CHAPTER 17

9.7K 192 5
                                    


Andaming tao ngayon sa Cafeteria, Nakaramdam ako ng hilo kaya agad akong kumapit sa braso ni Bruce. Nag aalala naman itong tumingin sakin.

"Ida, Ayos ka lang?" Tanong niya, Tumango ako.

Hindi pare-parehas ang mga schedules namin kaya kami ni Bruce at Wonwon ngayon ang magkakasama.

Tumango ako sa tanong ni Bruce.

"Hello, Won! Gusto mo ng Tea? I will buy you one." Nakangiting sabi ng babaeng lumapit, Naka braid ng magkabilaan ang itim na itim nitong buhok, Ngumiti ito kaya lumitaw ang kanyang asul na braces at magkabilang malalalim na dimple. may malaki din itong salamin. She's pretty.

Napatingin ako kay Wonwon nang magsalita ito.

"No thanks." Ani Wonwon. Hindi nito sinulyapan man lang ang babae, Rinig ko ang tawanan ng mga nakasaksi at kita ko din ang dahan dahang pagkawala ng mga ngiti sa labi ng babae. Why so rude wonwon? hindi ko na ba kilala talaga ang kababata ko? Sa pagkakaalam ko hindi siya ganyan, Mabait siyang tao.

"Pasensya na, Miss." Hinging patawad ni Bruce sa babae, Napawi ang ngiti nito at tumango tango kay Bruce bago tumalikod. Hindi na ito muling sumulyap kay Wonwon, Kita ko pa ang mga mapanghusgang tingin ng mga nandito sakanya habang naglalakad siya papunta sa isang lamesa at nakita ko doon ang isang bag, So doon siya nakaupo at mag isa lang siya? Nakaramdam ako ng awa para sakanya. Sa tingin ko may gusto siya kay Wonwon.

Iginiya ako paupo ni Bruce sa napiling upuan ni Wonwon, Napasulyap ako sa babae kanina na nakasukbit na ang maroon niyang bag sa balikat niya at naglalakad na papalabas ng Cafeteria, Nakita ko pa ang pag punas niya ng panyo sa mukha niya, I'm sure, umiiyak siya.

Tiningnan ko si Wonwon na busy na nakatingin sa phone niya.

"Why did you do that to her?" Kunot noong tanong ko.

Nag angat ito ng tingin sakin at kumunot ang noo. "Who?" Naguguluhang tanong nito.

Nag mamaang-maangan na tanong niya.

Nangunot lalo ang noo ko. "Seriously?"

Nag isip muna ito saglit bago siguro nalaman kung sino ang tinutukoy ko. "A-ah, That nerd named Saffora?" Aniya, Oh kilala pala niya. Ang ganda ng name just like her.

Tumango ako. "Bakit?" Tanong ko.

"Nako, ewan ko nga ba jan kay Wonwon at ayaw na ayaw kay Saffora. e, ang ganda gan—" pinutol ni Wonwon ang sinasabi ni Bruce.

"Seriously? maganda? ni-salitang cute nga di pasado yung Saffora na 'yon maganda pa kaya?" salubong na kilay na sabi nito.

Nag salubong din ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko na ba talaga kilala si Wonwon? hindi siya ganito.

"Tang—Bulag ka ba? Ang ganda ganda ni Saff! Tol!" Ani Bruce at kinalampag pa ang lamesa, Nakakaagaw na ng atensyon ang dalawa, Hinawakan ko sa braso si Bruce para kumalma siya, Naupo naman siya.

Agree ako kay Bruce, Maganda si Saffora kahit na may salamin at braces siya ay kitang kita ang angking ganda niya, Ewan ko nga din kay Wonwon. "Hindi tama na maging rude ka towards her, kahit na ayaw mo sakanya." Sabi ko kay Wonwon. Sinamaan nito ng tingin si Bruce bago tumingin sakin. Tumango ito sakin.

Tumayo na si Bruce para umorder, Naiwan kaming dalawa ni Wonwon.

"Saan mo ba siya nakilala?" Tanong ko sakanya, Nag angat siya ng tingin sakin mula sa pagpapakatingin sa phone niya. "Saffora." Dagdag ko para di na siya magtanong kung sino ang tinutukoy ko.

Bumuntong hininga ito bago nag salita. "Nakita ko siya 2 years ago, Palagi siyang sumusunod sakin." Aniya. "Ganyan pa din ang itsura niya. Ugly, Nerd." Anito at umirap pa.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon