10

18 2 0
                                    

Wala akong balak ngayong sabado. Ay hala! 'Yong mga kulang ko! Sabi ko kagabi, pahinga lang kaunti eh. Buti na lang sa monday lahat ipapasa.

"SKYLEIGH KAKAIN NA!" Sigaw ni dix. Ang lakas talaga ng boses.

Naligo muna ako bago bumaba, ang plano ko ngayong sabado ay kumain, gawin ang schoolworks, at matulog. Kung wala lang ako schoolworks, edi tulog ako maghapon. Pagkatapos kong maligo, bumaba na agad ako.

"Morning." Walang good sa morning niya, at ako rin. Hindi talaga ako binigo si dix sa luto niya. Pwede na siya mag-asawa.

"Kailan pala darating si den?" Tanong ko sakanya.

"Ewan ko rin eh, hindi ko natanong. Wait! Hindi ka raw pinapansin ni sungit. Baka nagalit." Saan naman? Ah, 'yong nangyari pala. Eh, hindi ko naman siya maintindihan eh, ipaintindi niya muna. Para akong baliw rito kakaisip eh. "Gusto mo ba si ma'am?" Ewan ko.

"Hindi ko alam eh. Dixie, kung magkagusto nga ako ron, walang pag-asa ok?" Totoo naman, kung boring ang buhay ko. Lalo na sakanya.

"Bakit hindi ko kasi subukan? Feel ko nga gusto mo 'yon eh. 1st sem pa lang ha, kitang kita ko na, pinipigilan mo siguro. Nakatatak na kasi sa isip mo na prof mo siya at hindi ka niya magugustuhan. Nako kung alam mo lang 'yong nangyari sayo, buti na lang lasing ka non." Isa pa 'yan eh, hindi pa rin matanggal sa isip ko kung anong nangyari eh. Nasobrahan ako sa kasihayan.

Nako! Huwag na nga isipin 'yong mga bagay bagay na 'yan. Hindi ko pa nga natatapos mga gagawin ko eh. Pagkatapos namin tsaka naman namin ibinaba ang mga gamit namin para rito na gumawa.

"TAPOS NA RIN!" Sigaw ko pa habang umuunat, ang sakit ng pwet ko, ilang oras ba naman nakaupo. "Tapos ka na dix?" Tanong ko sakanya, biglang tumayo eh.

"Oo. Anong plano natin bukas? HEP! Ayokong marinig galing sayo 'yong "matulog" ha." Ginaya niya pa ako kung paano ko magsalita, iba talaga 'to.

Kung tatanungin ulit ako siyempre matutulog, ready ko na ulit sarili ko. Siguradong marami na namang ipapagawa. Parang gusto kong mag ice cream bukas.

"Ice cream ulit tayo, libre ko na." Tuwang tuwa naman agad siya. "Akyat muna ako, maliligo ako."

"Saglit! Ligo na lang tayo sa pool." Wala naman kaming pool eh.

"Tanga! Wala tayong pool, masyadong ka namang mapagpanggap niyan." Bigla bigla na lang siyang umakyat, may kukunin ata. Madudulas 'to.

"Charan!" Masaya niyag sabi habang may hawak na pool. Kailan niya pa nabili 'to?

"Anong gagamitin natin para tumayo 'yan? Hangin natin?" Pagkatapos kong sabihin 'yon. Bigla siya may inilabas, para rito sa pool para magkahangin. Wow ready ha.

"Bahala ka."

"Dali na, minsan lang 'to. Kapag narito na si den, hangin na ako sayo no! Nandito na kasi BESTFRIEND mo." Diniinan talaga ang bestfriend?

"HI GUYS!" Nagulat kaming dalawa ng may biglang may sumulpot.

OMG!! SI DEN!!!

"I MISS YOU! BUTI PINAYAGAN KA! ANO NAKAPAG ENROLL KA NA?" Tumango naman siya. Niyakap ko siya ng mahigpit na para siyang teddy bear.

"Teka lang naman sky, hindi ako makahinga." Ay.

"Sorry."

"Hi kambal kong pinakamaganda sa lahat!" Niloko na naman niya si dix.

"Letche! Akala ko next week ka pa darating."

"Parang ayaw mo naman akong dumating niyan." Oo nga.

"Ayoko talaga, anong parang diyan." Ang taray naman nito. Buti nga makakasama niya ang kapatid niya. Miss ko na kaya kapatid ko.

"Hayaan mo 'yan, swimming na lang tayo." Masaya pang sabi ko kay den.

"Tara swimming! Ang init." Akala ko hindi papayag eh.

Ganito na lang sana kami araw-araw, relax lang ganon.

"Kamusta na pala 'yong enrollment mo?" Tanong si dix sa kambal niya.

"Inasikaso na ni papa, bago pa ako makarating dito. Pwede na ako pumasok bukas." YES!

"Hoy den! Binabalaan kita, 'wag ka masyadong dumikit diyan kay leigh." Ano na naman ang problema? Bakit napunta saakin ang usapan?

"Bakit naman? Ikaw dix kung ano anong pinagsasabi mo. Manahimik ka na."

"Bakit? May magseselos?. Uy nagdadalaga na siya." Ito lang ang ayaw ko, mapangasar. Ayon ata namana nila sa isa't isa. JUSKO LORD.

Rainbow Where stories live. Discover now