Dagat

513 14 5
                                    

Habang ika'y pinagmamasdan
Sumasagi sa aking isipan
Ang panahon ng aking kabataan.

Sa tuwing sasapit ang araw ng tag-araw
Masaya akong nagtatampisaw
Kasama ng buong pamilya sa kahit nagsisimula pa lang sumikat ang araw.

Kahit hindi ako marunong lumangoy
Sa malalim na parte ng dagat ako'y nananaghoy
Iniwasan baka ako'y maitaboy.

Matagal na panahon na rin ng muli tayong magkita
Nararamdaman ko na naman ang tuwa at saya
Dahil bawat saboy ng tubig mo ako'y nagagalak na.

Sana malapit ka lang sa akin
Upang araw-araw tayo ay pagtagpuin
Nang ang lungkot at pagkasabik ay malilimutan rin.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now