16

16 1 0
                                    

"Anong nangyari kanina? Hoy! Para kang baliw riyan, nakangiti mag-isa." Bahala ka mag-isip diyan. "Hangin ako rito? Ginagawa talaga ng pag-ibig."

Palibhasa bitter si den eh, saya saya ko kaya. Ma'am august kasi eh, bakit mo 'ko ginaganito. Para na tuloy akong baliw rito.

"Pwede ba den? Ngayon lang nga ako kiligin eh."

"Bahala ka riyan, si dix aalis na naman ata." Saan na naman siya pupunta?

"Bahala siya kung anong gusto niya, ron na siya. Hindi ko na siya pipigilan, pasaway 'yon."

Kapag may nangyari talaga sakanya, 'wag niya akong idamay sa mga kalokohan niya. Ako na bahala kila tita mag paliwanag.

"Kakain ka ba? Nag-luto ako." Buti naman marunong 'to mag-luto. Mabubusog ako sa magkapatid na 'to eh. Nandito rin si dix, akala ko nga aalis eh. Manahimik siya rito, baka kung ano na naman madatnan ko.

Ano naman kung hindi niya ako pansinin, mabubuhay naman ako ng wala ang boses niya eh.

To: Sungit

Hi ma'am! Thank you sa pa ice cream."

From: Sungit

👍🏻

Okay na 'to, buti nga nag-reply eh.

"Hanggang ngayon pa rin ba, hindi kayo nagpapansinan ni dixie?" Tanong saakin ni ma'am.

Magkasama kami ngayon, kahit weekends lagi na kaming sabay kumain, minsan sa bahay nila. Kaya na sasabi ko na sakanya lahat eh. Close kami ni ma'am, hindi niya na ako sinusungitan. Kaso selos pa rin ako kay ma'am val kahit may anak na eh. Last last week ko lang nalaman, nasabi rin saakin ni ma'am eh.

"Nag-iintayan na lang siguro kami non." Mukhang maysasabihin nga saakin, hindi naman niya matuloy. Mukhang natatakot pa.

"Kausapin mo na, hindi talaga kayo magkakaayos niyan."

"Mamaya." Susundin ko 'yan, siya na nagsabi eh.

"Uwi na tayo?" Tumango naman agad ako sakanya. 

Hinatid ko muna siya sakanila bago ako umuwi sa bahay, naabutan ko naman 'yong magkapatid. Mukhang nagtuturuan pa.

"Ano bang sasabihin niyo? Mukha kayong tanga riyan eh."

"Kasi itong si dix eh, ayaw pang sabihin." Naiirita na ako sakanila ah. May ibigay naman si den saakin, kay dix ata galing. Chocolate ba 'to.

PREGNANCY TEST?! POSITIVE?!

"AYAN 'YONG SINASABI KO SAYO DIX! HINDI KA KASI NAG-IISIP!"

"Hindi ko alam ginagawa ko non! Lasing ako."

"TANGINA! Kahit lasing ka, alam mo 'yumg ginagawa mo! Ginawa mo naman kaming tanga rito!"

"Sorry."

"Ano pa bang magagawa natin? Alam na ba ng nakabuntis sayo?"

"Hindi, natatakot ako."

Inalisan ko na agad sila ron. Nakakainis! Ginawa ko naman lahat para protektahan sila. Mukhang hindi ko kinaya, ang tanga tanga ko. Kasalanan ko 'to eh, kung hindi ko sana pinayagan si dix non. Hindi mangyayari 'to eh. Uupakan ko talaga 'yong lalaking 'yon, kapag nakita ko siya.

"Sky, kakain na." Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan na nalatulog ako. Pinababa ko naman agad si den. Bago ako bumaba, naligo muna ako.

"Alam na ba ni tita 'yan?" Umiling naman agad si dix. "Uuwi tayo." Nagulat naman agad sila sa sinabi ko.

"Sigurado ka na ba riyan?" Sabi ni den.

"Oo." Wala na silang magagawa. "Doon na lang natin ipagpatuloy 'yung pag-aaral natin." 

Pagkatapos kong kumain, agad ko namang tinext si mama para alam niya.

To: Mama kong maganda sa buong mundo

Ma, uuwi kami. Kasama ang kambal.

Hindi ko na hinantay na mag reply siya, baka bukas niya pa 'yon mabasa. Mahirap para saakin 'to, kung kailan okay na kami ni ma'am. Tsaka naman nangyari 'to. Ayoko naman sabihin masasaktan lang 'yon, hindi ko kayang masaktan siya. Nagpalit na lang ako ng sim. Para sakanya rin 'to.

"Itext mo si tita sabihin mo asikasuhin niya 'yong enrollment natin." Sabi ko kay dix, at umakyat na ako.

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko talaga 'to eh. Bigla namang bumakas ang pinto.

"Skyleigh, nagreply na si mama. Mamayang madaling araw na rin tayo lumuwas." Lumabas agad ako, tsaka naman ako nagmukmok dito. Tatagal siguro kami ron, kailangan kong alagaan si dix. Ang hirap talaga.

Rainbow जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें