21

23 2 0
                                    

DENISSE POV:

Anong oras na may tumatawag pa rin? Kakaltukan ko 'to eh. Unknown Number naman. Sinagot ko na para makatulog na ako.

"Hello! Goodevening, ikaw po ba si denisse garcia."

"Yes po, why?"

"Uhm.. Kilala niyo po ba si Skyleigh Blair garcia?" Ang dami pang tanong, hindi na lang sabihin.

"Yes po pinsan ko po, ano po bang nanyari?"

"Nandito po siya ngayon sa hospital, naaksidente po."

"HA?! PA TEXT NA LANG PO KUNG SAANG HOSPITAL PO 'YAN."

Ano na naman bang pumasok sa kukote mo sky!

To: Aurea

Rea si sky naaksidente!

From: Aurea

WHAT! SEND LOC.

Buti naman open siya, para may kasama ako papunta ron. Sinend ko sakanya 'yong location kung saang hospital nadala si sky. Hindi na ako nag-abalang magpalit.

Patay ako niyan sa magulang mo sky eh! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Ano ba kasing ginawa mo!

Pagkababa ko sa sasakyan, nagtanong  agad kung saang room si sky. Mas nauna pa si rea saakin. Kausap niya si doc.

"Doc! Ano pong magyayari sa pinsan ko niyan?" Sabat ko naman sa usapan nila, sorry doc. Nag-aalala talaga ako sa pinsan ko.

"Miss garcia, calm down. Stable naman ang pinsan mo. 1 week or 2 weeks magigising na siya. Buti na lang, hindi napuruhan masyado ang kanyang ulo."

"Thank you doc!" Nagpaalam na lang si doc, para umalis.

"Ano ba kasing nangyari sayo sky! Pinapabayaan mo na naman sarili mo!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Paparating na si ate." Sabi mi rea sa tabi ko.

Pagdating ni ma'am, kitang kita ko namang mugto ang mata niya. Mukhang may nangyari sakanilang dalawa. Hindi ata nagkaintindihan at nauwi sa ganito. Pinaliwanag naman ni rea lahat sakanya, at nakahinga siya ng maluwag.

"Ako muna ang magbabantay sakanya rito." prisinta ni ma'am.

"Ma'am may pasok ka po, ako na po ang magbabantay kay sky."

"Oo nga ate, pwede ka namang pumunta rito kapag tapos ng klase mo."

"Hindi, pumasok kayong dalawa. Ako ang bahala rito."

Wala na kaming magawa dahil siya na ang nagdesisyon, hindi ko alam kung paano sasabihin 'to. Kay kambal muna.

To: Dixie

Dix.... si sky.....

From: Dixie

Madaling araw na hoy! Bakit puro tuldok 'yan? Anong meron kay sky? Lumipad ba papuntang langit?

To: Dixie

Naaksidente siya dix, nandito ako ngayon sa ospital. Huwag mo munang paalam kay tita at tito.

Hindi ko na hinantay 'yong reply niya,
nagpaalam muna ako sakanilang dalawa para kunin 'yong gamit ko at gamit din ni sky.

Rainbow Where stories live. Discover now