14

21 1 0
                                    

"Kamusta 'yong niluto mo? Okay ba?" Wala akong gana ngayon. "Eh 'yong ice cream?"

"Pwede ba dix, manahimik ka muna. Naririndi na kasi ako." Sino bang sasaya sa nakita ko diba, hindi pa talaga ako pinansin.

"Ano bang nangyari? Tunaw na lahat lahat 'yang ice cream mo, hindi ko pa rin nalalaman." Nag oo naman 'tong dalawa sa tabi niya, si den at rea.

Alam naman niya 'yong plano ko, hindi pa ako pinansin. Tuwang tuwa naman kay ma'am val, sa harap ko pa talaga ah. Pagkatapos kong kimkimin lahat ng 'to, sinabi ko rin sakanila.

"Dapat diyan inuupakan eh." Sabi ni rea, wow parang hindi kaibigan ng ate ha.

"UPAKAN NA 'YAN!" Sabay pa talaga silang dalawa kaya malakas eh, napatingin tuloy 'yong mga tao sa cafeteria. Pati na rin sila ma'am august.

Titingin tingin pa 'yan si ma'am august, tarayan ko nga.

"Anong balak mo?" Ano pa nga ba, edi ibigay na lang sakanila 'yong ice cream.

"Sainyo na 'yan." Bibigay na nga aangal pa. "Bahala kayo, lalagay ko na lang 'to sa freezer pag-uwi."

-

"Pangit mo naman." Grabe naman 'to, 'wag ko kayang pasakayin 'to. "Joke lang! Mamaya iwan mo ako rito, hindi ako makauwi. Nakabusangot ka kasi!" Sino bang hini bubusangot kapag nasayang 'yong effort diba. Nagmukha pa akong tanga ron.

Umalis na kami sa univ, hindi pa raw uuwi si dix. Ito namang si rea ang lakas ng tama, sa bahay raw matutulog. Lakas din eh, hindi ba 'to papagalitan ng ate niya?

"Lalim naman ng iniisip mo, mahal ka non." Anong mahal, masaya na sa iba. Niloloko mo naman ata ako eh. Pinakyuhan ko nga. "Hoy! Ang sama." Pati ate mo.

"Laki ng bahay niyo, rito na kaya ako tumira." Ngi, pwede naman kaso 'yong ate niya. HINDI MALAKI BAHAY NAMIN NO!

"Kung gusto mo, go! Hindi ka naman ata papayagan ng ate mo! Bantay sarado ka ron." Tama tama.

"Oo nga eh." Iiyak na 'yan.

"Pasok na." Sabi ko sakanila, ako umakyat agad sa kwarto. Gusto ko na matulog, para mahimasmasan naman 'yong ulo ko.

From: Sungit

Ms. Garcia.

Bahala ka, magchat ka lang diyan. Hindi kita rereplayan, dun ka na sa val mo. Tutal masaya ka naman don.

From: Sungit

Goodnight.

Hala nag goodnight! Deserve naman niya ng second chance diba? Mapagbigay kasi akong tao.

To: Sungit

Goodnight din po:)

Pasok na ako sa heaven niyan! Ang bait ko, binigyan ko si ma'am ng second chance. 'Yong mga ganyan kasi, dapat mapagbigay ka. Huwag kang maramot.

"Skyleigh kakain ka ba?!" Wow nahawa na si rea sa sigaw ha. Naligo muna ako bago bumaba. Ang baho ko na!

"Mukhang masaya ka naman ngayon ah, ano nag chat?" Sabi ni den, tumango ako na lang ako sakanya at umupo. Ang dami nilang chila, hindi maubusan. Naalala ko naman 'yong ice cream, kawawa naman. Napunta ulit sila sa freezer. Ma'am august kasi eh! Hindi naman kakainin 'yon, ayaw nila den at dix ang flavor na 'yon. Kawawa naman sila, hindi nila tinitikman 'yong lasa non. Ang sarap kaya.

"Bakit mo pala naisipang matulog dito rea?" Tanong ko sakanya.

"Ang boring kaya sa bahay! Hindi ko kaya maka bonding si ate. Mas malamig pa sa yelo eh, pero minsan madaldal naman. Minsan nga lang." Madaldal pala ha. Okay hindi na ako galit sa madaldal.

"Pinayagan ka naman ng ate mo?" Tanong naman ni den sakanya.

"Hello! Siyempre naman! Ngayon lang ako nagpaalam, wala na siyang magagawa hehehehe." Patay ka sa ate mo bukas!

"Hindi ka ba papagalitan niyan?" Ano to? Q and A?

"Hindi! Sasabunutan lang." Tawa tawa ka pa ha, madadamay ako sayo eh.

"Ang tigas naman pala ng ulo mo." Tumpak ka riyan, den.

"Hoy hindi naman! Grabe ka saakin, baka 'yong kapatid mo. Wala pa hanggang ngayon eh." Oo nga eh, saang lupalop na naman kaya 'yon pupunta?

To: Dixie

Hindi ka ba uuwi? Asaan ka na naman ba? Gusto mo bang sumbong kita kay tita dan.

From: Dixie

hnd mna k makkauwi

To: Dixie

Lasing ka ba or ginagaya mo lang typings ng nanay mo?

From: Dixie

Hi! Bagsak na si dix, napagod ata.

To: Dixie

Saan naman napagod?

Hoy!

Sumagot ka!

Sino ka ba?

Bakit hawak mo cellphone ng pinsan ko?

Yari ka talaga saakin bukas dix.

Rainbow Where stories live. Discover now