Elevator

177 5 0
                                    

Kung ika'y pagmamasdan,
Isa kang sinaunang hagdanan,
Ginamit noong kapanahunan,
Maging noong aking kabataan.

Nguni't hindi ka pala makaluma.
Nasa moderno na ang ating bansa.
Bawat galaw at kilos natin ay high tech na.
Kulang na lang pati tayo ay maging robot na.

Ginawa ka para trabaho'y maging mabilis.
Iwasan ang anumang hindi kanais nais,
Makarating sa trabaho ng walang kagalis galis,
Upang hindi malate o sermonan ng boss na naiinis.

Alam kong takot ako sa mataas,
Pero wala akong choice kung hindi gamitin ka paitaas.
Upang simpleng transakyon ko ay mabilis na tumaas,
Basta't huwag lang mabulilyaso ang promosyon ko sa nakakataas.

Salama at naging magaan ang buhay ng tao.
Salamat na rin sa taong nakaimbento nito.
Salamat din sa mga taong gumawa at gumugol dito.
Sana pasalamatan ka rin ng ibang tao.

Tula-La #Wattys2016Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin