13

19 2 0
                                    

Umagang kay ganda! Ngayon lang 'to, sulitin niyo na. Ang umangal hindi na magkakajowa.

"Ganda ng gising natin ha." Diba pati si den napansin din.

Sino ba hindi sasaya, gusto rin akong makita ni ma'am. Panindigan mo talaga 'to ma'am, iiyak ako.

"Paano ba naman, si ma'am august ata ang panaginip niyan." Hindi kaya, pero sana mangyari 'yong sinabi ni dix.

"Minsan lang ako sasaya, 'wag na kayo kumontra." Iniwan ko na sila sa loob, pinagtatawan lang ako eh. Text ko na lang si ma'am

To: Sungit

Hi ma'am! Goodmorning.

From: Sungit

Goodmorning.

DIBA NAG CHAT AGAD! SABI KO NA SAINYO EH, CRUSH AKO NI MA'AM.

"Hoy! Mamaya na 'yan, pasok muna tayo." Mga bitter kasi sa relasyon ng iba.

Wala akong pake kung mag bulyawan sila, basta ako masayang iniisip si ma'am. Nandito na kami sa school, siyempre sasamahan ko si den. Maligaw pa 'to eh. Aga naman pumasok ni rea, na sa room agad eh. Pinatabi ko na lang din si den saakin. No choice siya, ito na lang ang bakante.

"Mukhang maganda araw mo ngayon ah! Ate ko rin eh." Pinasaya ko ba naman.

Pumasok na si ma'am at ipinakilala si den sa harap. Buti walang nagtanong kong related ba siya kay dix or saakin. Garcia rin siya eh. Alam naman na ni rea eh.

Sana matapos na lahat ng klase ko, para break time na. May plano pa naman ako.

"Pupunta ka cafeteria?" Tanong saakin ni rea.

"May pupuntahan ako, pakisabay na lang si den ha. Hindi niya pa kabisado rito." Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagmadali akong pumunta kay ma'am august. Kumatok muna ako bago pumasok. Baka magalit ang bebe ko.

"Ms. Garcia, hindi naman kita pinatawag ah."

"Ma'am alam ko pong pinatawag niyo ako, sabi ng puso ko eh." Kinindatan ko pa siya. Kinikilig si ma'am, ayos din pala 'yong banat ko eh. "May dala akong food ma'am! Sabay tayo kain?" Masaya ko pang sabi sakanya. Huwag mong sabihing may iba kang plano ma'am iiyak talaga ako. Nagising ako para lutuin 'to at magpaturo kay dix.

"Hotdog?" Grabe naman 'to si ma'am! Nag level up naman luto ko ah.

"Sakit ma'am ha! Sinigang 'to." Inilapag ko agad sa desk niya para ipakita. "Upo na ma'am, sabay tayo kain."

"Ano na naman bang pumasok sa isip mo garcia?" Tinatanong pa ba 'yan?

"Ma'am mga ganyang tanong dapat alam mo na, ikaw lang naman pumapasok sa isip ko. Malay mo malapit na sa puso ko." Pwede na, pwede na sabi ng guardian angel ko.

"Ewan ko sayo, kumain ka na riyan." Diba may care saakin si ma'am. Gusto niyang nakikita niya akong busog.

"Masarap ba ma'am?" Tanong ko sakanya, tumango naman siya. "Siyempre masarap din 'yong nagluto."  HALA! NABILAUKAN! TUBIG.

"Ms. Garcia, puro ka kalokohan." Pero namumula. Nako ma'am, alam ko na 'yan. "Salamat."

"Walang anuman ma'am! Gusto mo bukas ulit?" Umiling naman siya habang natutuwa.

"Huwag na ms. garcia. Mapapagod ka lang." Eh? Hindi naman eh.

"Hindi naman ma'am! Gusto mo ice cream tayo bukas? Anong gusto mong flavor?"

"Cookies and cream."

"Sabi ko na ma'am eh! Bagay talaga tayo, parehas tayong gusto 'yan."

"Ms. garcia, maguumpisa na ang klase mo." Ano ba 'yan, pwede bang pa stop muna ang oras. Ganda ni ma'am eh, hindi maalis 'yong mata ko sa mukha niya.

"Bye ma'am! I Love you ko?"

"Ms. Garcia!"

Umalis agad ako, baka mag transform ulit si ma'am. Baka hindi na siya pumayas sa ice cream date namin, date 'yon. Hindi ko talaga pinaalam sakanya.

"Hoy! Ang saya mo ah." Sulpot naman ni den. Walang kasama?

"Sino kasama mo? Paano kung maligaw ka? Hindi mo pa alam ang buong campus!"

"Kalma sky kalma, alam ko na banda rito. Itinuro na saakin ni rea, tara na? Naghahantay na si rea."

Kung makadikit naman 'to, pero hayaan mo na, kinikilig naman ako eh.

Rainbow Where stories live. Discover now