18

18 2 0
                                    

"Ano na ang nangyari?" Tanong saakin ni den, nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break time na. Na miss ko rin 'to.

"Ganon pa rin." Mataray pero hindi na kagaya noon na ako ang target niya. Hindi siya makatingin saakin, para naman akong bacteria para layuan niya. Ang sakit kaya non.

Nalaman ko kay rea na hindi niya sinagot 'yong nanligaw sakanya. Buti nga 'yon eh, para naman wala akong kaagaw.

"Hayaan mo muna si ate makapag isip."

Tumango naman ako sakanya, kakapasok ko lang pero gusto ko ulit pumunta sa garden, para matulog. Baka naman mahuli ako kaya hindi ko na ginawa pa. Kung ano ano na lang talagang pumapasok sa isip ko.

Kailan niya kaya ako papansin? Bukas? Next Year? O wala na talaga siyang balak. Wala na 'yung puso ko hindi na naman makakalipad. Kailangan ko na naman ng pandikit ni ma'am, siya ang makakabuo saakin eh. Paano naman ako mabubuo kung wala siya diba.

Sayang nga eh, hindi ko na kasama si rea palagi. Si denisse na ang lagi niyang kasama, sabagay halos parehas sila ng sched eh. Ako lonely, wala pang tropa sa room. Kaya naman gumawa, kaso nakakahiya na kapag mag-isa lang ako. Hinahanap ko nga 'yong dati kong tropa eh, 'yong hinaharangan ako kapag tulog. Baka wala na siya rito.

Mahirap talagang mag-adjust kapag bago ka pa. Hayaan ko na nga lang, kaya ko naman mag-isa eh. May 30 minutes pa ako, kaya nagpaalam muna ako sakanilang dalawa. Nandoon kaya si ma'am? Baka naman doon pa rin 'yong office niya diba.

Hindi nga ako nagkakamali.

"Ms. Reyes." Agad naman siyang tumayo.

"Ms. Garcia, gusto mo bang ako pa magturo sayo kung paano kumatok." Ayan, ayan ang sinasabi ko.

"Sige ma'am, tutal baby mo naman ako." Nagawa ko pa talaga siyang asarin ha. Tigas naman ng bungo ko.

"Ano bang kailangan mo?" Medyo naiirita na siya.

"Ikaw." Seryoso kong sabi sakanya.

"Kung wala ka ng sasabihin, umalis ka na." Alis agad?

"Ma'am hindi pa tayo tapos."

"Pwes, gusto ko ng tapusin. Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." Binitbit niya 'yong gamit niya at umalis. Akala ko hindi siya seryoso eh.

Grabe naman 'yon, unang usap pa lang hindi ko na kaya. Kakayanin, ako naman ang may kasalanan eh.

Hinihintay ko si den sa parking lot, pero ang totoo si ma'am talaga. Gusto ko siyang makausap eh, pero ang naunang lumabas ay si den. Kaya nag-usap na muna kami. Alam naman niya ata kung anong plano ko.

"Saan ka pumunta kanina? Siguro pumunta ka kay ma'am no." Tumpak bigyan ng 10k 'yan joke, gipit na gipit na ako.

"Oo, hindi naman kami nakapag-usap ng maayos." Akala ko ba mag-pinsan kami? Bakit naman niya ako pinagtatawanan.

"Sabi ko nga sayo, 'wag mo munang biglain. Wala ring kaalam alam sa nangyari 'yung tao."

Nakita ko naman si ma'am na palabas na, kaya sinabihan ko muna si den na hintayin niya ako.

"Ma'am!" Sayang naman ngiti ko, nilagpasan pa ako eh. "Suplada naman nito." Hindi ako nagalinlangan sabihin 'yon, kaya agad namang napatingin si ma'am saakin. 'Yung tingin na pinapatay ka niya sa isip niya. "Joke lang ma'am! Peace."

Agad namang umalis, kaso hindi siya nakawala saakin. Hinawakan ko siya sa braso, parang may bacteria talaga ako, iniwas niya 'yong kamay niya eh.

Teka, umiiyak ba to? Sinong nagpaiyak dito! Yari talaga saakin.

"Ma'am anong nangyari?" Imbis na sagutin niya ako, dali dali siyang tumakbo sa sasakyan niya at pinaandar 'yon.

"Ganda! Para akong nanood sa cinema." Inaasar asar pa talaga ako. "Pero ito na talaga, 'wag mo muna talagang madaliin si ma'am. Mahihirapan lang kayong dalawa niyan eh."

Tama naman siguro, bigyan ko muna siguro ng time si ma'am para makapag isip pati na rin ako. Hindi ko rin kayang makitang ganon lang ang mangyayari saaming dalawa.

Inaantay ko na lang maluto 'yong niluluto ni den, habang ako rito may ginagawa. Kakapasok ko lang may pinapagawa agad eh. Walang awa ekis, eme lang. Walang pala akong karapatan bumoses, tulog lang ako sa klase eh.

Bigla ko naman na miss si seven kahit makulit 'yon, kaso baka tulog na kaya nag text na lang ako kay dix.

To: Dixie

Kamusta kayo?

Hindi na rin ata makakapag reply 'to. Parehas na ata silang tulog ng anak niya. Hindi kasi makakatulog 'yon si seven hanggang wala pa 'yong mama niya sa tabi niya.

"Kain na, luto na ang ulam." Yaya naman saakin ni den, sarap talaga mag-alaga nito. Walang araw na hindi masarap ang ulam. Kaya idol ko 'to sa pagluluto eh, ako kasi hotdog pa rin at sinigang. Pinag-aaralan ko pa ang adobo, sabi naman ni den madali lang 'yon. Para sakanya kasi magaling na siya magluto eh.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas para naman makapagpahinga rin si den. Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon