CHAPTER 41

8.3K 177 1
                                    


"S-Seven?" utal na naiusal ko habang nanlalaki ang mata ko.

Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon, Buhay nga si Seven!

"Yes, I am." anito at ngumiti saakin.

Lalong nanlaki ang mata ko habang nakatingin sakanya.

Lalaking lalaki ang pananalita nito.

"A-anong nangyari sayo?" tanong ko, hindi naiwasang mautal.

"Get in, if you want know." anito, gulat pa din ako kaya nang buksan niya ang kaliwang pinto ay hindi pa din ako nakakagalaw.

"Huy, Dal! pasok na!" Tawag nito doon lang ako nakagalaw, tinawag niya akong Dal! ang palaging tinatawag sakin ni Seven noon.

Napangiti ako at pumasok na sa loob ng sasakyan, agad niya din namang isinara yon.

"Gusto kong i-klaro sayo ang lahat, Idalia. Wala akong lakas ng loob na lumapit sainyo ni Raquel. I'm so sorry." anito.

"Kaya ba nagpapadala ka ng sulat sakin?" tanong ko, tumango siya.

"Yes, alam kong hindi kayo maniniwala pag nalaman niyo na buhay ako. At saka pinagtataguan ko ang pamilya ko. Till now, hindi pa din nila alam na buhay ako." aniya.

Nangunot ang noo ko.

"W-why? Ano ba talagang nangyari? Bakit buhay ka? Ano ba talagang nangyari 1 year ago?" tanong ko.

"Noong gabi ng birthday ko, kasama ko si Anika." aniya.

Nangunot lalo ang noo ko.

Sino naman yung Anika na yon? Bagong kaibigan niya?

"Anika?" Kunot noong tanong ko.

Kinagat niya ang labi niya at mula sa pagkakatingin sa baba ay inangat niya ang tingin sakin.

"Naalala mo yung naikwento ko sayo 'non? yung babaeng lapit ng lapit sa'kin?" tanong nito. Naalala kong meron siya noong naikwento sakin.

"Yes," Sagot ko. "What about her?" Tanong ko.

"Tinulungan niya akong ipag-tapat sa pamilya ko lalo na kay Dad yung tunay na kasarian ko." aniya. "Hindi niya pa din ako tinanggap, masakit syempre, tatay ko yun e. Akala ko gaya ng sabi mo matatanggap niya ako pero hindi. Pinagtabuyan niya ako sa araw ng kaarawan ko. Ansakit sakit, wala ka noong panahon na yon tapos si Raquel wala din, si Anika yung tanging kasama ko. Kasama ko siya noong umalis kami. Kay Anika ako umiyak noong gabing yon, tapos...nalaman ko na lang na wala na 'kuno ako, may nag sabing wala na ako..”

“Galit na galit ako sa pamilya ko, ni-ate ko at nanay ko hindi ako sinundan, hindi ako pinagtanggol. Kaya kahit ibang tao yung iniiyakan nila na namatay sa Car accident ay hindi ko tinama..." aniya, tumulo ang luha ni Seven kaya tumulo na din ang luha ko, at niyakap siya gaya ng ginagawa ko dati. "...na buhay ako, dad I'm alive, mom I'm okay, sisters i miss you, wala hindi ko ginawa. hindi ko nga alam kung iniyakan ba nila yung taong akala nila ay ako. ayoko, ayokong mag tanong tungkol sa kanila."

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya.

Mahina siyang natawa at pinunasan ang luha niya gamit ang tissue na kinuha niya sa dashboard.

"Sorry, Idalia. Kahit kailan talaga ganito ako." aniya at mahina pa ulit na natawa. Umiling ako.

"No, it's okay! para naman tayong hindi magkaibigan niyan. syempre, anytime pwede ka mag share sakin. Andito lang ako palagi." sabi ko at ngumiti sakanya, ngumiti din siya.

"So, ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ko sakanya. "Ano nang plano?" Dagdag tanong ko pa.

Umiling siya.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora