Timeless II: 16 Part 1

1.1K 80 10
                                    

Rui’s Point Of View

“Dad, huminahon ka nga,” inis na saway ni Yuki sa akin habang nagsusuklay pa siya.

Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad ng pabalik-balik sa pwesto. Damn! I can’t wait to see him.

“Bilisan mo na, Yuki. Male-late na tayo,” saad ko ngunit ngumiwi lang siya.

“Dad, ang aga nga nating naligo e saka alas sais pa kaya,” nakangusong saad niya saka sinuklayan ang buhok. “Ang ginaw kaya pero pinilit ko na lang.”

Alam kong maaga pa pero mas mabuti na ’yong maagang makarating kaysa naman sa mahuli.

“Kahit na, 8AM magsisimula ang program.” Umupo ako sa kama. “May pag-asa pa ako. Nasa puso niya pa rin ako,” nakangiting kwento ko sa anak ko kahit na alam kong hindi rin niya ito maiintindihan.

“Dad, hindi ka talaga mawawala sa puso ni Teacher Kit,” nakangiwing saad niya saka inilapag ang suklay.

“Alam ko naman ’yon. May posibilidad na mahal niya pa ako.”

“At may posibilidad din na hindi niya malilimutan ang sugat na iniwan mo sa puso niya.”

Shit.

Ako na naman ’yong napangiwi. “You’re so bitter, Yuki. Ang bata mo pa para maintindihan lahat.”

Napangiti na naman ako. Ayos lang. Alam kong may pag-asa pa rin ako kahit konti.

“At ang tanda n’yo na po para kiligin. Baka masabihan ka pong baliw, ngiti nang ngiti e.”

I pouted and then smirked. “Walang edad ang kinikilig.”

At last, sa tagal kong paghihintay kay Yuki ay nakarating na rin kami sa paaralan niya. As usual, sobrang dami ng tao. Malamang, Family Day ngayon.

Mahigpit kong hinawakan si Yuki habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom niya.

Pagkarating namin ay hindi pa gaanong maraming tao. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kit.

“Kit—”

Mr. Teru, please take your sit,” mariing saad niya saka ngumiti nang pilit habang nakaturo sa upuan.

Hindi ko pa nga siya binabati ng good morning pinutol agad ako. Napangiwi ako nang marinig kong tumawa si Yuki sa tabi ko pero hindi ko na lang siya pinansin at nakatingin lang kay Kit na busy sa pag-aayos at pakikipag-usap sa mga magulang na dumarating.

Tss. Hindi nga niya ako kinausap at pinaupo agad. Napatampal na lang ako sa noo.

“Dad, pwede ka bang pumunta sa school na ’to?” Inabot ni Yuki ang isang papel kaya agad ko itong kinuha at binasa.

“Bakit naman ako pupunta sa school na ’to? Family Day ngayon ’tapos iiwan kita rito? Hindi pa nga nagsisimula,” nagtatakang tanong ko kay Yuki.

“Ako na po ang bahala kay Teacher Kit, ang mahalaga ngayon ay may magulang si Kiru sa Family Day nila,” nakangiting saad niya.

“Yuki—”

He cupped my face. “Dad, lagi mo na lang po akong inuuna. You already did your best to be my father—”

“I am your father, Yuki.”

“Of course po, I’m very thankful.” He smiled brightly. “I hope you also do your best as Kiru’s father.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang bata pa bi Yuki pero tinutulungan na niya ako sa mga problema ko at naiintindihan niya ito.

“Papunta po si Uncle Waks at Uncle Rein.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now