12

20 3 0
                                    

"Hindi ba sasakit lalamunan mo niyan? Puro ka kasi ice cream eh."

"Hayaan mo na siya, kapag kumakain kasi siya ng ice cream may na aalala siya." Saan na naman galing 'to dix!

"Alam mo dix, kung ano ano na lang pinagsasabi mo. Hindi naman konektado sa buhay ko." Sabi ko sakanya. "Nakuha mo na ba schedule mo?" Tanong ko kay den." Tumango naman siya kaya sabi ko patingin. Halos lahat ata magkasama kami, iyak si dix. Isang beses niya lang makakasama kambal niya sa isang sub.

"Ingat kay miss reyes." Paalala naman ni dix sa kapatid niya na ikinatawa ko. Ingat talaga.

"Ano bang meron? Siya ba 'yong kasama nung rea?" Tumango naman kami sakanya.

"Nako! Medyo layo ka talaga kay leigh." Tawa pa ni dix.

"Ano bang meron?"

"Ewan ko riyan, desisyon eh."

"Sus akala mo naman! Alam ko na no! Gusto mo 'yon!" Grabe mag isip ang isang 'to, makatotohanan.

"Ayan ah! 'Di bale, sasabihin ko naman sa CRUSH mo na pinsan mo ako." Ang hirap nilang kalabanin.

"Hindi ka tumatanggi! Ano gusto mo no!" Tumago naman ako sakanya, nakakagulat si ante, tumili. Mas masaya pa siya kaysa saakin eh.

"Sabi ko na eh! Kaya wala kang matatago saakin, kilala na kita." Edi siya na. "Gusto ka rin non."

"Dix! Huwag mo naman paasahin." Tawa nilang dalawa. Nagkakasundo talaga sila kapag kalokohan eh.

"Hindi ko pinapaasa. Totoo kaya 'yon." Minsan ang sarap kotongan nito eh, mahilig mang eme.

"Mall tayo!" Aya naman ng isang to. Wala na nga akong pera. "Don't worry! Ako bahala."

"Tara!" Sabay pa talaga kami ni dix ha.

"Ano bang gagawin natin dito sa mall?" Tanong ko sakanila.

"May picture tayo! Memories ganon." Magsasalita na kang kinikilig pa, parang jowa niya sarili niya eh. Self love. "Siyempre kakain din, may bibilhin kasi akong libro."

Sumama talaga ako rito para sa libre at magpalamig eh. Sinulit ko na 'yong libre ni den, nagpalibre ako ng libro. Pagkatapos namin mamili ng libro, dumiretso kami ron sa picture picture raw. Sinasaway pa nila ako, mas smile raw. Eh naka smile naman na ako! Ang sakit din pala sa panga nito. Nakangit ka lang sa bawat pics. Pagkatapos namin mag pics, nagreklamo na ako na nagugutom na. Parang halos 1 hour na kami rito, baka naiinis na saamin 'yong mag pipicture pa.

Dahil sa nadaanan naming bilihan ng damit, napa istop ang dalawa. Mukhang hindi pa kami makakakin nito ah. Hayaan ko na nga lang, buti na lang nalibre ako. Kung doon sa picture 1hr kami dito halos 3hrs! Gagabihin na kami! Nagugutom na ako.

Buti naawa na sila saakin kaya kumain na kami at umuwi, hindi nakakpagod maglakad. Nakakapagod magintay sakanila. Iidlip muna nga ako.

"Skyleigh kakain na!" Narinig ko na lang si dix kaya napabangon ako para maligo.

To: Sungit

Hi ma'am!

From: Sungit

Ano na naman ba Ms. garcia.

Me: Galit agad?

Sungit: Hindi ako galit.

Me: Wehh.

Sungit: Bye.

Hala bye agad? Hindi pa nga nangangalahati chats namin. Ang cold ni ma'am, pero syempre crush ko 'to. Tiklop ako niyan.

"SKYLEIGH ANO BA! KAKALADKARIN KITA RIYAN PABABA." Ang brutal naman nito. Ito na nga bababa na nga eh. Nag charge muna ako ng phone.

"Bakit ba ang tagal tagal mo? Lalamig na ang pagkain." Ang taray naman nito, siguro hindi nag eatwell 'yong kausap niya. Tinawanan lang ako si den, akala ko ba kaibigan kami rito. Ekis ka na sakin.

Kumakain kami ng biglang mag open ng topic si dix.

"Maaga ang gising bukas den, bawal ang late sa klase ni ma'am reyes. Sasaraduhan ka ng pinto non, ay ayokon rin ng late." Para siyanv nanay na pinapaalalahanan ang anak niya, para bukas.

Pasado na talaga siya para magka pamilya, kaso madaming trip sa buhay eh. Ayos na rin pala 'yon, baka magsiputian lahat ng buhok niya sa kulit ng anak niya.

"Akyat na ako." Paalam ni den pagkatapos maghugas ng plato. Sumunod na rin ako sakanya. Gusto ko ulit ichat si ma'am eh.

To: Sungit

Hi ma'am! See you tomorrow!😘

Tumatapang na ako ngayon.

From: Sungit

See you.

Diba kahit ganyan 'yan, kikiligin pa rin ako.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon