27

8 1 0
                                    

"Hi manong!" Masayang bati ko naman kay manong, nag-hello naman siya pabalik.

Alam niya agad kung anong flavor ang gusto ko, halos araw-araw ata akong bumibili. Kaya alam na niya.

"Ikaw ineng? Anong flavor sayo?" Tanong ni manong kay august.

"Kayaga rin po sakanya."

"Gusto mo rin ang flavor na 'to? Parehas kayo ni blair."

Ang tawag saakin ni manong ay blair, kasi masyado na raw tumatawag saakin ng skyleigh kaya blair na lang. Pagkatapos naming magbayad, bumalik kami sa inuupuan namin kanina.

"Magaling ka pala kumanta ah, haranahan mo nga ako. Gusto ko na sa tapat ng bahay." Biro ko pa sakanya.

"Huwag mo akong hinahamon skyleigh, baka gawin ko bukas 'yon."

"Hindi mo naman magagawa bukas 'yon august, may pasok eh HAHAHAHAHHA."

Sana hanggang friday na lang walang pasok, nakakapagod eh.

"Sasabay ka ba saakin bukas?" Tanong niya.

"Hindi na, kami na lang ni den." Gugustuhin ko sanang sumabay sakanya, kaso baka kung ano ano ang sabihin ng mga tao sa univ. Pag chismisan pa kami ni ma'am.

Nagpicture kami ni ma'am bago umuwi, hawak hawak niya pa rin 'yong gitara. Tuwang tuwa siguro ron sa stickers, cute namin eh.

"Buti naman maaga kayong nakauwi. Kain na, nakaluto na ako." Sabi saamin ni den, habang si rea inaayos 'yong mga plato. Pwede na silang dalawa, pwede na maging mag-asawa, joke lang.

Walang kupas luto ni den, masarap. Parang magkaparehas lang sila ni dix eh, what if si dix talaga 'to.

"Dito ka ulit matutulog?" Tanong ni den kay rea. Si ma'am naman ang tahimik, kapag may pagkain talaga sa harap niya. Tahimik talaga.

"Hindi, sasabay na ako kay ate pauwi."

"Ako na maghahatid sainyo." Prisinta ko naman.

"Huwag na, magpahinga ka na. Magpapahatid na lang kami kay dad." Tumango na lang ako sakaniya.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang silang kaunti. Dumating na ang daddy nila. Sinamahan ko na lang sila palabas, dahil si den maghuhugas pa raw.

"Hello po Mr. Reyes!" Bati ko sa daddy nila.

"Hi! Nakalimutan mo na ba iha? Papa na lang ang itawag mo saakin." Nakakahiya naman po kasi. "Salamat pala sa pagpapatuloy sa dalawa kong prinsesa."

"Walang anuman po, p-papa." Nagdadalawang isip pa kasi ako kung sasabihin ko 'yon. Nakakahiya.

"Babye na skyleigh!" Paalam naman ni rea saakin. Bigla namang humarang si ma'am sa pagitan namin ni rea.

"Pumasok ka na, matulog agad. Bye." Malamig na nga sa labas, malamig pa kausap ko. Nag ka aircon ako bigla. Bago ako makapasok, nag text muna ako kay ma'am.

To: Bebe girl

Goodnight ma'am! Sabay tayo kain ha.

Nagreply naman agad siya.

From: Bebe girl

Okay. Goodnight.

To: Bebe girl

Huwag na pala ma'am, badmood ka eh.

From: Bebe girl

No, hindi ako badmood.

To: Bebe girl

Huwag na ma'am. Sige na goodnight.

From: Bebe girl

Skyleigh.

Hindi ko na lang pinansin 'yong text niya at naligo na lang ako. Minsan hindi ko rin maintindihan 'to si ma'am eh.

Pagkatapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok at humiga na. Wala naman akong magawa. Kaya tinignan ko muna 'yong texts ni ma'am.

From: Bebe girl

Skyleigh, sabay na tayo bukas kumain

From: Bebe girl

Anong problema natin?

From: Bebe girl

Skyleigh may ginawa na naman ba ako? Sorry na.

From: Bebe girl

Hindi ako matutulog, mag reply ka muna.

From: Bebe girl

Skyleigh, isa.

DALAWA.

From: Bebe girl

Susunduin kita bukas.

Nireplayan ko naman agad siya.

To: Bebe girl

Huwag na ma'am, maabala pa kita. Matutulog na ako, goodnight.

From: Bebe girl

Hindi ka abala para saakin skyleigh. Ayaw mo ba talaga?

Gusto ko ma'am, gustong gusto.

To: Bebe girl

Goodnight.

Pinatay ko agad 'yong phone tsaka tumulala sa kisame. Ang manhid talaga non ni ma'am. Hindi pa rin ako inaantok, kaya bumaba ako para kumuha ng ice cream. Pampalamig ng ulo. Nakita ko naman si den sa sala. Ginagawa siguro 'yong mga pendings niya. Kawawa naman, tapos naman na ako. Hindi ko na siya matutulungan, pagod din ako.

"Lq?" Bigla namang tanong ni den habang kumakain ako ng ice cream.

"Hindi no, boring lang kasi kaya bumaba ako."

"Sino pala 'yong nagpapadala ng flowers?" Sabi ko na eh tatanong niya rin 'to. Hindi ba nasabi sakanya ni rea? Alam ata ni rea eh.

"Si ma'am." Agad naman siyang napatulala saakin. Gulat na gulat. "Nililigawan niya ako, ok ka na?"

"OMG! HINDI MO NAMAN AGAD SINABI! KIKILIGIN NA LANG TALAGA AKO SA IBANG RELATIONSHIP!" Hala siya! Baka magtawag ng barangay 'yong kapitbahay namin sa ingay niya! Tinapos ko agad 'yong ice cream ko tsaka umakyat.

Baka katukin kami rito, lagot na. Makatulog na nga. Wala rin namang text si ma'am. Manigas siya, paglulutuan ko sana siya.

Rainbow Where stories live. Discover now