CHAPTER 6

10.3K 230 21
                                    


“P-prof?” Gulat na naibulalas ko.

Hindi ako makapaniwala na nandito siya at saka sino ba naman ang maniniwala? Mukha palang ni Prof mukhang hindi na mapapasakay dito sa bus na siksikan.

Masungit itong nakatingin sakin.

Grabe na talaga 'to, yung taong gusto kong iwasan ay nandito ngayon sa tabi ko. Pilit pa rin kaming pinaglalapit kahit na sinabi ko nang iiwasan ko na siya, pero bakit nga ba naman siya nandito? I thought he have a car? Sinakay niya pa nga si Ivenika doon!

“What?” Salubong ang kilay na tanong niya. “Nasira ang sasakyan ko.” Dagdag niya.

Marami pang pinapasok conductor kahit na punong puno na ang loob ng bus. Halos puro lalaki ang nakatayo pero may iilan rin namang mga babae.

May lalaki sa gilid ko na umusog pa nang umusog dahil may matabang lalaki na sumakay at sa harapan pa nito pumwesto. Natutulak na ako ng puwit niya. Bakit ba kasi walang dumadaang masasakyan sa SPU? puro bus tapos palagi pang siksikan at punuan mabuti na lang at nakaupo na ako kanina.

“Miss, usog ka.” Sabi ng lalaki kaya wala akong nagawa kundi umusog napadikit ako kay Prof kaya ramdam ko ang pagkakadikit ng balat namin. Naramdaman ko ang kuryente na dumaloy mura roon kaya bigla akong napalayo pero hindi naman ako makalayo kasi masikip na. Pumwesto ang lalaki sa harapan ko kaya mas lalo akong nagitgit kay Prof.

Napapikit pa ako nang magmura ito “Damn!” ramdam ko ang tumamang mainit na hininga niya sa tenga ko.

Hindi ko alam kung bakit siya nagmura pero siguro dahil masikip? Nag sisisi siguro siya kung bakit pa siya sumakay ng bus.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bus at may nakaagaw ang atensyon ko. May ginang na nasa harapan namin. Nakangiti ito habang nakatingin samin. Nakatayo ito pero may iilan sa mga lalaking nakatayo na naka alalay sakany para pag gumalaw ang bus ay hindi siya matumba. Nangingibabaw parin talaga ang humanity ngayon.

“You look good together,” Nagulat ako nang sabihin iyon ng ginang.

Anong sabi niya?

Mas lalo akong nagulat nang magsalita si Prof sa tabi ko.

“I'm her professor.”

Yes, he's right. He's my professor.

Mapait akong napangiti.

Akala ko ay magugulat ang ginang pero ngumiti pa rin ito.

“Oh, really? Wala naman sigurong masama? As long wala kayong inaapakang tao.” Nakangiting sabi nito.

Ano bang sinasabi ng ginang? Bakit parang feeling ko alam niya ang kung ano man ang nararamdaman ko?

Natameme tuloy ako sa sinabi niya.

Nang biglang magsalita si Prof.

“Hindi ho kailanman nag cross sa isipan ko na magkagusto sa estudyante ko.” Malamig na sabi nito at sumakto pa na huminto ang bus kaya tumayo na siya. Nang makababa si Prof ay saka ako umusog sa upuan niya para makaupo ang ginang. Hindi ko maiwasang makaramdan ng kirot nang dahil sa sinabi niya.

Nagkatinginan kami ng ginang. Nag hihingi nang paumanhin akong tumingin na kinangiti niya lang at tumango. Ang bait ng bukas ng mukha niya. Naalala ko tuloy si papa.

Hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ni Prof. Hindi lang pala siya mukhang masungit, masungit pala talaga siya pero totoo naman hindi ba? Sino ba namang guro ang magkakagusto sa estudyante niya?

Itinuon ko ang tingin sa bintana at tinanaw na lang ang mga nadadaanan namin. Medyo malayo pa kasi ang bahay ko nang biglang magsalita ang ginang sa tabi ko.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now