CHAPTER 36

9.6K 189 13
                                    


Agad akong inorderan ni Sygred ng Frappe. Pero hindi ko ito ginalaw at tumitig lang dito hanggang sa tumikhim siya kaya napaangat ako ng tingin dito.

"Can i start now?" tanong nito, agad akong tumango.

Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan nito ang kamay ko na nakahawak sa frappe. Ito nanaman ang walang tigil na pag tibok ng dibdib ko.

"Idalia, I'm sorry... andami kong kasalanan sayo." anito, hindi ko naiwasang mapairap.

"Madami talaga." sagot ko.

"Oo, kaya nag hihingi na ako ng tawad." anito at binitiwan na ang kamay ko, pero wala pa din tigil ang pag tibok ng puso ko kahit na binitawan na niya ang kamay ko.

Huminga ito ng malalim bago nag simulang magsalita.

"Matagal na kitang kilala, kaya noong nalaman ko na sa paaralan na pinagtatrabahuan ko ikaw mag aaral ay sobrang saya ko." simula nito.

Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa inamin niya kahapon ay talagang nagulat ako. Hindi ko lang masyadong napakita yung reaction ko that time kasi saradong sarado ang pag iisip ko dahil sa galit na nararamdaman ko towards them.

"Gusto ni Mom na si Ivenika ang makatuluyan ko...sinubukan ko naman pero hindi ko kaya, because i like someone else, Idalia." anito. Muling nag tama ang paningin namin at samu't saring emosyon ang nakikita ko sakanyang mata. lungkot, pangungulila at p-pagmamahal?

"Ikaw ang gusto ko, Idalia." seryosong sabi nito habang nakatitig sakin.

Nanlaki ang mata ko pero agad din naman akong umayos at ngunot noo't naguguluhan na nag tanong.

“Why do you like me? we just saw each other once, at noong 14 years old palang ako non!” sabu pero nakangiti itong umiling.

"Palagi akong pumupunta sa may School mo noong senior high school. I also know your ex-boyfriend named Jacob, right? Nakausap ko na siya once." anito.

Nagulat ako sa kanyang inamin. "What?! paano mo naman nalaman ang eskwelahan ko? wala naman akong naalalang sinabi saiyo na kung saan ako nag aaral." sabi ko.

"Nakita kitang papasok sa School niyo that time, i was in college. hinatid ko sa School si Seron, parati kasi siyang binubully kaya as her older brother palagi ko siyang hinahatid." anito.
"Iilang classrooms lang ang pagitan ninyo ni Seron, I ask one of your classmates kung anong pangalan mo dahil pamilyar ka sakin. then sabi niya ay 'Idalia' "

Hindi ko alam, hindi man lang alam na may taong tumitingin sakin noong mga panahon na yon.

"Hanggang sa makita ko ang pangalang 'Idalia' sa students list ko, naisip ko na baka ikaw iyon. Kaya hindi mapapantayan ang sayang nadarama ko noong magkabungguan tayo sa corridoor." anito.

"Saya? hindi ka naman mukhang masaya noon, seryoso ang mga tingin mo." sabi ko.

"Yes, seryoso nga ang ekspresyon ko noon pero deep inside. Sobrang masaya ako. Kasi finally, nakita ko na muli yung babaeng nag sabi saakin kung paano dapat na pahalagahan ang mga magulang, napahanga mo ako noon." anito. Kita ko ang pag hanga at saya sa mga ito.

"Kung gaanong gusto mo ako noon pa man, paano si Ivenika? she's your girlfriend that time, right?" tanong ko, hindi pa din ako makapaniwala sa mga inamin niya. Andami kong katanungan na gusto kong mabigyan ng kasagutan.

"Kaibigan siya ni ate Swynn, and ate Swynn wants her to be my girlfriend. my mom too. She really likes Ivenika. All of them want Ivenika." aniya.

Nakaramdam ako ng pagkainggit kay Ivenika, gustong gusto siya ng ina ni Sygred, tapos ako unang pagkikita palang ininsulto na. 

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon