PROLOGUE

17.1K 309 8
                                    


Hirap kong idinilat ang mata ko agad kong naramdaman ang matinding pagkasakit ng ulo.

Argh! Anong nangyari sakin? Naparami ba ako ng nainom kagabi? Wala akong maalala.

Nangunot ang noo ko nang tuluyan na akong maka-aninag ng maayos. Bumungad sakin ang itim na kisame. Nasaan ako? Hindi ito ang silid ko sa apartment. Kulay puti iyon.

Lalong nangunot ang noo ko nang may maramdamang may hita at kamay na nakatanday at nakayakap sakin. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kaba, takot at pagkagulo.

Dahan-dahan kong ibinaba ang paningin ko at ganun na lang ang pag-agos ng luha ko nang makita ang hubad kong katawan sa ilalim ng comforter. Oh god! Anong ginawa mo, Idalia?

Lalo akong napaluha.

No! No! I'm still young for this! Ang dapat na para sa mapapangasawa ko ay nasuko ko sa hindi ko kilala. Nagsisisi ako kung bakit ako naglasing kagabi ng dahil sa walang hiyang Jacob na iyon!

Kahit na masakit ang ulo ay inangat ko ang kamay ko mula sa ilalim ng comforter. Pikit ang mata at kahit nanginginig ang kamay ay dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ng estranghero at inalis sa pagkakayakap sakin. Pinilit kong maalis ang lower body ko sa pagkakatanday niya at nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan kong maalis. Nahirapan pa ako dahil mabigat ito.

Ramdam ko ang hapdi sa gitnang bahagi ng katawan ko pero pinilit ko pa ring tumayo. I need to get out of here!

Nakita ko ang mga nagkalat na damit sa lapag dinambot ko ang damit ko at agad na isinuot. Hinanap ko ang pursue ko pero hindi ko makita. Nasaan na ba 'yon? Hinanap ko na sa kung saan-saan pero hindi ko talaga makita. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakadapa ito at natatakpan ng comforter ang mukha wala rin naman akong balak na alamin kung sino ang estranghero.

Kailangan ko talagang mahanap ang pursue ko dahil nandoon ang cellphone at pera ko. Grabe na talaga itong mga nangyayari sakin. Walang tigil sa pag agos ang luha ko habang naghahanap. Napagdesisyonan ko na wag na lang hanapin dahil gusto ko nang makaalis dito nang akmang tatalikod na ako pero biglang tumihaya ang lalaki ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagsino ang lalaki.

Napatakip ako sa bibig ko kasabay nang mas lalong pag agos ng luha ko.

It can't be!

P-Professor M-Montanier?

Besides having a fiance, he's also my professor, and what happened was a mistake.

Walang tigil ang pag agos ng luha ko habang nililisan ang lugar na iyon.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon