CHAPTER 20

10.1K 239 38
                                    


Dalawang linggo na ang nakakalipas, simula nang mailibing si Seven. Masakit pa din na mawalan ng isang kaibigan lalo na't isa siya sa malapit kong kaibigan.

1 month na akong buntis at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nasasabi sa mga kaibigan ko dito sa probinsya, pati kay Raquel hindi ko pa nasasabi. Naging busy din kasi siya. Tumulong siya sa pamilya ni Seven noong burol at libing nito at ngayon ay kagaya ko. Busy na din sa eskwela. Nakakapagod pero nag lalaan naman ako ng pahinga para sa sarili ko lalo na't alam kong buntis ako, at bawal ang mag pagod nang mag pagod.

Sabado ngayon at kasalukuyan akong nanonood ng Tv. Hindi pa din halata ang baby bump ko. Sabi nila ay pag bago palang daw ay talagang maliit ang baby bump. Kumakain ako ng binili kong cookies nang may kumatok sa pinto.

Napatingin ako dito, Sino naman yon?

Inilapag ko ang mangkok na hawak ko na naglalaman ng cookies at tumayo. Nag lakad ako papunta sa pinto.

Agad kong binuksan ang pinto at nagulat pa ako nang bumungad sakin si Quira at Frenise.

"Sabay sabay tayong gumawa dito ng project," Nakangiting sabi ni Quira.

Nangunot ang noo ko. "Akala ko ba sa bahay kayo ni Wendy gagawa?" Tanong ko, Agad umiling si Frenise.

"Ayaw namin don, ang arte arte non! dati pumunta kami sa bahay niya. kunting galaw mo lang nagagalit na!" Anito at umirap pa. Napatawa ako.

Si Wendy talaga ang makakasama nila sabi ng professor namin. Ako naman ay sinabi kong ako na lang mag isa dahil kaya ko naman.

"Sige na nga, sabay sabay na tayo!" Nakangiting sabi ko at ni-lakihan ang bukas ng pinto. Nakangiti naman silang pumasok.

"Jaan muna kayo sa sofa, pwede naman kayong manood kung gusto niyo. Kukunin ko lang mga kailangan," sabi ko. Naupo naman sila sa sofa.

"Mabuti at marunong kang manirahang mag isa, Idalia." Ani Quira.

"Nasanay na lang ako simula nang mamayapa ang mga magulang ko, at saka nasanay na din sa manila." sabi ko, Tumango tango sila. Binuksan na ni Frenise ang T.v.

"Can I get some cookies?" Tanong ni Frenise at tinuro ang cookies. Hawak hawak niya ang remote. Tumango ako.

"Oo ba, Bibili pa naman ako mamaya." Sabi ko.

Nakangiting kumuha si Frenise ng cookies at kumagat dito.

"Ansarap! Sama kami mamaya sayo?" Aniya, Ngumiti ako at tumango. "Sige."

"Sandali lang, ha?" Paalam ko at nag simula nang umakyat ng hagdan.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Maliit lang naman ang bahay namin. Two storey house.

Kwarto ko na ito, dati ay kwarto namin nila Mama. Tatlo kami ang natutulog dito dati at ngayon na wala na sila. Ako na lang mag-isa.

Agad kong kinuha ang envelope kung saan nakalagay ang lahat ng kailangan ko para sa project, napahinto ako nang makita ang tatlong mga libro. Malungkot akong ngumiti. Ito ang mga libro na nilibre sakin ni Seven.

Nag tungo ako sa damitan ko at inilagay ito sa ilalim ng mga damit ko. Napangiti pa ako bago sinara ang damitan. Muli kong kinuha ang envelope at lumabas na ng silid.

Nadatnan ko ang dalawa na tumatawa habang nanonood ng TV, kita kong ubos na ang cookies sa mangkok.

"Ano, start na tayo?" tanong ko.

"Oo sige, matatapos naman na tong pinapanood namin.” ani Quira.

Nakitawa na din ako sa pinapanood nila. Nang matapos ang palabas ay agad na kaming gumawa habang nag kekwentuhan, nasa kalagitnaan na kami ng pag gawa nang biglang mag tanong si Frenise.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon