SPECIAL CHAPTER

1.2K 93 12
                                    

Waks Point Of View

“Thanks for cooperating,” pagpapasalamat ni Dad nang makarating siya sa parking lot galing sa condo ni Rui.

“You told him that I betrayed him. Magagalit si Rui sa akin.” Iwinagayway ko pa ang selpon sa ere. Lahat ng pinag-usapan nila ay narinig ko.

“Nakahanda na ba ang lahat sa Lunes?”

Tumango ako. “Oo.”

“That’s good.” Napahinto siya saka napatingin sa akin. “I’m sorry.”

Is he sorry for putting Rein as the new boss?

Ngumiti ako nang matipid. “You don’t have to be sorry. Rui’s happiness will be also our happiness.”

Of course. Rui comes first. Dahil kay Rui ay nakilala ko si Rein.

“Rein will be the next boss, how do you feel about it?”

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya.“What do you mean?”

Seryoso siyang tumingin sa akin. “Are you not scared that I want him to marry a woman?”

Iyon ang punto niya?

“To be honest, I’ve been thinking about that. That’s your choice. I don’t need to oppose it,” sagot ko.

Kung iyon ang makakabuti para sa organization at kay Rein, hindi ko kailangang tumutol.

“You still can’t treasure yourself.”

“I don’t get what you mean.” Lahat na lang ng sinasabi niya ay hindi ko maintindihan, siguro dahil napuno na ng problema ang utak ko.

“Kailan ang kasal?”

Napangwii ako. “Hindi pa tayo nagpaplano sa kasal nila.”

Matipid siyang napatawa. “Kasal n’yo ni Rein.”

Napatayo ako nang matuwid saka napaiwas. “Wala pa ’yan sa plano ko.”

“Wala pa o wala talaga?” I flinched on what he said. I heard him sighed. “You’ve been rejecting his proposal.”

Tinignan ko siya. “I can’t accept it.”

Wala akong karapatang tanggapin ito.

“Hindi mo ba nakikitang kasama mo si Rein sa hinaharap mo?” nagtatakang tanong niya. “Isipin mong hindi mo siya kasama sa pagtanda, makakayanan mo ba?”

Napahinto ako nang wala sa oras. Nakita ko na lang ang pagtalikod niya saka pagsakay sa kotse at humarurot na papaalis.

Nakalutang sa ere ang utak ko. Hindi ko magawang mag-isip nang tama. Ang hinaharap ko na wala si Rein?

Hindi ko alam kung kaya ko ba o ano. Naguguluhan ako.

“Honey, welcome back,” masayang bati ni Rein saka hinalikan ang pisngi ko. He suddenly cupped my face. “What happened? Hindi n’yo ba nagawa ni Dad ang plano?”

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Kaya ko ba?

“Honey?” nag-aalalang tawag niya sa akin.

“Rein.”

Mawawala si Rein sa buhay ko?

“Yes, honey?” nagtatakang sagot niya.

“Rein.”

“Yes?”

“Rein.”

Bubuo siya ng pamilya sa iba.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong tumulo dahilan para mataranta si Rein. Ramdam kong tinutusok ng kutsilyo ang puso ko.

“Wait. Why are you crying? Napagalitan ka ba?” tanong niya sabay punas sa mga luha ko.

I glanced at him. “I’m sorry.”

“For what—makikipaghiwalay ka ba sa ’kin?” biglang tanong niya na nagpakunot sa noo ko. “Ano? Pinapalayo ka ba ni Dad?”

He’s aware of it. Alam niya kung ano ang mangyayari kapag nakaupo na siya sa pwesto.

“Magtanan na lang tayo. Wala akong pakialam sa mana, ang mahalaga’y tayo pa rin ang tinadhana.” Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. He’s too good for me. “Saka, may kakayahan na akong buhayin ka kahit saan pa man tayo magpunta.”

Napangiwi ako. Kaya ko ring buhayin ang sarili ko.

“It stopped?” tanong niya saka inayos ang mukha ko. “Ayos ka na ba? Hey? Tara sa kwarto, iligpit na natin ang kakailanganin natin.”

Ano? Hinila niya ako papunta sa kwarto namin at pinaupo ako sa kama habang siya ay nagliligpit na ng mga damit.

“Seryoso?” bulalas ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

Sinulyapan niya ako saka tumango. “Turned off your phone. Mahirap na baka ma-track pa tayo ni Dad. Bibili na lang tayo ng bago.”

Patuloy pa rin siya sa pagliligpit ng mga damit. Rein’s really something. Minsan, naiisip ko na lang na hindi ko deserve ang isang katulad niya.

I’ve been rejecting his proposals. But, hindi pa rin siya sumuko. These past few weeks, hindi na siya nag-t-topic about sa kasal. He really respects me o sumuko na siya?

“Magpapakasal na ako.”

Mabilis siyang napalingon. “A-Ano?”

“Magpapakasal na ako,” pag-uulit ko.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Puno ng pagtataka ang mukha ni Rein. Ito ang kauna-unahan na ako ang bumukas sa topic tungkol sa kasalanan.

“Waks—”

Nasaan ang honey? He’s serious.

“Seryoso ako, Rein.”

“Kanino? Si Dad na naman ba ang dahilan?” tanong niya habang ang inis sa tono ay hindi nawawala.

Siya ang dahilan kung bakit ko gustong magpakasal ngayon.

“Oo.”

Inis niyang ibinagsak ang hawak na damit. “That fucking old geezer! Kailangan nating makalayo.” Matapos ang inis niyang nararamdaman ay mas binilisan pa niya ang pagliligpit.

“Ayoko.”

Inis siyang tumingin sa akin. “Ano?”

“Magpapakasal ako.”

“Are you crazy?” Kahit siya’y naiinis ay hindi niya ako magawang sigawan.

“No. I’m just into love.”

Malungkot siyang napangisi. “So, nahulog ka na talaga kay Kenneth?”

Kenneth?

“Bakit siya nasali sa usapan?”

“Napagod ka na ba?” Hindi ako makapagsalita sa tanong niya. Ilang minuto rin kaming nagtitigan ngunit hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

“Saan?”

“Sa relasyon nating dalawa,” mahinang usal niya saka ngumiti nang matipid at lumapit sa akin saka nakayukong hinawakan ang mga kamay ko. “Sasaya ka ba kapag binitiwan kita?” Ang lungkot na bumabalot sa boses niya ang nagpipiga sa puso ko.

Oo, para mayakap kita.

Paulit-ulit niyang pinisil ang mga kamay ko pero nananiti lang siyang tahimik.

Inangat niya ang mukha niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. May tubig na sa ilalim ng mga mata niya. “Fine. Dahil gusto mong bumitiw, bumitiw ka na pero huwag kang aasa na bibitiwan kita.”

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko kasabay ng pagtulo ng luha niya. “Alam kong hindi kita napasaya pero—”

“Magpapakasal ako,” putol ko sa sasabihin niya saka hinablot ang mga kamay ko kaya wala siyang nagawa kundi ang bitiwan ito ng tuluyan. Napayuko siya kaya mabilis kong inangat ang baba niya saka dinampian ito ng halik saka ngumiti.

“Magpapakasal ako sa iyo.”

Timeless [MPREG]✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora