25

9 2 0
                                    

"Ang aga natin magising ah."

Nadatnan ko si den na nag-aayos, tapos na ata siyang mag-luto.

"Si bebe girl? Nag-away ba kayo?" Hindi.

From: Aurea

Gising ka na ba? Pupunta si ate. Sasama rin ako.

Hindi naman siya nagsabi na pupunta siya. Bahala siya.

"Hindi kami nag-away, kumain ka na lang diyan." Gusto pa makisagap eh.

Aakyat muna ako, hindi pa ako naliligo eh. Kahiya naman.

"Bakit ka aakyat? Hindi mo ba aantayin si bebe girl?"

Hindi ko na lang siya pinansin, umakyat ako para mabilis na rin akong matapos maligo. Nagpapatuyo pa ako ng buhok, may kumatok naman.

Si ma'am. Niyakap agad ako, hindi pa nga nasasara ang pinto.

"Sorry na." May pa kiss pa sa pisngi ko, gusto ko na lang magtampo araw-araw.

"Mag papatuyo lang ako ng buhok." Sabi ko sakanya.

"Libre na lang kita ice cream mamaya. Gusto mo?" Sino ba hindi tatanggi diba, pero ayoko kapag galing sakanya ang libre.

"Ayoko." Kung nandito si dix baka nabatukan na ako non.

"Edi 'wag!" Lumabas agad siya nagdabog pa. Mukhang ibang lambing 'yong mangyayari ah.

Nagpatuyo muna ako ng buhok at nagbihis bago bumaba, nakaupo silang tatlo habang nag-uusap, pero nakasibangot naman si august.

"August tara na." Kunwari boss ako, pero siya talaga ang boss saaming dalawa.

"Ayoko, ikaw na lang mag-isa." Nagtampo na nga. Kinuha ko naman agad 'yong kamay niya para makaalis kami. Iniwan namin si rea at den na nag-uusap. Baka nga nagulat kanina eh, nagtampuhan ba naman sa harap nila.

"Akala ko ba ayaw mo?" Akala ko rin eh, hindi naman kita matitiis.

"Nag-bago na isip ko, gusto kita makasama."

"Bati na tayo?" Siyempre hindi mawawala kalokohan ko.

"Kiss muna." Akala ko joke lang para sakanya 'yon, pero sineryoso. Tatlo pang kiss. I Love You ba 'to? Eme lang na nanaginip na naman ako ng gising.

-

"Ayoko pang umuwi skyleigh." Ako rin eh.

"Sige mag stay muna tayo rito." Kung pwede nga lang sabay ulit kaming matulog.

"Skyleigh, diba marunong kang mag gitara?" Na aalala niya pa rin 'yon.

"Oo."

"May gitara ka?" Tumango naman ako sakanya. "Bakit nanghiram ka kay marcus?"

"Naiwan ko kasi, iuuwi ko sana kaso nagmadali si den." Balak ko sana bumili ng gitara, kaso wala naman akong kasama. "Bibili na rin naman ako, gusto kasi ni liam 'yong gitara kong 'yon. Ibibigay ko na lang."

"Gusto mo bili tayo ngayon?" Bigla naman siya nag-aya. Pwede naman.

"Baka kasi mapagod ka." Pwede na, pwede na maging gf ni ma'am.

"Hindi no! Tara na!" Hinila naman niya agad ako papuntang sasakyan.

Pumunta lang kami sa mall na malapit, may bibilhin daw siya sa national bookstore kaya pinauna ko muna siya.

"Anong gusto mo? Itong na sa kaliwa o kanan?" Ako ba mag-babasa, wala naman akong alam diyan eh.

"Sa kanan." Maganda kasi 'yong bookcover kaya ayon na lang.

"Pero feel ko bet ko silang dalawa." Pinapili pa ako diba. "Kukunin ko na nga 'tong dalawa."

Pagkatapos niyang bayaran, pumunta agad kami sa bilihan ng gitara. Magaganda naman silang lahat, pero ang hirap pumili ng kulay.

"Ito maganda!" Turo naman ni august sa kulay light blue na gitara, maganda naman.

"Ayan na lang." Kinuha naman agad nung kuyang staff para ilagay sa counter. Buti ngayon ako bumili, may libreng capo at bag.

"Didikitan mo ng stickers?" Depende, 'yong isa ko kasing gitara puro stickers. Si Taylor Swift. Baka dikitan ko rin 'to.

"Oo, pero sa susunod na."

"Ang ganda nung kulay, buti ayon napili mo." Tuwang tuwa naman siya, ayon talaga pipiliin ko. "Kantahan mo ako ah."

"Pangit boses ko ma'am, uulan."

"Okay, si marcus kantahan mo." Paano naman nasali si marcus dito.

"Sige na nga, gusto mo na bang umuwi?" Tumango naman siya saakin. "Mukhang matutulog si rea saamin ah."

"Gusto ko rin matulog sainyo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Tara!" Para akong nakakuha ng candy. Gutong gusto ko siyang katabi matulog. Excited tuloy akong umuwi.

-

"Denisse! Nandito na kami!" Sigaw ko sa loob, mukhang na sa kusina sila ni rea eh. Tinuturuan na naman ata niya mag-luto.

Nakakapagod pero kasama ko si ma'am, worth it naman.

"Wow new guitar, pahiram ako ah." Hindi na rin bago saakin na manghiram siya ng gitara, pero ayokong ipahiram. Gusto 'to ni ma'am, baka masira.

"Ayoko, bumili ka ng sayo."

"Hayaan mo na den, baka kasi importante sakanya. Si ate ata ang pumili." Natumpak mo.

"Kain na tayo! Buti maaga kayong nakauwi. Akala ko mamaya pa kayo." Baka naman kasi ayaw nila kaming umuwi.

"Aurea, uwi muna tayo." Akala ko ba rito siya matutulog? "Kuha tayo damit, dito ako matutulog."

"Huwag na ma'am, gabi na delikado. Papahiramin na lang kita."

"Bahala ka." Nagpatuloy naman siya sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, sabi ni rea siya na lang daw ang maghuhugas. Kaya umakyat na kami ni ma'am sa kwarto para maligo.

"Ikaw na mauna ma'am, ihahanda ko 'yong damit mo."

Pumasok naman agad siya sa banyo, at inayos ko na 'yong gagamitin niya. Nag-cellphone naman ako pagkatapos. Natapos siyang maligo kaya ako naman ang susunod. Binilisan ko naman ang pag-ligo para tabihan siya. Naabutan ko siyang nakahiga na. Nagpatuyo muna ako ng buhok at nagbihis bago humiga. Niyakap naman niya agad ako, pagod na pagod siya.

"Can i court you?" Nabigla naman ako sa sinabi niya, hinintay ko 'yong joke sa dulo pero seryoso siya.

NA NANAGINIP PO BA AKO? WAIT, TOTOO BA 'TO. SAMPALIN NIYO NGA AKO.

"Y-yes." HOY WAIT 'YONG PUSO KO LUMILIPAD.

May binulong naman siya na hindi ko narinig. Sinadya niya atang hindi iparinig saakin. Ang bilis naman niya makatulog, sabagay pagod kasi. Makatulog na nga, baka panaginip lang 'yong kanina.

Rainbow Where stories live. Discover now