag reply huh.

From: Sungit

Goodnight.

Gusto niya talagang matulog ako para hindi siya kulitin eh. Sakit naman niya sa puso. Durog na durog na puso ko. Hindi na makakalipad 'to.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon