09

18 3 0
                                    

Agad agad akong pumunta sa parking lot, baka nandon na si dix.

Si dix ang inaasahan ko, pero narito si sungit. Anong problema nito?

"Leigh!" Tawag saakin ni dix. "Saan ka ba nanggaling?"

"Doon lang." Sagot ko sakanya habang nakatingin pa rin ako kay ma'am.

"Muuna na ako ha! Hinantay talaga kita rito." Ngi, hindi na lang nagpaalam sa chat. Nakaalis na siya, kaming dalawa na lang naiwan dito ni ma'am.

"Hi ma'am!" Masayang bati ko sakanya, pero sinamaan lang ako ng tingin.

"Ms. Garcia, saan ka bang lupalop nagpunta? Maraming nag-alala sayo." Baka isa na siya ron?

"Wala ka na po ron, MA'AM." Na miss ko siyang asarin eh.

"Huwag mo akong masagot ng ganyan."

"Ano po bang gusto niyo, YES?"

"Ms. Garcia, seryoso ako rito! Puro ka kalokohan! Hindi mo iniisip 'yong taong na sa paligid mo!" Pumasok siya sa sasakyan niya at umalis na.

One week akong hindi pinapansin ni ma'am august, pero si val niya kung makangiti siya parang wala ng bukas. Pagkatapos mangyari ng gabing 'yon, wala na ata siyang balak pansinin ako, kahit nga naroon kami sa bahay nila. Hindi pa rin ako pinansin, pero si dix pinansin. Walang pansinan pala ang gusto niya ha, magaling ako ron.

Narito kami sa cafeteria nila rea at dix. Wala na nga akong maintindihan sa sinasabi ni dix kasi ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko na sila masabayan sa tawanan nila.

"Hoy leigh! May balita ako, siyempre matutuwa ka rito. Uuwi si denisse." Bigla naman akong nabuhayan, miss ko na 'yon! Buti naman pinayagan ni tita umuwi rito. Madaldal din naman 'yon katulad ni dix pero medyo mahinhin. May ka chikahan na rin ako!

"Dito na siya mag-aaral?" Tumango naman siya at mas natuwa ako.

Si denisse pinsan ko, kambal ni dix.

"Oo, edi masaya ka na niyan?" Tanong ni rea. "Selos niyan si ano."

"Totoo, pagsasabihan ko na nga 'yon si den. Baka magselos si ano."

Sino si ano, tangina.

"So, kayo lang magkausap dito? Wala ako rito? Sino si ano?"

"Bahala ka, alamin mo."

PAANO NGA AALAMIN KUNG WALA NAMAN AKONG CLUE. MAKAKASAPAK NA AKO EH.

Bahala na nga sila riyan, mauuna na ako sa room. Gusto ko na rin matapos ang klase, para matapos ko na rin ang mga hindi ko pa nagagawa. Puro guhit, hindi naman pumapantay. Sabagay baliko rin 'yong gumagamit.

Hindi ko pa natanong kung anong exact date kung kailan darating si den, miss na miss ko na talaga 'yon. Medyo hindi ko na nga nakakausap 'yon eh. Marami sigurong ginagawa. Buti naman pinayagan na siyang umuwi ni tita danica, unfair naman non kung si dix lang ang papayagan. Kung ako 'yon magwawala talaga ako. Hindi tuloy napanindigan ni danica ang pagiging dora, hindi pinapayagan mag explore eh.

Sana matapos na 'tong last sub, para naman makahiga na ako. Iniisip ko pa rin 'yong kay ma'am august one week talaga akong pinansin ni ma'am eh. Siyempre kayang kaya niya 'yon, talent niya pa naman 'yon. Hindi ako makatulog sa klaseng 'to, bigla bigla na lang kasi magtatawag ng pangalan 'yan eh. Walang talab 'yong humaharang saakin. Hindi kami tropa 'pagdating kay sir. Talas ba naman ng mata eh.

Ang dami daming pumapasok sa isip ko, pero nasiyahan lang ako kapag iniisip kong matatapos na 'tong sub eh. Ilang minutes na lang, matatapos na rin naman. Onting tiis, kaya ko 'to.

"Class dismiss." Miski mga classmates ko napa YES sa galak eh, paano ba naman antok na antok na kaming lahat.

To: Dixie

Wait kita sa parking lot, 'wag ka na magpatagal. Gusto ko na matulog.

Pagsend ko non, bigla naman agad nag reply. Laging open ata 'to eh.

From: Dixie

I'm here na.

Wow english.

Habang na sa byahe kami, napatanong naman ako kay dix.

"Anong nangyari saakin matapos kong malasing?"

"Huwag mo na alamin! Nakakahiya ka." Anong bang ginawa ko? Hinalikan ko ba ang isa sakanila? Hindi naman ako ganon paglasing.

Pagdating namin sa bahay, wala na akong balak kumain pa. Pagod na pagod ako, kahit ang ginawa ko lang sa room maghapon ay matulog. Ano kayang uunahin ko? Matulog o 'yong mga kulang ko? Siyempre kailangan ko muna magpahinga bago gawin. Maawa naman kayo saakin.

Bigla naman tumunog ang cp ko. Nag chat si mama

From: Mama kong maganda sa buong mundo

....UoW€ K@h? S4n@ uMow3 k@h,,, mI$$ k4 nA n@M1n... L4l@ n4 K4pATiD M0h... L0V3 ¥0u Nh4k😘😘😘.

Akala ko sa school lang sasakit ulo ko, sa typings din pala ng nanay ko.

To: Mama kong maganda sa buong mundo

Opo nay, love you rin po.

Pagtapos ko mag reply, natulog na agad ako.

Rainbow Where stories live. Discover now