23

17 3 0
                                    

"Dahan dahan naman."

"Ma'am hindi naman tayo magmamadali."

"Huwag matigas ulo." Okay mag dadahan dahan na nga.

"HOY ANO KAYO RIYAN? SAKIT NIYO SA MATA HA." Sigaw saamin ni den mula sa malayo. Linaw naman ng mata nito.

"Kaya siguro gusto mo sumama kasi mamamanhikan ka ma'am." Pinalo niya naman ako sa braso.

"Aray!"

"Hala! I'm sorry. Ayan na, na kiss ko na. Okay ka na?" Super ok ma'am kung isa pa.

"Okay na ma'am, sakit ng labi ko ma'am." Sinimagutan niya ako. "Hindi ka naman mabiro ma'am."

"Umayos ka skyleigh nandito tayo sa lugar niyo." Anong connect? "Gusto ko na makita si seven."

Gustong gusto niya si seven, kahit naman siguro ang iba magugustuhan si seven. Miski si seven gusto na makita si bebe girl. Nag video call kami pero halos buong oras si bebe girl ang kausap niya.

"Anak! I miss you! Tuloy kayo. Ayan ba si bebe girl?" Huwag mo naman akong ipahiya ma, please.

Tumitingin naman saakin si ma'am at nag kunwari na lang akong walang alam. Nagmano muna si ma'am bago kami pumasok. Wala pa si papa at liam tinutulungan nila si dix sa kabila. Malapit lang naman.

"Sino si bebe girl?" Tanong ni ma'am. Tumawa naman si den sa gilid ko.

"Wala, huwag mo ng isipin 'yon hehehehe."

"Okay hindi rin kita iisipin. Den samahan mo ako sa kwarto ni ano, sino ba 'yon?" Napakamot na lang ako sa ulo, tampo naman si bebe ko.

Pumunta ako sa kabila kasi may plano ako. Hiniram ko muna si seven kay dix. May plano kami ng batang 'to. Kumatok muna kami sa kwarto. Agad namang binuksan ni ma'am. Inirapan muna talaga ako bago yakapin si seven.

"Wow ang ganda naman ng flowers na 'yan? Para saakin? Thank you!" Sana ako rin ma kiss.

"Shi tata po nagbigay." Agad naman akong tinignan ni ma'am. Kinindatan ko naman siya.

"Denisse! Kunin mo nga muna rito si seven!" Sigaw ko para naman marinig ako ni den.

Agad agad namang pumanik si den at kinuha si seven kay ma'am.

"Goodluck." May sasabihin pa talaga eh.

Isasarado na sana ni ma'am 'yong pinto kaso pinigilan ko.

"Anong kailangan mo?" Taray pero love ko 'yan.

"Ikaw." Cute niya naman kapag namula. Pumasok ako sa kwarto at sinara naman 'yong pinto.

"Bakit naman nagtatampo 'yang bebe ko." Niyakap ko siya, pumipiglas pa talaga. "Sorry na po."

"Ikaw naman kasi! Sino ba si bebe girl?" Nagselos sa sarili niya. "Tinatawa mo riyan? Don ka na nga." Binato pa ako ng unan.

"August, ikaw si bebe girl okay? Lagi kitang nasasabi sa pamilya ko, kaso si den inasar ako. Sasabihin niya sana name mo, kaso nasabi ko bebe girl hehehehe." SANA LAMUNIN NG LUPA.

"Bebe girl pala ha! Yieee bebe girl niya ako." Nagawa pa talagang asarin ako.

"Kiss ko?" Ano naman kung abuso.

"Ako naman kiss mo." HOY KINIKILIG AKO WAIT.

"OMG! ANO BA 'YAN HINDI NAGLALOCK NG PINTO." Kasalanan pa ba namin? Hindi siya kumatok eh. "Bumaba na kayo, hinihintay na kayong dalawa."

"Okay denisse."

Pagkaalis ni den, pinalo naman ako ni august.

"Bakit kasi hindi ka nagsarado ng pinto?"

"Ma'am, kung nilock ko 'yan, baka naman isipin ni den na may ginagawa tayo."

"Tara na nga! Kinakabahan tuloy ako!"

Bumaba kami at sinalubong naman ako ng yakap ni liam.

"I miss you ate!"

"Si august liam." Sabi ko naman sakanya.

"Hello po! Si bebe girl?" Baling naman saakin ni liam.

ANO BA NAKAKAHIYA NA.

"Huwag mo na asarin 'yang ate mo liam, namumula na oh." Buti naman nahalata ni papa huhuhu.

"Hello po! Mr. Garcia." Bati ni august kay papa.

"Papa na lang iha, pamilya ka na rin namin."

"O-okay po papa." Niyaya ko naman agad si august papunta sa garden.

Kami kami lang naman ang nandito. Hindi raw makakauwi ang iba. Pagkatapos naglaro muna ang mga bata. Kumanta rin ng happy birthday para kay seven.

"Ang cute cute ni seven, gusto ko siyang iuwi."

"Magagalit sayo si dix." Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Kumain ka pa skyleigh."

"Ayos din pala si bebe girl eh, maalaga." Bigla na namang sabi ni tita dan.

Nahihiya na talaga ako ha. Iisipin ko na talaga na hindi ako belong sa pamilyang 'to.

"Bebe girl pala ha." Bulong pa ni august, oo na sige na bebe ko na siya.

"I love you." Sabi ko sakanya, hindi naman niya ata narinig.

"I love you too." Ha? ano ulit? Umalis na eh, nilaro si seven. Magtatampo na ako niyan, si pito na kasiyahan niya.

Rainbow Where stories live. Discover now