CHAPTER 26

9.8K 282 48
                                    


Halos mag dadalawang buwan na akong nag tuturo bilang guro, minsanan lang kaming nagkakasalubong ni Sygred at sa tuwing nangyayari yon ay iniiwasan ko siya.

Hindi ko na din muling nakita si Ivenika.

Ngayon naman ay aalis kami ni Raquel at ng anak ko, pupunta ako sa shoot ni Izak. Walang pasok ngayon. Gusto kong makita ang anak ko na kinukuhanan ng litrato. Hinaplos ko ng hinaplos ang buhok nito. Nakahiga siya sa hita ko at natutulog.

Napatingin ako sa labas nang makitang hininto na ni Raquel ang sasakyan niya.

"Dito na tayo?" Tanong ko.

Isa lang itong simpleng bahay pero maganda ang paligid. Maganda ang labas. Parang ang sarap tumira sa ganitong lugar. Sariwa ang hangin.

"Antipolo na ito, dito kasi gaganapin yung shoot nila Izak. Hindi naman kami sa ganito pumupunta. Iisang lugar lang ang pinag gaganapan ng shoot ng mga babys pero ngayon ay ibang lugar na." Iginala nito ang paningin at tinanggal ang seatbelt.

Agad kong binuhat ang anak ko, nakita kong dinilat nito ang maliit na mata nito kaya't napangiti ako at hinalikan siya sa pisnge.

Ang gwapo ng anak ko kahit bagong gising!

Lumabas na kami ng sasakyan. Habang naglalakad papasok ay namamanghang nagsalita si Raquel.

"Infairness, ang ganda dito ha!" namamanghang sabi nito.

Napangiti ako at inayos ang buhok ko na nililipad ng hangin.

"Sarap ng sariwang hangin," Nakangiting sabi ko, nakangiting lumingon sakin si Raquel.

"Oo nga, e." nakangiting aniya at nakapatingin kay Izak na buhat-buhat ko. "Hindi ka ba nahihirapan? ako na muna magbubuhat kay Izak." anito.

Umiling ako.

"Hindi na, ako na. Alam kong pagod ka sa byahe." sabi ko.

"Hays, sige ako na lang ang pupunta kay Maya para alam niyang nandito na tayo." aniya. si Maya ang babaeng lumapit sakanya sa Mall. Nakausap ko na din ito ng isang beses sa telepono. Tumakbo na siya papasok ng bahay. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Papalapit sa bahay ay nakarinig ako ng pamilyar na boses, Nangunot ang noo ko at ramdam ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Oh, my baby is so cute!" Masayang sabi nito.

Si Ivenika!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Posible naman na maging modelo din ang anak niya dahil isa naman siyang modelo.

Umatras ako ng isang hakbang saktong pag labas ni Raquel sa bahay, Nakita niya siguro ang ginawa kong pag atras kaya naguguluhang lumapit siya sakin.

"Why?" tanong niya.

Noong matapos kong manganak ay tanging si Raquel lang ang sinabihan ko kung sino ang ama ng anak ko, una palang talaga ay gusto na niyang panagutan ako ni Sygred. Pinipilit niya ako nung una na lumapit kay Sygred at ipaalam dito na may anak kami. Pero palagi kong sinasabi na ayoko. Hindi ko nga alam dito kung bakit pinipilit niya pa din ako e alam naman niya na may fiance na yung tao. pero nang sabihin ko sakanya na hindi ko gustong ipaalam kay Sygred at sana respetuhin niya yon. doon na siya tumigil.

"Alam mo naman diba?" tanong ko. Nangunot ang noo nito.

"Ang ano?"

"About sa tatay ni Izak." Mahinang sabi ko.

"Bakit naman hindi mo sinabi sakin na nandito si Ivenika?" Tanong ko.

"Hindi ko alam na nandito pala siya, okay? nagulat na lang din ako kanina," Aniya. "Tara na, Pasok na tayo." aniya at nakangiting tumingin kay Izak na nakatingin naman sakanya.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon