CHAPTER 7

10K 216 0
                                    

Naglalakad kami ni Seven sa corridor nang magkagulo ang mga estudyante. Natulak pa ako ng lalaking na nag mamadali na pumunta sa harapan para maki-usosyo. Napahawak ako sa braso ni Seven.

Nakita ko ang dalawang babae na hindi maawat-awat sa pag sasabunutan.

Bakit sila nag aaway? Nandito pa talaga sila sa corridor?

“Baka lalaki nanaman ang pinag-aawayan.” Bulong ni Seven.

Napatango ako. Posible.

“Baka nga.”

Hindi kami makadaan. Maluwag ang corridor pero hindi kami makadaan dahil sa mga nakaharang na estudyante na nanonood sa dalawang babaeng sobrang tatapang at gusto na atang tanggalin ang anit ng isa't isa. Gusto ko mang dumaan pero wala talagang madaanan.

Nang mula sa siksikan ay may pumasok na babae. Natutulak na siya dahil sa payat niya at liit. Sobrang puti nito at may salamin na suot.

“Hershey, that's enough!” Nagulat ako nang sumigaw ito. Ang liit liit niya pero ang lakas ng boses niya.

“Kilala ko 'yan.” Bulong ni Seven.

“Sino?”

“The's Artaci, the daughter of Attorney Vittori.”

Napatango ako.

Anak pala siya ng abogado.

Nakita kong akma na lalapit ito sa dalawang babae na patuloy na nagsasabunutan pero pinipigilan siya ng mga lalaki na nasa likuran niya. Nagulat ako nang muling sumigaw uli ang babae.

“Ramirez! What the heck are you still doing there? Nag aaway na ang dalawang kaibigan ko dahil sayo tapos tatayo tayo ka lang diyan? Wala ka man lang bang gagawin?” Galit na sigaw nito. Nag singhapan ang mga estudyanteng nanonood.

“Did she just shout at Ramirez?”

”She's crazy!”

“Anlakas ng loob niya sigawan ang anak ng mayor,”

“Attorney naman ang tatay niya,”

“Kahit na!”

Napatingin ako sa lalaking sinigawan niya. Blangko ang tingin nito kay Artaci kita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya bago dahan dahang tumalikod. Lahat kami ay napasinghap sa sinabi nito.

“I don't care.”

Kusang nag hiwalay ang kumpol ng mga estudyante nang mag simulang mag lakad ang lalaki na akala mo ay hari na kinasigaw naman ni Artaci sa inis.

Nang mawala ang lalaki ay saka naman ang pag dating ng kung sino. “What happened?” Galit na tanong ng pamilyar na boses sa likuran ko.

“Ms. Santa Ana and Ms. Tribuena and lastly you Ms. Vittori! Go to guidance office now!” Ma-awtoridad sabi nito. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, lalo na't sa mismong likuran ko nang galing ang boses na iyon.

Huminto ang dalawang babae na nagsasabunutan at nakita ko kung paano ang mga ito namutla nang makita ang taong nasa likuran ko, si Professor Montanier lang pala ang mapagpapatigil sakanila.

Nakayukong nag baba ng tingin ang dalawang babae na nag aaway kanina. Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong kasama ako sa mga mapapagalitan dahil kasali ako sa mga nanonood dito at hindi man lang ako gumawa ng paraan para mapatigil sila. Wala naman talaga akong balak makisali ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar nato kanina.

May mga nagbalak na pumunta sa mga classroom nila pero pinigilan ni Professor Montanier kaya magkakasunod silang dumaan sa harapan ko at nasa unahan ang tatlong babae kaya napaatras ako nang mabunggo ako ng mga dumadaan. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko mula sa likuran na animo'y pinapahinto ako sa pag atras.

Naramdaman ko ang dumaloy sa kuryente mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, kahit kinakabahan ay nag angat ako ng tingin kay Professor Montanier at sumakto naman sa pag yuko niya sakin. Damn that brown eyes!

Hanggang dibdib niya lang ako sa sobrang tangkad niya. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin.

“Isa ka ring pasaway, sumunod ka rin sa guidance office.” Seryosong sabi nito at binitawan na ang braso ko pagkatapos ay tumingin sa ibang estudyante na nakatayo pa rin dito.

“All of you! Sumunod kayo!”

Pagkatapos ni Professor Montanier sabihin iyon ay nag simula na siyang maglakad. Nang biglang dumating si Seven.

“Guidance pa ang abot natin!”

Hindi niya kaya nakita si Prof na nasa likod ko?

Marami kami ritong nakatayo sa guidance office. Hindi ko mabilang sa dami. Malaki ang loob ng guidance kaya kasyang kasya kami. Nakayuko lang ako sa buong durasyon na pangangaral samin ng principal. Dapat pala sinubukan ko pa rin kaninang makadaan edi sana hindi kami naguidance.

Iniwan na rin kami kanina ni Professor Montanier pagkatapos niya kaming maihatid dito pero bago iyon ay kinausap niya muna ang principal.

Pinangaralan kami ng Principle pero ang nag sabunutan at nag pustahan ay pinatawag niya ang magulang.

Nahihiya ako kasi ito ang unang beses na nakatapak ako sa guidance. Kailanman kasi hindi ko pa nararaanasan ang naguidance ngayon pa lang.

Hindi na ako nakapasok sa last subject dahil sa tinagal namin sa loob ng guidance. Ngayon ay naglalakad na kami ni Seven papalabas ng university.

Nang may maisip akong itanong sakanya.

“Bakit wala ka sa tabi ko kanina?” Takang tanong ko na kinahagikgik niya.

“May nakapukaw ng paningin ko!” Kinikilig na sabi nito na kinatawa ko. Ang harot talaga!

“Nagwapuhan sayo?” Natatawang tanong ko.

Nanlaki ang mata nito at mukhang nainsulto sa sinabi ko.

“Gaga ka!” Inis na sabi ni Seven at inirapan ako. “Nagagandahan 'yon!” Nanlalaki ang matang sabi nito na kinatawa ko.

Natatawang tinaas ko ang dalawang kamay ko. “Oo na! Oo na! Sabi mo e,”

Kausap ko si Jacob habang nagluluto ako ng hapunan. Nakalapag ang cellphone ko sa lamesa at naka loud speaker.

Wala na akong makapang pagmamahal kay Jacob. But, what can I do? Ayaw ko nang pilitin ang sarili ko na mahalin siya. Hindi natuturuan ang puso. Masasaktan ko lang si Jacob.

But until now hindi pa rin ako nakikipag hiwalay sakanya. Ayokong makipag hiwalay through social media. Gusto kong makipaghiwalay pag bumalik na siya ulit dito sa pilipinas. I want to tell everything and apologize.

It's my fault kung na ako na out of love. Kasalanan ko ang lahat. Wala siyang kasalanan sakin.

“Nag dinner kana?” Tanong niya.

“Hindi pa, nagluluto pako ng hapunan.” Sagot ko. “How about you?”

“Tapos na love.”

“Love?”

“Hey, love!”

“Love, are you still there?”

Nandito parin ako pero maisip ko lang lahat ng kasalanan ko sakanya hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang kausapin. I'm so sorry, Jacob.

“Y-yes, I'm still here. I-I'm sorry..” Mahinang sabi ko.

“Oh.It's okay..”

Isa sa nagustuhan ko kay Jacob. Napaka understanding niya. Hindi niya deserve lahat nang 'to.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon