CHAPTER 37

9.4K 194 18
                                    


Habang kumakain ng kamoteque na luto ni Mrs. Montanier ay kung hindi nakatingin sa plato ko ay kay Izak ako nakatingin, hindi ko tinitingnan ang kanilang mata. Lalo na ang mata ni Mrs. Montanier na alam kong nakasunod sakin, hindi ba niya alam na naiilang ako at hindi ako komportable sa mga ginagawa niya? katulad ng pag sunod sunod saakin palagi ng mata niya.

"Mom, wag mo naman palaging tingnan si Idalia. Hindi siya comfortable." sabi ni Sygred nang makita ata nitong naiilang na ako sa tingin ng kanyang ina. Tumawa lang ang mama niya at sinabing may pupuntahan lang sa labas.

Doon na ako nakahinga ng maluwag. "Are you okay? I'm sorry, I don't know why she's doing that." sabi nito. ngumiti lang ako.

"Okay lang." mahina kong sabi at sinubuan si Izak na nakakandong sa kanyang hita. Mukha na kaming pamilya dito, pero hindi. dahil hindi pa namin napag uusapan ni Sygred ang tungkol saamin. Aminin ko man, gusto kong maayos 'to. Gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang anak ko. Nakakapagod din palang maging makasarili.

Pagkatapos kasing makakuha ni Seron ng kamoteque ay agad siyang nag tungo sa kanyang kwarto.

"Ano nang nangyari?" tanong ni Raquel mula sa kabilang linya.

"Uhm, nakapag usap na kami. Nagpaliwanag na siya." sabi ko.

"That's good at marunong ka nang makinig, ano ayos na kayo?" tanong nito.

Nakagat ko ang labi ko.

"Uhm, medyo? siguro?" tanong ko.

"Anong medyo o siguro? ayusin mo!" naiinis na tanong nito.

Naguguluhan pa din kasi ako.

"Nagpaliwanag na siya, okay. Nalaman ko na lahat." sabi ko.

"Ayun alam mo na, alam mo nang walang relasyon o anak si Sygred at si Ivenika? Ikaw kasi dati, pilit ka ng pilit na kesyo mag asawa na nila at may anak, na kesyo ayaw mong makasira ng pamilya e hindi naman nila anak yon, anak ni Ivenika at Randolf yon." tuloy tuloy na sabi nito.

"Oo na, nasabi na sakin ni Sygred. Inulit mo lang e. Lalo mong pinasasakit ang ulo ko." sabi ko habang nakahawak sa aking sintido.

"Oo, sorry na. may aaminin pala ako sayo." anito, nangunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

"Nung nawala si Izak."

"Oh?”

"Pinagplanuhan ko 'yon kasi gusto kong pumunta ka sa bahay nila Sygred para makapag usap kayo, para maayos niyo na at masimulan ang lovestory." anito at kinilig kilig pa sa kabilang linya, napairap ako.

"Kasama ba si Sygred sa nag plano non?" tanong ko.

"Hindi ah! nagulat na nga lang siya nang pumasok ako sa mansyon nila na may dalang bata. At saka yung sa condo? ang galing kong umakting diba?" sabi nito sa kabilang linya.

"Hindi din nakakatuwa yung ginawa mo Raquel, don't do that again! para akong mamamatay maisip palang na nawawala yung anak ko. Paano kung talaga nawala at hindi ko alam kung nasaan talaga, pag ikaw naging ina. mararamdaman mo din ang naramdaman ko." seryosong sabi ko at bumuntong hininga.

"I'm sorry, hindi ko na uulitin. Yun lang kasi naiisip ko na paraan para makapag usap kayo ni Sygred." anito, bumuntong hininga na lang ako. nag-usap muna kami bago napagdesisyonan na magkita na lang ulit bukas. Nandito pa din ako sa mansyon ng Montanier.

Magkasama kami ni Izak sa guestroom.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pagkauhaw, dahan dahan akong tumayo para hindi magising ang anak ko na nasa tabi ko.

May pagkain ba sila dito? alangan, mayaman sila. Alangan madami silang pagkain.

Agad akong bumaba, mabuti at ang guestroom na inookupa namin ni Izak ay malapit sa hagdan kaya mabilis akong nakababa.

Agad akong dumiretso sa kusina, lumapit ako sa may ref nila at binuksan ito. Napapikit pa ako nang tumama ang liwanag ng ref sa mata ko. Sarado na kasi ang lahat ng ilaw dito sa mansyon ang tanging nakabukas lang ay ang sa harap nang mansyon at ang nasa gate.

"Hindi ka makatulog?" dinig kong tinig mula sa aking likuran, agad akong napatingin dito at hindi ko ito nakita. I know it's Sygred. kinuha ko ang nahawakan kong lalagyanan ng tubig at dahan dahan itong inilibas.

Nang mailapag ko sa counter table ang tubig ay biglang bumukas ang ilaw, iginala ko ang paningin ko at nakita si Sygred na prenteng nakaupo. mayroon itong kape sa harapan at ang lalong kinapula ng pisnge ko ay ang mukha nito na walang salamin.
He's really handsome! Ganito ang itsura niya noong unang beses na nagkita kami.

"Iinom ka ng tubig?" tanong nito, lumunok ako at pinasadahan ng tingin ang kanyang suot. Naka-color blue na pajama ito at blue na t-shirt.

"O-oo, halata naman kaya nga ako kukuha ng tubig." sagot ko, nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito at kinuha ang tasa sa harapan niya at saka doon uminom habang hindi inaalis ang mata saakin, ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Bakit ba kailangan pang timitig ng ganyan? at saka bakit siya umiinom ng kape sa hating gabi? ayaw niya bang makatulog?

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nagtanong na ako.

"Bakit ka umiinom ng kape? ayaw mo bang makatulog?" tanong ko. Umiling ito. "I don't want to sleep, madami pa akong gawain for Monday." anito

Grabe namang workaholic nito pati linggo nagpapakabusy, rest day ngayon.

"O-okay." sagot ko at tumalikod na sakanya.

Agad akong kumuha ng baso at nag salin. Iinom na sana ako nang mamatay ang ilaw. Binalewala ko na lang yon at tinuloy ang pag inom nang tubig ng marinig ko ang paglapat ng baso sa may sink hindi kalayuan sa aking pwesto, habang umiinom ako ay napasulyap ako doon. Kita ko ang anino ni Sygred habang hinuhugasan ang ginamit niya.

Agad akong tumingin sa harapan ko nang bigla itong humarap sakin, tapos na akong uminom at hinintay siyang matapos na hugasan ang kanyang plato. Ayokong lumapit, hintayin ko na lang siya matapos. Pag napapalapit kasi ako sakanya yung dibdib ko parang tanga e. Papakalabas ng tibok ng puso.

"Hey, tapos kana? lumapit ka dito para mahugasan ko na yang baso na ginamit mo." anito, agad akong umiling.

"H-hindi na, ako na."

"No, come here!" tawag nito at naramdaman ko na lang ang malaki nitong kamay na marahang hinila ang palapulsuhan ko at pinatayo ako sa harapan niya.

"Tuturuan kita kung paano mag hugas." anito, siniko ko ito at ako lang ang nasaktan at namula nang maramdaman ko sa siko ko ang abs niya.

"Marunong akong mag hugas." madiin kong sabi.

Tumawa lamang ito.

Binuksan niya ang tubig ng gripo, at itinapat ang baso doon. Hawak hawak ko ang baso habang hawak naman niya ang sponge, seriously? may ganito ba talagang pag huhugas? dalawang tao talaga ang kailangang mag hugas ng iisang baso?

Nagkakadikit na ang mga kamay namin sa ginagawa namin.

"Hawakan mong mabuti baka malaglag." sabi nito, naramdaman ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg ko.

Napapikit ako ng mariin, dahil anlakas talaga ng epekto sakin ni Sygred. Dumilat ako at bahagyang umusog.

"Inaantok na ako." mahina kong sabi, mahina itong tumawa at pinakawalan ako pero bago ako tuluyan kumawala ay naramdaman ko ang kamay nitong humaplos sa bewang ko.

"Alright, goodnight." sabi nito, dire-diretso akong lumabas ng kusina at napasapo sa aking noo. Anong nangyayari sayo, Idalia?

Hanggang sa maisara ko ang pinto nang kwarto ay anlakas pa din ng tibok nang puso ko at ramdam ko pa din ang pag iinit ng pisnge ko, para akong teenager dito.

Hay nako, Sygred! hinding hindi ko na talaga maitatanggi yung nararamdaman ko sayo!

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now