CHAPTER 39

9.3K 212 15
                                    


"Anong oras kayo magkikita ni mom?" tanong ni Sygred, hinalik halikan ko si Izak sa mukha bago nilingon si Sygred. Ppinatay na nito ang TV at muling tumingin saakin.

"3pm." sabi ko.

"Okay, ihahatid na kita." sabi nito, nasabi ko na sakanya kanina na sinabi sakin ng mom niya na gusto nitong makapag kita at makapag usap kaming dalawa.

Agad akong umiling. "Hindi na, kaya ko naman." sabi ko.

"Mainit at saka hindi ako papayag na mag commute ka mas lalo ka lang mahihirapan." aniya. Hindi na ako naka-alma nang mag 3pm ay hinila na ako nito palabas ng condo.

"Kinakabahan ka?" tanong nito.

Nanlalamig ang kamay ko at ang lakas ng pintig ng puso ko.

"M-medyo." sagot ko.

Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa hita ko.

"Wag kang kabahan, okay? osya, nandito na tayo." aniya at ipinark na ang kotse sa harapan ng starbucks.

Iniwan namin ulit si Izak sa Condo ni Raquel dahil walang magbabantay dito, sila daw muna ni William ang nagbabantay rito. Pag nandito si Izak sa bahay nila Sygred ay si Seron ang palaging nagbabantay dito. Natatakot pa akong mag tiwala na pabantayan ang aking anak, Natrauma ata ako sa ginawa ni Raquel.

Napangiti ako ngan lumapit ito saakin at halikan ang noo ko. Ngumiti ako sakanya bago binuksan ang pinto at lumabas.

Madaming tao sa Starbucks, mga mag jowang nag de-date. Mga mag kakaibigan at ang iba ay magpapamilya. Bago ka pumasok sa starbucks ay may nakikita pa akong mga dalagita na panay ang pose pose at selfie selfie. Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok ng Starbucks.

May babaeng lumapit saakin. "Are you Ma'am Idalia Crosti?" nakangiting tanong nito. Tumango ako.

"Yes."

"This way Ma'am." anito at iminuwestra sakanya ang isang daanan, agad naman siyang nag tungo doon. Wala masyadong tao doon. kita dito ang view ng city kasi may kataasan talaga ang lugar na ito.

Nakita ko sa dulo ang nakatingin na saaking si Mrs. Montanier.

Nang makalapit ako sakanya ay agad ko siyang binati. "Maganda umaga po!" bati ko.

"Good day, you can sit." anito at itinuro ang upuan na nasa harapan niya. Pang dalawang upuan lang ito.

Agad naman akong umupo, may nakahain nang mga pagkain dito.

"I don't know how to start this, but i just want to say sorry for what i did, kung ano man ang mga binitiwan kong salita sayo. Labis kong pinagsisihan iyon. Hindi pa kita kilala pero hinusgahan na kita." hinawakan nito ang kamay ko. "I'm really sorry iha." pag hingi nito ng tawad, kita ko ang senseridad sa mga mata nito.

Ngumiti ako dito bago nagsalita. "Naiintindihan ko po, alam kong piniprotektahan niyo lang ang inyong anak. Nasaktan po ako sa inyong sinabi, pero hindi ibig sabihin non hindi na ako marunong mag patawad. Lahat po tayo nagkakamali. patatawarin na po kita basta ay sa susunod, maging maingat tayo sa mga sasabihin natin at isipin ang maaaring maramdaman ng iba." mahabang lintanya ko. Unti unti itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat iha, napakabuti ng iyong puso. Pangako hindi ko na uulitin ang nagawa mo. Masyado akong nagpalamon sa emosyon ko at sa nararamdaman ko. Pati ang mama mo ay dinamay ko pa. " sabi nito, ngumiti ako pero nangunot din ang noo sakanyang huling sinabi.

"Kilala niyo po si mama?" tanong ko.

Tumango ito.

"Yes, she's my classmate in United States. Ex-boyfriend ko ang iyong Ama. Mahal ko ang papa mo. Pero mas mahal niya ang mama mo. hanggang sa malaman ko na lang na nag tanan sila, nagalit ako kasi tanging sa telepono lang ito nakipag usap sakin, sinabing ayaw na niya. Sinusubukan kong kontakin siya. Hindi na makontak ng number niya hanggang sa naglaho na siya ng parang bula” mahabang lintanya nito, nakatingin ako dito at matamang nakikinig.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon