19

19 3 0
                                    

Sinunod ko naman 'yong sinabi ni rea at den. Hindi ko muna kinausap si ma'am, pero kasi gusto ko na siyang kausap. Nalulumbay na ako rito, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Nandito ako ngayon sa cr, lumabas muna ako sa room. Ang boring ng klase, tsaka ilang minutes na lang tapos na 'yon. Kaya tinawagan ko muna si dix, ang sumagot naman ay si seven. Nag request pa ng video call! Buti na lang walang tayo rito.

"Hi baby ko! Kumain na you?" Taglish lang, hindi ko kaya mag english. Bahala siya intindihin ako.

"Yesh po." Ang cute cute naman, wala naman makakarinig saakin dito. Tsaka naka earphone ako, hindi nila maririnig.

"Very good talaga ang bebe na 'yan, kiss kita kapag umuwi ako ha." Ngiting tagumpay naman siya.

"I mish u po." Hindi pa talaga buo ang pagbigkas niya.

"Asan si mommy mo?" Agad naman siyang tumayo, hinanap ang mommy niya. Binigay niya sa mommy niya ang phone.

"Dix! Kamusta kayo? Hindi ka nakapag reply ha! Magtatampo ako."

"Maraming ginagawa rito, may handaan eh." Sino naman ang may birthday? Sayang hindi ko matitikman ang luto niya.

"Miss ko na luto mo! Uwi ka na rito."

"Hindi pwede! Bahala ka riyan, magtiis ka." Ang sama naman ng babaeng 'to, kahit may anak na. Ganoon pa rin ang ugali.

"Sige na bye na, ilang oras na ako sa cr." Tinawanan niya lang ako, alam na naman niya kasi ang kalokohan ko. "Bigay mo na kay seven ang phone." Nakita ko naman 'yong nguso ni seven, salubong talaga ang kilay.

"Babye na! I love you!" Hala pinatayan ako! Napindot na naman siya siguro, seven talaga eh. Pasaway.

"Ms. Garcia, diba may klase ka pa?" Gulat naman ako sa babaeng 'to. Susulpot na lang sa gilid ko, pero okay lang. Si ma'am na 'yan eh.

"Nag cr lang." Pagtatanggol ko pa sa sarili ko. Alangan namang iba, eh kami lang ang tao rito. Magulat ako may kumampi saakin, kaso hihingi muna hustisya.

"Nag-cr o lumandi?" Sakit naman makapag salita nito, sino naman lalandiin ko?

"Ma'am mukhang imahinasyon mo lang 'yon, wala akong kalandian." Bahala na nga siya riyan, baka wala na akong maabutan sa room.

"Nilabas mo ba lahat ng sama ng loob mo sa cr?" Sabi naman nung kaibigan ko, upakan ko 'to mamaya eh. Yes, may kaibigan na rin ako sa room. Kung pwede lang siya pakyuhan ginawa ko na eh.

Pagkaup na pagkaupo ko talaga biglang nag dismiss eh, siguro inantay lang ako ni sir makabalik.

"Kokotongan kita marcus! Pukpok ko sayo 'yang gitara mo." Tatawa-tawa pa talaga siya.

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro!" Hihina talaga 'to kapag gitara pinag-usapan eh. Pati rin naman ako. Awayin niyo na lahat ng kaibigan ko, 'wag niyo lang galawin gitara ko. Na miss ko tuloy gitara ko.

From: Denisse

Saan ka na? Sasabay ka ba saamin?

Hindi naman makapag antay 'to. Kakalabas ko nga lang eh. Nagpaalam muna ako kila marcus bago pumunta kila den. Hindi ba sila mabubuhay kapag wala ako? Ano ako rito, doctor?

"Palagi na lang ayan pagkain mo, hindi ka ba nagsasawa?" Sinong magsasawa sa pagkain ko? Ang sarap kaya nito. "Sabagay may na aalala ka sa hotdog."

Ano naman? Ang sarap kaya ng hotsilog, magdadabog talaga ako kapag wala sila nito.

"Hayaan mo na 'yan, sa susunod magiging hotdog na siya." Sabay silang tumawa ni rea, nakakatuwa 'yon? Mga kupal 'tong mga 'to. Kaibigan ba talaga ako nito, lagi nila akong trip eh. Isa na lang talaga, makukutusan ko na 'to.

"Hindi mo ba pupuntahan si ma'am?" Sabi saakin ni rea. Sabi rin nila 'wag munang abalahin! Ngayon kating kati silang pumunta ako ron!

"Hindi na muna, stress 'yon si ma'am. Baka lalong ma stress." Ako laging nagpapainit ng ulo non, ang hot ko ba? Magiging hotdog na siguro ako.

"Siguro pagnamatay ako, puro hotdog katawan ko." Oo na, ang random ko. Hindi nila ako pinansin, sino ba kasi papansin sa kagaguhan ko?

"Kakausapin mo na ba si ma'am?" Pag-iba ng topic ni den. Hindi ko rin alam.

"Nahihirapan na nga rin ako, hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"Tanga! Mag-simula ka sa start!" Pigilan niyo ako, makakasapak ako rito. "Joke lang, hindi ka naman mabiro." Hindi niyo talaga ako mabibiro, pero kapag ako nag-biro, dapat tumawa kayo.  Sayang naman 'yon, minsan lang ako mag-biro.



Rainbow Where stories live. Discover now