04

20 2 0
                                    

"Anong gusto mong flavor? Libre na kita." Yaman naman nitong kasama ko, sasama na ako lagi sakanya.

"Cookies and cream, thanks!"

"Minsan lang 'to, sulitin mo na."

Sabagay, kuripot din ang isang 'to. Pero laging may parcel, nag-iipon daw pero laging may order. Ano kaya 'yon.

Parang 5 minutes lang weekends, pasok na naman bukas. Makikita ko na naman si sungit. Iniisip ko nga kung bakit laging galit 'yon, gusto niya ba ng kiss ko. Saakin laging galit eh.

Nakaupo lang kami rito sa swing ni dix at walang imikan. Ano kayang nangyari na naman sakanya, baka na ghost. Reto reto pa kasing nalalaman, eh hindi naman tumatalab 'yon. Ayaw na lang kasi manahimik.

"Gusto mo ba si Ms. Reyes?" Biglang tanong niya na ikinagulat ko.

"Bobo ka ba? Teacher 'yon boy. Kung maging crush ko man 'yon, walang pag-asa. Kung maging kami nako baka kada week, hell para saakin. Lagi siyang galit eh. Minsan nga iniisip ko kung puntahan ko nanay non para tanungin kung saan ipinaglihi. Walang araw na hindi nagalit eh."

"Ako hiningal sayo eh. Oo at hindi lang ang dapat mong isagot pero parang ikwenento mo na lahat ng nangyari sa buhay mo."

"Eh ikaw naman kasi, ang random ng mga tanong mo. Nakakagulat eh"

Hindi naman mahirap gustuhin si ma'am, sadyang wala talagang nagbabalak umamin sakanya. Baka kasi bugahan siya ng apoy.

Ang dami naming cravings ngayon ni dix, onti na lang talaga makakain na namin lahat ng pagkain. Naawa tuloy ako sa pera niya. Sabagay kakabigay lang pala sakanya ni tita ng pera para ngayong week. Binibigyan din naman ako ni mama, pero hindi ko inuubos. Baka may biglaang mangyari at walang kalaman laman pera ko. Yari.

"Anong plano mo mamaya?" Hmm.. tapos naman na lahat ng gawain ko, tinapos ko kahapon.

"Ano pa ba, edi matulog!"

"Boring talaga, what if ano." Ano na naman kaya pumasok sa isip ng babaeng to. Maka what if eh.

"Ano?" Patagal pa.

"Nood tayo movie!!!!" Wow para siyang batang nagagalak.

"Bahala ka, basta ako matutulog lang."

"LETCHE! Tara na nga, lakad lakad muna nga tayo." Hindi ba siya napapagod? Grabe enerhiya nito.

"Ano kayang future natin no? Matatapos kaya natin ang architecture? Sino kaya mapapangasawa ko? Ilan kaya magiging anak ko? Basta gusto ko lalaki ang una kong anak! Ikaw?" Daming tanong!!

"Wala." Wala naman talaga akong balak eh.

"Ngi! Tao ka pa ba?"

Hinayaan ko na lang siya mag overthink, hasang hasa naman siya ron eh. Nag iniisip ko ngayon si Ms. Reyes, may boyfriend na kaya 'yon? Sana wala pa. Iiyak na ako niyan.

Pasok na naman.

"Tara na dix."

"Aga natin ah, anong meron?" Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas para ihanda ang sasakyan. May sasakyan naman talaga 'tong si dix, ayaw lang gamitin kasi pwede naman daw siyang sumabay saakin. Kung anong kinaingay niya, siya naman ang kinatamad niya. Diba talented kaya proud na proud ako sa pinsan kong 'yan eh. Isa na lang talaga isasali ko 'to sa contest eh.

Malapit na mag holy week pero ang week namin ay hell, diba ang angas. Sana ipako na lang kami sa krus eh. Walang kapahingahan. Hindi rin ba sila napapagod kakabigay ng task?

"Lalim ng iniisip ah!"

"Edi sisirin mo."

Inirapan ko lang siya tapos tumingin ulit sa dinaraanan bago makarating sa univ. Buti naman magkaiba kami ng landas! Nakatakas din sa babaeng madaldal.

Pumasok na ako sa room at umupo.

"Goodmorning." Wow na wow sa ganda nito eh. Kaya idol ko 'to si ma'am.

Hindi ako natulog sa klase niya pero hindi naman ako nakikinig, nakatingin lang ako sakanya hanggang sa matapos ang klase niya saamin. Akala ko mag papa quiz pa eh, yari talaga ako niyan.

"Leigh! Buti hindi ka na inantok? Nagkape ka?" Asar naman saakin ng katabi ko, si aurea.

"Oo nga eh, kaso wala naman akong naintindihan. Wala rin."

"Bilib talaga ako sayo!" Sanay na joke.

"Nariyan ka naman diba para turuan ako." Kinindatan ko siya.

"Ms. Garcia." Akala ko naman umalis na 'to.

"Bakit po?" 

"Ang galing galing mong makipag daldalan, pero pagdating sa klase ko tulog ka." Inirapan niya muna ako bago siya lumabas. Nagkatinginan kami ni aurea at sabay sabing...

"Problema non?"

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon