Magsasaka

799 9 2
                                    

Ang magtanim ay hindi biro.
Lalo na kung maghapon kang nakayuko.
Sa init na buong araw mong sinusuyo,
Matapos lamang ang pagtatanim mo.

Magsasaka ang pamilyang kinagisnan ko.
Mula sa lolo, tiyuhin, at tatay ko,
Hanggang sa aming mga apo,
Pinahalagahan bawat pawis ninyo.

Maliit man o malawak ang bukirin,
Mataas man o mababa ang dapat akyatin,
Sumibol, umusbong, maging isang palay ang nais na mithiin.
Nang ang buong mundo ay may bigas na kakainin.

Kung binabalewala ng iba ang paghihirap niyo,
Kung hindi binibigyang halaga bawat butil ng pawis niyo,
Huwag kayong mag-alala mga magsasaka ko,
Isa ako sa mga taong nagsasabing 'ipinagmamalaki ko kayo'.

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon