CHAPTER 13

9.9K 218 4
                                    


Nagtungo nako sa Starbucks na palagi naming tinatambayan noong Senior high. Nasa labas palang ako ay tanaw ko na sa loob si Jacob. Nagulat ako nang makita ko ang dati niyang buhok.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang glass door ng Starbucks.

Naglalakad na ako palapit sakanya nang
mag-angat siya ng tingin sakin.

“Idalia..”

Naupo ako sa harapan niya at diretsong tumingin sakanya. Hindi ako nagsalita.

Nang maisip niya na wala akong planong magsalita ay napabuntong hininga siya bago nag salita. Akmang hahawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa nang ilayo ko ang kamay ko.

“7 years ago namatay ang mga magulang ko.” Sabi niya kita ko ang sakit at pangungulila sa mga mata niya. What? Akala ko may parents pa siya hanggang ngayon? Naisip ko rin na 7 years ago na simula nang mamayapa ang magulang ko. Bakit niya nga ba sinasabi sakin ito?

“Ang mga magulang ko at mga magulang mo ay parehas na namatay sa parehas na petsa at parehas na lugar.” Kinagulat ko ang sinabi niya. Akala ko magulang ko lang ang namatay noong araw na iyon? Wala namang sinabi sakin ang mga nakasaksi o kahit na mga ka-barangay namin.

“Bakit hindi ko alam? Ang pagkakaalam ko ay bumangga ang sinasakyan nila mama sa truck dahil iyon ang pagkakasabi sakin.”  Sabi ko pero umiling si Jacob.

“Hindi iyan ang totoong nangyare. Nagkabanggaan ang trycicle na sinasakyan ng magulang mo at ng magulang ko. Pauwi na ang mga nagulang ko sa Ancestral house namin sa Cebu pero iyon ang nangyare.”

Napaawang ang labi ko nakaramdam ako ng lungkot para saaming dalawa. Parehas pala kami ng pinagdaanan ni Jacob. Parehas pala kaming naging ulila. Nakaramdam man ng lungkot ay nangibabaw pa rin ang galit na nararamdaman ko sakanya.

“Pero bakit ka nag sinungaling sakin?” Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko this time ay mahigpit kaya hindi ko na nagawang bawiin ang kamay ko.

“Noong nalaman kong ang magulang mo ang nakabanggan ng magulang ko ay nakaramdam ako ng galit. Sinisisi ko ang magulang mo kung bakit nawala sila Mom.” Sabi ni Jacob at nag iwas ng tingin. Hinigpitan niya rin ang pag kakahawak sa kamay ko. What? Gago ba siya? Anong kasalanan ng magulang ko sa pagkawala ng magulang niya? Parehas biktima ng aksidente ang magulang namin at walang dapat sisihin dito. Gusto kong magsalita pero pinigilan ako ni Jacob sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak sa kamay ko.

Namumuo na sakin ang galit at inis para sakanya.

“When we're still in Senior high palagi lang kitang nakikita. Hanggang sa nalaman kong ikaw ang nag iisang anak ng Crosti.” Hindi ako nagsalita at pinakinggan na lang siya.

“Nang makagraduate na tayo ng Senior high at tumuntong na ng kolehiyo. Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na lapitan ka hindi ko ineexpect na kakaibiganin mo ako hanggang sa umabot sa point na nagkamabutihan tayo niligawan kita tapos sinagot mo naman ako. Alam kong ang gago ko dahil niligawan lang kita para saktan para maghigante.” Mas lalo umusbong ang galit ko para sakanya. All this time iyon pala ang habol niya? I thought he loves me? Puro pala kaplastikan mga pinapakita niya kung ganun? Nagsisisi na ako bakit hinayaan ko ang sarili ko mapalapit kay Jacob.

Hindi ko matanggap mga pinagsasabi niya. Hindi ko makuha ang pinupunto niya. Imagine nag luluksa ka sa pagkamatay ng magulang mo tapos may taong maghihiganti sayo pero wala kang kaalam-alam kung bakit niya gagawin iyon? All my life my parents never failed na iparamdam sakin kung gaano nila ako kamahal. Hindi ni Jacob alam kung gaano kabuti ang mga magulang ko.

Wala naman talagang dapat mag higante sa nangyare dahil parehas kaming nawalan. Walang may kasalanan dahil hindi namin ginusto ang nangyare.

“Bakit kailangan mo pang mag higante? Parehas naman nawala ang magulang natin, hindi ba? Maghigante ka kung nabuhay ang magulang ko at ang magulang mo ang namatay, pero wala e. Parehas tayong nawalan!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag taas ng boses nagagalit ako sa lahat ng nalaman ko. Muli niyang hinawakan ang kamay ko para kumalma ako.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon