CHAPTER 4

10.8K 252 4
                                    


“Really? Binigay sayo 'yan?” Tanong ni Seven at tinuro pa ang suot kong pants. Tumango ako at hinila siya paupo.

Oras na nang klase ni Professor Montanier ngayon pero wala pa siya. And, I really don't know kung ano pang ginagawa ni Seven dito. Hindi siguro talaga mahigpit ang SPU na pumapayag na pumasok ang taga ibang department samin, o sadyang pasaway lang talaga si Seven?

“Shh..wag kang maingay!” Bulong ko sakanya.

“Ayan nanaman siya kaya napapagalitan e,” rinig kong sabi ng isa sa kaklase ko at nag flip hair pa sakin. “If I were you Seven, wag kang sumasama jan! bakit hindi ka sakin sumama? Alam mo namang gusto talaga kita,” Sabi naman ng isa niyang kasama na hindi ko rin kilala.

Grabe sila magsalita. Sino ba ang nilalandi ko? Lihim akong napangisi nang maisip ang sinabi nang kaibigan niya. If only they knows.

Mahina akong napatawa nang makita ko ang ngumingiwing mukha ni Seven. Nagsalita siya nang walang boses. Nakakasuka!”

Namayani ang katahimikan nang makita namin si Professor Montanier na nasa pintuan. Nag si-balikan rin ang mga kaklase ko sa mga upuan nila. Umayos kami ng pagkakaupo ni Seven.

Tanging paghinga lang namin ang maririnig sa classroom habang naglalakad si Prof papunta sa gitnang lamesa. Lahat kami ay nakatuon lang ang tingin sa harapan. Iginala ni Prof ang tingin sa buong classroom at halos lagutan ako ng paghinga nang huminto ito sakin. Bumaba ang tingin niya sa pants na suot ko.

I know who gave this. It's you Prof.

Nasa kalagitnaan nang mag didiscuss si Prof nang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang babaeng kasama niya kahapon. He's Fiance.

Napasinghap ang mga kaklase ko. Lahat ay gulat naramdaman ko ang pagkalabit ni Seven sakin, pero hindi ko magawang tanggalin ang tingin kay Prof. Mula sa pagharap sa board ay agad siyang humarap nang maramdaman siguro ang pagbukas ng pinto.

Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Professor Montanier. Napasinghap pa kami nang dahan dahan itong ngumiti. Ito ang unang beses na makikita ko siyang nakangiti. Isang tunay na ngiti. Mas lalo siyang gumwapo.

Ang fiance niya lang pala ang dahilan para makita namin ang ngiti niya.

Hindi ko maiwasang pakiramdaman ang sarili ko. May kirot talaga akong nararamdaman sa dibdib ko. Hindi talaga ako makapaniwala na nararamdaman ko 'to. Sobrang bilis naman kung ganun. Is it really possible?

Napapikit ako at pagdilat ko nakita ko nang magkayakap si Prof at ang fiance niya.

“I know her! She's Ivenika Loriel. She's a famous model at sa pagkakaalam ko they are getting married..” Bulong ni Seven.

Ilang weeks na rin ang lumipas simula nang mangyari yon. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko everytime na nakikita at malapit sakin si Professor Montanier.

Nandito kami ngayon ni Seven sa cafeteria. Katatapos lang ng klase ko habang siya ay kanina pa nandito para hintayin ako.

Nagcecellphone si Seven nang kunin ko ang atensyon niya. Nag angat siya ng tingin sakin.

Gusto kong magtanong kasi hindi ko maiwasang maisip lately.

“Do you believe in love at first sight?”

Saglit pang napahinto si Seven na parang pinoproseso pa ang tinanong ko. “Yes, bakit ka nagtatanong niyan?” Tanong nito at mahina pang natawa.

“May I know why?”

“May mga tao talaga nakararanas niyan.” Sagot niya at saglit pa na napahinto. “Why? Naranasan mo na 'yan?” Dugtong niya.

Nag iwas ako ng tingin. “No!”

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now