08

19 2 0
                                    

Pagbaba namin sa sasakyan ni dix, naghiwalay agad kami ng landas. Buti naman, para wala ng maingay sa mundo ko.

"REA!" Sigaw ko sa hallway, ayos nakita ko rin 'to. Edi may kasabay na ako. Papasok na sana kami sa room kaso may naalala pa ako.

"Rea, hindi ako pinansin ng ate mo kahapon. Sabagay sanay na ako, pero matanong ko lang."

"Baka nag selos."

"Saan naman? Si ma'am magseselos? Baka naalala mo, isang emosyon lang alam non."

"Ms. Garcia at Ms. Reyes, wala ba kayong balak pumasok? Sasarhan ko na kayo." Ang sungit diba.

Nakakatamad na pumasok, mas nakakawalang gana pa kapag iniirapan ka lagi ni ma'am. Magtuturo ng may sama ng loob saakin eh. Minsan iisipin ko na lang gusto ako nito eh, laging pala pumapasok sa isip ko 'yon. Hinahantay ko na lang matapos siya sa harap, makakatulog ako eh. Buti naman natapos na siya.

"Buti hindi ka na pinatawag." Asar pa niya saakin.

"Ewan ko ron sa ate mo, may galit ata saakin eh."

Narito kami sa cafeteria ngayon, silang dalawa walang tigil kakasalita. Ako, nakatingin sa kabilang mesa. Tawa nang tawa si ma'am reyes kay ma'am val. Cute niya rin palang tumawa, pero mas magiging maganda rin 'yon kapag saakin lang siya.

"Uy nagseselos!" Sinusundot pa 'yong tagiliran ko, buti na lang wala akong kaliti ron.

"Inaantok na ako, saglit lang ha. May pupuntahan ako." Tumango naman sila saakin.

Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh, gusto ko matulog. Kaya pupunta ako sa garden. Wala naman masyadong pumupunta ron, mapapasarap tulog ko ron. Wala na rin naman akong gana pumasok, kahit pumasok naman ako. Wala rin akong maiintindihan, kaya ano pang choice ko. Edi matulog, pero wait! What if crush ni ma'am august si ma'am val kaya lagi siyang masaya? Grabe naman tama ko kay ma'am reyes. Ang lakas ko na mag overthink eh. Hayaan ko na nga lang, hindi naman ako pinapansin eh, magaling naman ako sa larong 'yon. Makatulog na nga lang dito.

Nagising ako sa ingay ng phone ko, tinignan ko muna ang oras bago tignan ang mga nag chats saakin. Ala sais na rin pala, siguro iniintay na ako ni dix sa parking lot. Tignan ko nga muna mga chats nila may unknown number pa eh.

From: Dixie

SKYLEIGH! SAAN KA BANG LUMALOP NAGPUNTA?

From: Aurea

Skyleigh. Alam kong nagseselos ka, pero hindi na tayo bata para maglaro ng tagu-taguan.

12 missed calls? Sino naman 'to.

From: Unknown Number

Ms. Garcia. where are you?

From: Unknown Number

Kapag hindi mo pa sinagot 'to, yari ka talaga saakin.

From: Unknown Number

MS. GARCIA INUUBOS MO PASENSYA KO.

Mukhang alam ko na kung sino. May pa chat chat pa siya, makipag tawanan na lang siya kay ma'am val. Tutal parang wala ng bukas kung makangiti eh. Hindi naman ako magseselos. Baka isipin niyo nagseselos ako eh.

Makapunta na nga lang kay dix. Baka mawalan na 'yong ng buhok, kakahanap saakin. WAIT! WHAT IF SINABI NIYA 'TO KAY MAMA. Patay talaga ako nito.

Magdadasal na lang ako habang papunta sa parking lot. Baka sakaling hindi na masabi ni dix 'to. Madadal naman 'yon pero sana 'wag niyang gamitin kadaldalan siya sa mama ko.

BAHALA NA SI BATMAN!

Rainbow Where stories live. Discover now