22

19 3 0
                                    

"Ano bang nangyari!"

"Hindi ko nga alam dix! Basta ang alam ko naaksidente raw, pagkatapos nilang mag-usap ni bebe girl."

"Lintik na sky talaga 'yon eh."

Kahit mag-kausap lang kami sa phone, ramdam na ramdam ko na nag-aalala siya. Ito na lang ang iniisip ko, hindi pa nasasabi ni dix sa magulang ni sky. Ayaw naman ni sky na nag-aalala ang magulang niya. Gumising ka na kasi, andito naman na si bebe girl, umiiyak sa tabi mo. Sayang luha niyan.

"Ma'am, ako po muna mag-bantay, maglinis ka po muna ng katawan niyo." Tumango naman siya saakin. Tinignan niya muna si sky bago umalis.

"Sky si bebe girl mo umiiyak. Gising na kasi. Tama na ang isang linggo."

"Gising na nga eh."

"Tangina mo naman, ginulat mo ako." Nakita ko si lord ng mga 1 second don. "Kanina pa nag-sasalita si bebe girl sa gilid mo, ang sweet nga eh. Kilig ka naman niyan."

"Ano pa nga ba." Kagigising pa lang diba, ang yabang na.

"Bibili muna ako pag-kain mo, na sa banyo lang si bebe girl."

SKYLEIGH POV:

Paglabas ni den, tsaka naman lumabas si ma'am.

"Sky! Kanina ka pa ba gising? Kamusta ka? May masakit pa ba sayo?"

"Meron pa ma'am." Kita ko naman sa mukha niya na nag-alala siya. "Puso ko, dinurong mo kasi."

"Meron akong tape, dikitan natin." Na nanaginip ba ako lord? Baka naman panaginip lang 'to. Aasa talaga ako. "I'm so sorry skyleigh, sinisi ko sayo lahat. Kaya nangyari sayo ito eh. Kasalanan ko. I'm sorry."

"Shh, hindi mo kasalanan. Tabihan mo nga ako ma'am. Na miss kita eh. Huwag kang aalis ha." Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya na parang walang ng bukas. "Kiss mo nga ako ma'am kung mahal mo talaga ako."

"Ikaw! Kagigising mo lang, puro ka naman kalokohan. Sige na nga." Dami pang sasabihin eh.

HALA 'YONG PUSO KO, WAIT! AKALA KO NAMAN SA PISNGE LANG. OMG. ANONG NANGYAYARI.

"Parang kamatis mukha mo." Sino bang hindi mamumula.

"Ang sakit niyo naman sa mata! Ito pagkain mo sky." Inabot ni den kay ma'am 'yong pagkain na binili ni den sa baba.

"Subuan mo ako ma'am, masakit kamay ko." Ngayon lang talaga ako nag pacute ha.

"Kahit hindi mo naman sabihin, gagawin ko 'yon." WALA NA TIKLOP NA AKO NIYAN.

"Grabe ka naman po mag-alaga, baby niyo po ba ako?"

"Baby naman talaga kita." HOY. WAIT PUSO KO ULIT LUMILIPAD. "Kumain ka na nga, baka magutom baby ko."

"Skyleigh, nakausap ko na ang doctor. Sa linggo ka makakalabas."

"Tagal naman non den."

"Dalawang tulog na lang, magtiis ka. Binabantayan ka naman ni bebe girl diba."

Saan na kaya si ma'am? Wala pa rito eh. Miss ko na siya.

"Kung hinahanap mo si bebe girl, umuwi muna. May aasikasuhin daw eh." Kawawa naman ang bebe ko. "Hindi ko nasabi kila tita na naaksidente ka, kay dix muna. Miss ka na raw ni seven."

Buti naman hindi niya naisipang sabihin kila mama, baka kung anong mangyari ron sa kakaisip.

"Miss ko na rin si seven kahit makulit 'yon." Naalala ko na naman na nagtago siya sa ilalim ng kama, para makakain ng chocolates. Ang kulit talaga, parang dalawang bata inalagaan namin eh.

"Malapit na rin pala birthday ni seven, kaso monday may pasok."

"Hindi na lang ako papasok." Sabi ko sakanya.

"Ako rin! Miss ko na luto ni dix." Parang parehas nga lang kayo mag-luto. "Ang laki na ni seven, naiiyak ako." May pa punas punas pa ng mata kahit wala namang luha.

"Sino si seven?" ANG BEBE KO!

"Ay ayan na si bebe girl." Bulong naman ni den sa tabi ko, kinurot ko agad siya.

"Pamangkin ko, anak ni dix." Halata namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Ngayon ko lang nalaman." Dapat kasi ma'am tinanong mo, handa naman akong sumagot. "Kumain ka na ba?" Hala si ma'am pa fall! Saluhin mo ako please.

"Letcheng buhay 'to! Makaalis na nga." Bitter alert. Tinawanan lang namin siya ni ma'am.

"August pa kiss." Sabi ko sakanya tsaka ngumuso ako.

"Abuso ka na ha." Wehh pero ginawa pa rin. Asan muna raw label.

"Hindi ako papasok sa monday." Sabi ko sakanya. "Kailangan kong pumunta sa birthday ni seven."

"Sama ako sayo." May pa hug pa si ma'am, ang clingy ha.

"Paano estudyante mo?"

"Estudyante naman kita ha, pero baby ko." Nakakailan na talaga si ma'am.

"Kaso ma'am kailangan mong pumasok."

"Naka leave ako 2 weeks, gusto kitang algaan eh." Paano naman ako? "Ako adviser mo diba? Inuutusan kitang samahan ako sa leave ko."

Sino bang tatanggi diba?

Rainbow Where stories live. Discover now