06

26 2 0
                                    

Gising na ako, pero nakakatamad bumagon.

"Ano skyleigh hindi ka papasok?" Gulat ako sa babaeng 'to, hindi kasi kumakatok.

"Masama pakiramdam ko eh." Walang gana kong sabi sakanya. Lumapit agad siya saakin at hinawakan ang leeg ko. Oa naman nito, sabagay mukhang napaso.

"Ang init mo skyleigh! Ano bang ginawa mo! Huwag ka munang pumasok ngayon, magpahinga ka muna. Teka kukuha ako ng gamot mo."

Ito ang masarap kapag nagkasakit, magpapahinga ka lang buong araw. May narinig akong katok. Si dix kakatok? No way. Bigla kong naalala na rito pala nagpalipas ng gabi si ma'am.

"Pasok!" Pagkatapos kong sabihin 'yon, bumukas naman agad ng pinto.

"Hi ma'am! Narito ka pa rin? Hindi ka pa papasok?" Bati ko sakanya, pero siya walang emosyon. Ano pa nga ba.

"Hindi ako papasok." Ha? Totoo ba 'to?

"Bakit ma'am? Nakakapanibago ka naman, papasok na ako ngayon. Wala ka eh." Biro ko sakanya, at sumama ang timpla ng mukha.

"May sakit ka diba? Hindi ka papasok."

"May sakit ako ma'am oo, pero hindi ako lumpo." pagtataray ko sakanya, akala niya siya lang marunong ha.

"Skyleigh 'wag matigas ang ulo, kapag sinabi kong hindi. Hindi." Ay boss?

ITO NA NAMAN SI MA'AM SA SKYLEIGH, PUSO KO LUMILIPAD NA.

"Okay." Wala na akong masabi, siya na 'yan eh.

"Skyleigh! Ito na ang gamot mo. Pahinga ka muna riyan ha!" Teka.

"Sino maghahatid sayo?"

"May sasakyan ako remember?" Okay.

"Ingat ka. Umuwi agad ha." Bilin ko sakanya.

"Ms. Garcia, inumin mo na ang gamot mo. Tapos matulog ka na." Ms. Garcia ulit?

"Ma'am isa na lang talaga, iisipin kong crush mo ako." Sabi ko sakanya at kinindatan ko siya.

"Ms. Garcia, may sakit ka na nga nagagawa mo pang gumawa ng kalokohan."

"Okay lang ma'am, 'wag ka na mahiya. Crushback kita."

Ay umalis? Suplada naman non. Ininom ko na lang ang gamot ko at natulog ulit. Nagising na lang ako sa tapik sa balikat ko. Hindi talaga siya pumasok?

"Humigop ka muna ng sabaw." May ganito rin pala siyang side eh, akala ko puro galit lang

"Ma'am sakit ng kamay ko, pwedeng subuan mo ako?" Inirapan niya muna ako bago gawin. Masunurin naman pala 'to.

"Ma'am matanong lang ah, may boyfriend ka na?" WHAT IF MAG YES, OKAY LANG APRIL FOOLS NAMAN EH.

"Wala, manliligaw meron." Pakisabi sa manliligaw mo tigil na siya, ako crush mo eh.

"Okay."

"Inom ka gamot o, pahinga ka muna tapos tulog ulit. Gisingin na lang kita ulit."

Pinanood niya muna akong uminom at magpahinga. Siyempre ako natulog ulit, pero bago makatulog, narinig ko muna si ma'am na may sinabi.

"Kulit kulit mo, para kang bata. Pinanindigan mo talaga ang pagiging baby ko." 

"Leigh, gising na. Maligo ka na ang baho mo! Kakain na sa baba. Si ma'am umalis na."

Hindi man lang ako hinantay magising. Naligo na lang ako at bumaba para kumain. Ano pa bang bago, puro tanong na naman ang pinsan ko. No choice, sagutin lahat.

"Alam mo, first time ni ma'am umabsent. Tsaka kanina, nung sinabi ko sakanya na may lagnat ka. Hindi mapakali! Muntik pa mabulunan, tapos umakyat na sa kwarto mo."

Minsan ang weird na ma'am, ang hirap basahin eh. Wala ba namang emosyon eh.

"Crush ako non eh." Pagkasabi ko non, bigla siyang tumawa. 'Yong tawang walang pipigil sakanya.

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA SERYOSO BA? NAGKASAKIT KA LANG ASSUMING KA NA! HAHAHAHAHHHA PARA KANG CLOWN." Joke lang eh.

"Hindi ka naman mabiro!"

Pagkatapos namin kumain, uminom ng gamot at umakyat na. Hindi ako dinadalaw ng antok. Si Ms. Reyes kasi eh, laging na sa isip ko. Para siyang anghel kanina, ang bait eh. Naputol siguro ang sungay. Gusto ko siyang magalaga, miss ko na tuloy siya. Sana araw-araw may sakit, kung siya ang magaalaga.

Papasok na ako bukas, sinat na lang 'to. Gusto ko na rin makita ulit si ma'am, may motivation na ako para pumasok.

Sorry hindi makasabay sa "May motivation na ako para pumasok araw-araw, classmate ko siya eh" professor kasi saakin.

May nanliligaw pala ron kay ma'am, paano kaya nakakayanan 'yon. Hindi ba siya binubugahan ng apoy? Ligawan ko rin kaya si ma'am, joke lang. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Siguro crush ako ni ma'am, inalagaan ako eh. Grabe namang pag ooverthink 'to, umaabot ako sa assuming level. Makatulog na nga!

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon