17

17 1 0
                                    

2 years later....

"Seven ano ba! Yari ka na naman niyan sa mommy mo! Puro ka na naman chocolates." Ako na naman yari sa mama mo. Aalis na nga lang ako may makulit pa. "Denisse! Hindi ka pa bababa? Iiwan na kita."

"Ito na nga eh."

Si dix na bahala lahat dito. Babalik na ako. May kailangan akong balikan. Nakapag paalam na rin naman kami, mamimiss ko kapatid ko. Si seven naman iyak nang iyak, kahit hawakan siya ng nanay niya ayaw pa rin magpatinag.

Magdadalawang taon na si seven ngayong taon, pero hindi pa rin niya nakikita kung sino ang tatay niya. Naawa nga ako sa batang 'yan. Narinig ko na kasi siyang magsalita ng papa, alam ko ring nahihirapan si dix. Kailangan ko talaga bumalik, may babalikan pa ako. Sana nga may balikan pa.

May contact naman ako ni rea, miss ko na rin 'yon. Si ma'am august nagtuturo pa rin, babalik na rin ako. Doon ko ipagpalatuloy ang pag-aaral. Isang sem na lang, architect na ako. Kaya ko 'to, pero kakayanin ko bang makita ulit siya?

Sabi ni rea, ang hirap daw basahin ng ate niya. Hindi niya malaman kung anong nararamdaman nito, pero ang alam niya. Masakit din para sa ate niya ang nangyari, lalo na walang kaalam alam. Para siyang pinagkaitan ng impormasyon.

"Naayos na lahat ni papa, pwede na ulit tayong pumasok sa monday. Ang tanong kaya mo ba?" Kaya ko nga ba?

"Bahala na." Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako mag text kay rea.

To: Aurea

Rea, nandito na kami. Pupunta ka ba?

Lagi naman ata 'tong open.

From: Aurea

OMG! Pupunta ako.

Wala pa ring pinagbago, ang kulit pa rin. Kabaligtaran talaga siya ng ate niya. Kamusta na kaya siya? Mataray pa rin ba? Malaki na siguro ang anak ni ma'am val, ang pagkakaalam ko ay 5 years old 'yon nung umalis 'yon.

Ang dami ko rin palang naiwan dito, lalong lalo na si august. Nahirapan talaga ako non. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hi!" Bigla naman akong niyakap ni rea. "I miss you! Saan na si den? Miss ko na rin 'yon!" Na miss din kita rea 'wag kang mag-alala. Wala talagang pinagbago, pero medyo tumangkad. Medyo lang. Pumunta agad siya sa kitchen kasi alam niyang tambay na naman si den doon. Parang si dix talaga. Mamaya ko na itetext si dix.

Kakauwi pa lang namin ang daming baon na chika agad. Sanay naman na ako sakanila, na miss ko nga 'yon eh. Doon kasi medyo busy kaming lahat kaya hindi kami nakakapag kwentuhan.

"Rea, ganon pa rin ba ate mo?" Biglang tanong ni den sakanya habang kumakain kami.

"Kung tahimik siya noon, mas naging tahimik naman ngayon. Nag-aalala na nga kami ron eh, ang hirap niya talagang basahin. Nakikita ko naman sa mata niya, nasasaktan din."

Siguro nga ganon talaga kalala 'yong ginawa ko, wala na nga akong paalam. Hindi ko pa nireplayan lahat ng text messages niya. Normal talagang masaktan siya.

"Sky, kamusta ka naman?" Hindi okay.

"Ayos lang naman, pwede na."

"Anong pwede na? Baliw ka ba HAHAHAHAHHA." Diba ganyan siya, kakauwi ko lang pinagtatawanan agad ako.

"Skyleigh! Nandito pa rin ice cream mo!" Nakalimutan ko 'yan eh. "Hindi pa expired! Kainin na natin." Parang ayoko na kainin, matagal na nag stay sa freezer eh. Ang weird naman non.

"Dito ka ba matutulog rea?" Baling ko naman kay rea.

"Oo, nagpaalam na ako kay ate." So, alam na ng ate niya na nandito na ako. Buti naman nagpaalam muna siya bago pumunta rito! Ang lt niya kasi eh. Alis muna bago paalam.

"May mga pictures ba kayo?" Akala mo naman hindi kami nag video call kahit nandoon kami. "Gusto ko makita eh."

"Huwag na, ang pangit ko ron eh."

"Kj ka talaga! Hindi naman ata pangit eh." Kj pa talaga ah.

"Ganyan naman talaga 'yan, hindi mo 'yan matatalo." Siyempre ako pa.

Pumanik na muna ako at naligo para makatulog na ako, napagod ako sa byahe.

Rainbow Where stories live. Discover now