WAKAS

19 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa park, dito rin ako dati dinadala ni papa kapag wala siyang pasok sa trabaho. Buntis pa si mama kay liam non, naalala ko nga nakikipag away pa ako na lalaki ang magiging kapatid ko. Worth it naman ang pakikipag away ko.

Hindi pa tapos ang birthday party ni seven, binigay muna namin ni august ang regalo. Nagpaalam naman kami ni dix na mauuna na kami. Marami namang bisita si seven, hindi tulad dati. Marami na rin kasi ang kaibigan ng pamangkin ko.

"Ang cute rin pala ng gitara mo dati." Dinala ko kasi, pinahiram naman ako ni liam.

"Miss ko na 'to, rito ako nagsimula maggitara eh."

"Kantahan mo nga ako." Hamon niya pa saakin.

"Wala akong baong kanta." Kunwari pang iiyak. Pwede na kunin para maging artista.

"Okay lang, ubusin mo na 'yang ice cream mo." May ice cream pa pala ako, hindi ko na napansin eh. Ganda kasi ng kasama ko.

Inuubos ko 'yong ice cream ko na biglang nagsalita si august, seryoso pa siya ah. Iiyak na ako nito.

"Alam mo skyleigh, sa buong buhay ko. Ikaw lang ang nakagawa na pangitiin ako, araw-araw. Natuwa nga sila mommy eh, dahil hindi raw naman ako masyadong palangiti. Nabago mo ako sky, sa pamamagitan ng pagmamahal ko sayo. Hindi ko nga maisip na umabot tayo sa ganito, dahil dati naman inis na inis ka saakin. Ang taray ko diba, pero 'yong mga araw na 'yon. Selos lang 'yon, ikaw naman kasi. Pinagseselos mo ako, masyado kang friendly. Mahal kita skyleigh, hindi ko masasabi ang dahilan. Kasi wala naman talagang dahilan. Hindi ko gusto na mahalin ka na may dahilan ako, kasi minahal kita dahil sa dahilan na 'yon. Ayoko non skyleigh. Mahal na mahal kita, hindi ko makita ang sarili ko kapag wala ka. Kaibigan kita, minsan kaaway kita, girlfriend kita, masyadong marami na role mo sa buhay ko. Kaya hindi ko hahayaan na mawala ka pa saakin. Mahal na mahal kita skyleigh blair ocampo garcia."

"Mahal din kita august, ang sabi ko pa rati ay imposibleng magustuhan mo ako o kita. Posible pala, nasanay na ako na nariyan ka. Nasanay na ako na lagi kita nakikita o nakakasama. Hindi ko talaga matanggap na umalis ako ng walang paalam sayo. Nasaktan kita non, pero hindi ko hahayaan na maulit 'yon. Hindi ko kakayanin kapag nakikita kitang umiiyak dahil saakin. Maliban na lang kapag umiyak ka sa kasal natin. Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang makita kita araw-araw. Hindi rin ako magsasawang mahalin ka."

Pinunasan ko 'yong luha niya, mahirap tignan siya na umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit na parang walang bukas.

"Mahal kita august."

"I love you too, skyleigh."

"Ang ganda rito no? Kung dito ako nakatira, lagi akong tambay dito."

"Mas maganda ka ma'am."

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon